Chapter 7: The First Big Fight

2.4K 103 8
                                    

NAGTATAWANAN si Sera at Chase nang pumasok sila sa komedor para mananghalian. Enjoy siyang kausap si Chase dahil marunong palang mag-joke ang kaibigan ni Nick. At kung anu-anong pick up line ang binabanatan nito. Ang totoo hindi naman talaga niya balak na makipaglapit sa mga kaibigan ni Nick dahil baka malaman ng mga ito ang sikreto nila ng binata. But there was something about Chase that drew her to the man. Malakas ang pakiramdam niya na si Chase ang sagot para matapos niya ang kaniyang misyon.

May kung anong kislap ang mga mata ni Chase habang kausap niya at madalas niya itong nahuhuling ngumingiti ng mag-isa na parang baliw.

Naputol ang kanilang munting kasiyahan nang sumalubong sa kanila ang madilim at nakasimangot na mukha ni Nick.

"Bakit ba ang tagal ninyo?" asik nito. "Kanina pa kami nagugutom ni Janus."

Hindi siya agad nakasagot sa binata. May mood swing na naman ito at natutuhan na niyang huwag patulan ang lalaki kapag may sapak ito. Mauuwi lang kasi iyon sa matinding pagtatalo at cold war nilang dalawa.

"Nagkakuwentuhan lang, Pare," sagot ni Chase na hindi alintana ang inis ni Nick. Halatang sanay na ito sa lalaki. Si Janus naman ay parang walang pakialam dahil tuloy lang ito sa pagsaksak ng pagkain sa bibig nito. Sayang-saya ito sa kinakain.

"Kahit na. Alam ninyong tanghalian na at oras na ng pagkain. Hindi dapat pinaghihintay ang hapag lalo na't may kasabay kayong kakain."

"Anong problema mo?" Napigtal ang pagtitimpi niya.

Hindi nagsalita si Nick. Basta na lang ito tumalikod sa kanila at humila ng upuan para umupo. Lalong nag-init ang bumbunan niya.

"Hoy, kinakausap kita!" giit niya. "Huwag mo akong talikuran, Dominick!"

"What!" asik naman nito.

"Ah, I think we need to leave the two of you. Doon na lang kami sa den kakain ni Janus," sabad ni Chase na ramdam ang tension sa pagitan nila ni Nick. Hinila ni Chase si Janus.

"Dito na lang tayo, Chase. Magandang panoorin ito," walang pasinayang sabi ni Janus. Enjoy ito sa pagkain habang pinanonood ang palitan nila ng matalim na titig ni Nick.

"Huwag kang insensitive, Janus. Akala ko nagbago ka na no'ng magka-girlfriend ka? They need space to sort out their war." Sapilitan nitong hinila ang kaibigan.

"Anong pinagsisintir mo riyan?" tanong niya kay Nick nang makaalis ang dalawa sa komedor. "Bakit kailangan mong maging bastos kay Chase?"

"Hindi ko siya binastos," malamig na sagot nito.

"Hindi pala. Eh, anong ginawa mo kanina? Halos sipain mo na si Chase palabas nitong bahay dahil sa ano? Dahil lang sa na-late kami para sa lunch o dahil sa nagseselos ka?"

Kumunot ang noo ni Nick. "Nagseselos? Why would I be jealous? Sino ka ba para magselos ako?"

Hindi siya nakaimik.

"You're just my pretend wife. And I have to accept that because you left me with no choice when you declared that in front of my friends. So, hindi ko kailangang magselos dahil hindi ka importante sa buhay ko. You are just an annoying passer-by. Hindi ka naman mahalaga sa akin. Ikaw ang may kailangan sa akin kaya bakit ako ang kailangan mag-adjust sa iyo? Why not the other way around?" inis nitong sambit.

Ouch. Sobrang ouch. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa mga sinabi ni Nick. Para siyang sinampal nang sampung beses. At ang sakit na naramdaman niya sa puso niya ay hindi niya maipaliwanag. Parang ibinato nito ang puso niya sa dingding at nabasag iyon. Hindi pa nakuntento ang binata dahil pakiramdam niya ay tinapak-tapakan pa nito ang durog niyang puso para maging pinung-pino.

ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon