"WHY are you following me?" inis na tanong ni Nick kay Sera.
Matapos siyang i-discharge sa ospital ay nagtungo muna siya sa opisina upang tapusin ang mga naiwang trabaho. Wala siyang nagawa nang isama ni Colt ang nagpapanggap na asawa niya.
"Ano ba?" asik niya.
"Bakit ba ang sungit mo? May dalaw ka?" simpleng tanong nito sa kanya. Sumingkit ang kanyang mga mata.
"Why are you still following me? Hindi naman kita asawa."
"Well, your friends think otherwise. Sa paningin nila ay asawa mo ako," sagot nito.
"Anong gayuma at kulam ang ginamit mo at paniwalang-paniwala ang mga kaibigan ko sa 'yo?" tanong muli niya.
Malaki talaga ang duda niya na hindi isang ordinaryong tao ang kaharap niya. Sobrang ganda kasi nito sa paningin niya. And that kind of beauty was very rare. May kung anong panghalina ang mukha ni Sera.
"Hoy, hindi ako mangkukulam! Wala nga akong walis," asik ni Sera. Kumunot ang noo niya.
She knew what I was thinking? Coincidence lang iyon. Nabanggit niya ang kulam kanina. So coincidence lang iyon.
"Hoy, anong coincidence ka d'yan. I know you think that I'm a witch! Well, I'm not."
"What?" maang na tanong niya. "I don't know what you're talking about."
Pumasok siya sa bahay niya at iniwan ang dalaga sa labas ng bahay. Ini-lock niya ang pinto. Double bolt lock iyon kaya pareho niyang ini-lock just to make sure na hindi siya mapapasok ng baliw na dalaga.
"You can't run away from me, Nick."
Nagulat siya sa boses na narinig sa loob ng bahay. He turned around and saw Sera sitting comfortably on his single mission couch.
Binuksan uli niya ang pinto at sinilip ang labas. Wala doon ang dalaga. Dalawang beses pa niyang sinigurado na talagang wala doon ang dalaga.
"H-how did you get in there?" tanong niya. Ngumiti nang nakakaloko si Sera.
"Magaling ako, eh. May magic ako," sabi nito.
"Mangkukulam ka talaga."
"I told you I'm not a witch! May witch bang kasingganda ko?"
Umikot pa ang dalaga para ipakita sa kanya ang natural na kagandahan nito. His heart made a somersault when she did that turn. Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lang ang epekto nito sa kanya.
She's doing some wonders in his anatomy and he didn't like it. Since that day she declared she was his 'wife', and that almost kiss they shared, hindi na siya nagkaroon ng maayos na tulog.
"So, ano ka?" hamon niya.
"I'm an..." tila nag-iisip ang babae.
"Isa kang baliw," sabi niya.
"Hindi nga ako baliw. Bakit ba ang kulit mo?"
Tumayo si Sera at lumapit sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang proximity nila. She stood so close to her that there's almost no room for the air to pass between them. And then there's the teasing electricity running through his body.
Bigla siyang lumayo sa dalaga dahil kung hindi niya gagawin iyon, mararamdaman nito ang paninigas ng 'junior' niya. Ganoon kalala ang epekto ni Sera sa kanya.
"Hey, Dominick, hindi ako masamang tao. Hindi ako magnanakaw at miyembro ng salisi gang," sabi nito.
Nagbabasa ba ito ang isip? Nabasa niyang pinaghihinalaan ko siyang magnanakaw?
BINABASA MO ANG
ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged Angel
FantasiPinarusahan si Serafina ng konseho ng mga anghel dahil sa pagsuway sa isang utos. She was given the task of helping one needy soul. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya si Elle, ang nawawalang prinsesa ng mga diwata na isinumpang manirahan sa isa...