Pagulong gulong ako kagabi sa kama ko dahil sa nangyari. Gusto na ata ni Genesis dito tumira. Tapos dito na sya natutulog
Baka magarute ako ni Papa, tapos sumugod sya ng may itak. Naku! Sumasakit lang ulo ko, agad akong nag asikaso dahil nga papasok pa ako.
Kumain na ako at nakaligo. Madali akong lumabas ng dorm paraag antay ng tricycle papuntang campus. Minsan naka taxi ako pero gusto ko naman mag try ng tricycle.
7am na ng makarating ako sa school, mabuti na lang ay hindi pa ako late. Terror kasi yung isa naming teacher sa unang subject ngayon.
“Muntik na malate,” Nakangising sabi ni Jude sa akin. I just smirked at him at naupo.
Dumating na rin si Mrs. Valez, nag kwento sya hindi sya nagturo. Ang story nya ay talambuhay nya. No'ng sya ay kabataan pa, dalaga.
“Ewan ko ba sa inyo, magwapuhan lang sa lalake, gusto na asawahin. Kami noon, aba'y di uso iyon.”
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko, well, trot. Pero ako naman eh crush lang tapos ngayon kinikiss na ako. Lumulipad na naman tuloy ang isip ko. Bigla ko na namang naalala yung kiss.
Natapos ang klase kaya't nag aya ako na kumain, nasa hallway kami ngayon naka upo dahil burger lang naman ang kinakain namin ngayon.
Nagtatawanan kaming tatlo nang may lumapit sa aming tatlong lalake. Nakatingin kami sa mga ito, nagtutulukan sila at kinakalabit yung isang lalake na nasa unahan nila.
Tinulak nila iyon palapit sa akin, “Bakit?” Tanong ko. Napakamot naman ito sa ulo habang nanunukso na sila Mela.
“For you,” napatingin ako sa inaabot nyang chocolate. Napayuko naman ito at hinihintay na tanggapin ko ang binigay nya.
Kinuha ko iyon nang may ngiti sa labi, mas lalong lumakas ang panunukso ng mga kasama nya sa kanya, nahihiya naman ang lalake.
“Suitor mo?” Ani ni Mela sabay turo sa nag abot nag chocolate. Nagkabit balikat ako.
Kita naman ang pamumula ng mukha nito sa sinabi ni Mela. “Thank you,” saad ko rito.
“Just call me, Justine.”
“Okay, thank you, Justine.” Magiliw na sagot ko rito. Hindi naman sila nag tagal at umalis na rin.
Nagawi naman ang tingin ko kila Mela at Jude na nagbubulungan, naglalabas na rin sila ng pera. Pinalo ko naman sila sa braso, “Ano 'yan?” Tanong ko.
Nacurios ako, “pinagpustahan namin 'yung Justine, after one week iiyak yon.” Malokong saad ni Jude, nabigwasan ko naman ito.
“Ansama nyo,” Sita ko.
Nakaisip naman ako ng kalokohan, pano pag sinagot ko si Justine? Nginitian ko naman ang mga ito. “Pa'no pag sinagot ko sya? akin na lahat ng pusta nyo?”
Nagkatinginan muna ang mga ito bago ako lingunin, sa titig nila sa akin ngayon. Hindi sila naniniwala.
Tumawa ang dalawa tsaka nagpatuloy sa pagbibilang ng pera, kinaltukan ko silang dalawa. “Seryoso ako,” iritang sabi ko.
“Alam mo, puputi muna ang uwak bago mangyari iyon.” Ani ni Jude.
“Kung kay Gen gen ang pusta, baka kami pa ang bayaran mo!” Sagot naman ni Mela.
Grabe talaga silang dalawa, kung pagtulungan ako parang hindi kaibigan. Kinuha ko ang bag ko, “Bahala nga kayo,” tsaka ako umalis at bumalik ng classroom.
Nasa kalagitnaan kami ng discussion nang makita ko si Genesis sa may hallway, may kausap na babae. Kunot noo lang akong nakatingin sa kanila.
Nakikita ko na nag eenjoy sya sa kausap nya, panay tawa tapos hawak naman sa kanya iyong babae. Gustong gusto naman ng loko.
BINABASA MO ANG
Too Loud to Love You
Teen FictionMariana Cruze is the brave and smart woman, who loves her family. And met Genesis Alvarez, the nonchalant and famous person in their campus. She discover something about Genesis that related to his Father. And she find out her true identity and her...