"NARIYAN ba si Nick?" tanong ng babaeng hindi niya kilala pero pamilyar ang mukha. Saan nga ba niya nakita ang mukha nito?
Ang hirap kapag hindi napapraktis ang powers.
"Puwede ko bang malaman kung sino ang nagtatanong?"
"Kaibigan niya ako, si Cattleya."
Cattleya? She stood frozen when she realized who Cattleya was. Ito si Leya?
"You're Cattleya," usal niya. Sumilay ang isang ngiti sa worried na mukha ng bisita. "I'm sorry. Please come in."
"Thank you." Pumasok ito nang luwagan niya ang bukas ng pinto ngunit hinintay siya bago tuluyang dumiretso sa sala.
"Please sit down. Can I get you anything?" tanong niya habang binabasa niya ang utak ng babae sa palagay niya ay naging mahalagang bahagi ng buhay ni Nick.
I'm sorry Leya but I have to know why you're here. Ayaw kang pag-usapan ni Nick at alam kong ikaw ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pananaw ni Nick sa sarili niya. Ayokong masaktan mo pa uli ang lalaking mahal ko.
Yes, mahal na mahal niya si Nick at poprotektahan niya ang binata sa kahit anong puwedeng makasakit dito.
"No, but thank you for offering," magalang na sagot ni Leya. Pinagmasdan niya ang babae. Maganda ito at hindi rin ito plastic na tao kagaya noong babaeng parang pabo na nagpunta sa beach house ni Nick noon. Malinis rin ang hangarin nito sa pagpunta nito sa bahay ng binata. Ramdam niya ang kaiga-igayang musika na nagmumula sa babae.
"Is Nick around?"
"I'm afraid he's not here. Kahapon pa siya nagpunta sa Hong Kong para sa isang conference. Bukas pa siya babalik," sagot naman niya. "Puwede ko bang malaman kung ano ang kailangan mo sa kanya?"
Hindi agad nakasagot si Leya.
"It's okay if it's too personal," bawi niya.
Ngumiti si Leya matapos siyang pagmasdan nito ng ilang saglit. "Puwede ko bang malaman ang pangalan mo at kung anong ugnayan mo kay Nick?" banayad at walang halong sarkasmo ang tanong na iyon ng dalaga.
Sera couldn't believe that she was able to find a pure soul as Leya. Papasa itong anghel dahil sa nababanaag niyang kabutihan sa puso nito.
"I-I'm Sera. I'm–"
"Sera!" Nick's voice filled the room. Excited ang boses nito. "Baby, I'm home!" Napatitig sa kanya si Leya. Ngumiwi naman siya.
"Leya, I'm sorry. Hindi ko ini-expect na makakauwi siya ngayon. Pero at least hindi sayang ang punta mo rito.
"Baby," salubong ni Nick sa kanya. Hinapit ng binata ang kanyang baywang at siniil siya ng isang malalim at mahabang halik sa mga labi. "I missed you," bulong nito.
She smiled at the tenderness of his voice. "I missed you, too. Bakit ang aga mo? Bukas ka pa dapat, 'di ba?"
"Namiss na kasi kita. Hindi ko kayang iwan ka rito ng matagal. Nalulungkot ako kapag hindi kita nakikita. Hindi mo man lang ako nagawang dalawin kagabi," maktol nito. Hindi pa rin nito napapansin na may ibang tao na kasama sila sa sala. Sinimulan ni Nick na halikan uli siya pero pinigilan niya ito.
"Nick, Honey, may bisita ka."
"Bisita?" itinuro niya ang babaeng kanina pa nanonood sa kanila.
"Hi, Nick," bati ni Leya. "It's been a while since we last saw each other." Biglang dumilim ang masayang mukha ng binata. Ramdam din niya ang pagtigas ng mga muscles nito. And something's telling her that what's about to happen is not pretty. Masakit sa tainga niya ang musikang nasasagap niya mula kay Nick. Malalim ang pinaghuhugutan ng galit nito.
BINABASA MO ANG
ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged Angel
FantasiPinarusahan si Serafina ng konseho ng mga anghel dahil sa pagsuway sa isang utos. She was given the task of helping one needy soul. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya si Elle, ang nawawalang prinsesa ng mga diwata na isinumpang manirahan sa isa...