Author's Note:
This chapter, just like chapters 9 and 10, was added after I have completed this story. Pakiramdam ko kasi ay parang minadali ko ang pagkukuwento kaya nang matapos ko ito at binasa ko uli ay nagdecide akong mag-add ng tatlo pang chapters. Of course, with the knowledge and approval from my co-writers in this collaboration series.
Dedicated to:
IngridDelaTorreRN; sachibliss; bluepurplenez; Dani_Alba; elle_casas; blessedajane08
"Sera," tawag ng boses sa kanyang likod. Kilala niya kung kaninong boses iyon pero hindi niya pinansin ito. Nanatili siyang nakatingin kay Chase at hinihintay ang sagot nito sa kanyang pakiusap.
"Chase," usal niya.
"I don't know, Sera. Teka, sandali, paano mo nalaman na narito si Elle?" biglang tanong nito nang ma-realize ni Chase ang tungkol sa lihim ni Elle.
"It doesn't matter anymore. Just promise me, you'll take Elle away from here. Ilayo mo siya!" pakiusap niya rito. Desperado na siya. Hindi siya maaaring umalis hanggang nananatili si Nick sa disposisyon nito.
"Sera," pinigilan ni Feyr ang bisig ng dalaga. "C'mon, Sera, we have to go. Kailangan mo nang bumalik."
Binalingan niya ang kaibigan. "No, Feyr. Hindi ako aalis. Hindi pa puwede!"
Halos maiyak na siya dahil parang nauubos na ang kanyang panahon. Nararamdaman niyang magpapakita si Elle anumang oras. And that can't happen.
"I can feel her music, Sera. She's here and it's only a matter of time before she presents herself. Wala ka nang magagawa sa pagkikita ninyo," paalala ni Feyr.
"Hindi puwede, Feyr. I can't go back to Caelum. Not until I made sure Nick is alright."
"Aalis ka?" tanong ni Chase. "Iiwan mo si Nick? Pero bakit? Akala ko ayaw mo siyang iwan?"
Umiling siya. "Hindi ako aalis. Hindi ko iiwan si Nick. Iyon ay kung maipapangako mong ilalayo mo si Elle rito. I must not see her. I must not meet her or else..."
"Or else? Ano, Sera?" naiinip na tanong ni Chase. Hindi nito mauunawaan ang lahat kung hindi niya aaminin kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman para sa kaibigan nito.
"Asawa ka ni Nick. Alam ko mahal mo ang kaibigan ko. Alam ko rin ikaw ang pinakamahalaga sa buhay niya ngayon. Hindi niya kakayanin kung mawawala ka sa buhay niya, Sera. So please don't leave him. I don't want to see him broken again."
Alam nilang mahal ko si Nick. Ibig sabihin maaaring alam din ni Nick na mahal ko siya?
"Kaya nga kailangan mong ilayo ang babaeng iyon dito. Si Elle ang totoong dahilan kung bakit ako nagpunta rito sa mundo ninyo. Ano ba, Chase? Sinabi ko na sa iyong isa akong anghel at narito ako para ibalik si Elle sa kaharian nila."
Hinintay niyang pigilan siya ni Feyr sa pagsasabi ng totoo pero hindi ito nagsalita. Humugot siya ng isang malalim na hinga bago nagsimulang magsalita.
"She's not human and she doesn't belong here," sabi ng isa pang tinig. Napalingon silang tatlo sa pinanggalingan ng boses. Right there, behind Chase, was a very handsome man.
BINABASA MO ANG
ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged Angel
FantasíaPinarusahan si Serafina ng konseho ng mga anghel dahil sa pagsuway sa isang utos. She was given the task of helping one needy soul. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya si Elle, ang nawawalang prinsesa ng mga diwata na isinumpang manirahan sa isa...