Dahan dahan kong iminulat ang aking mata, nilibot ko ang paningin ko. Hindi ito ang kwarto ko. Nasa'n ako?
Pat4y na ba ako? puro puti ang nakikita ko. Fresh grass ako from province, dedu na agad ako?
"Mariana?" Isang magandang babae ang nas tabi ko, nangilid ang luha ko ng makilala ko iyon.
"Mom...why?" Katagang lumabas sa aking bibig.
"Apo, it's me your Lola Kiella." Hinaplos nito ang ulo ko. Mas naaninag ko na ito, it was my Lola.
"Lola, where am I?" Tanong ko.
"Nasa ospital ka, hindi mo ba naalala ang nangyari sayo?" Nakaramdam ako ng kirot sa aking ulo. I remembered. I hate it.
"Ang Papa po ba...sumama na kila Genesis?" Napaiwas ng tingin ang Lola ko. So, kinuha na nila si Papa at inuwi na.
"I see, wala naman akong karapatan para magreklamo. T-Thank you, Lola, for accepting me." Naging garalgal ang boses ko.
Gaya ko ay di na napigilan ng Lola ko na hindi maiyak, niyakap nya ako. Hindi pa naman ako nag iisa, andito pa si Lola.
"I'm sorry, apo ko. Hindi ko agad nasabi sa iyo. Pero kahit gano'n, mahal na mahal kita." Mas lalo akong naiyak, pinaulanan ako ni Lola ng kiss sa ulo at noo.
At least I still have Lola.
TWO DAYS AGO
Hindi naman ako nakabalik agad sa Manila, wala na si Papa sa bahay. Kalalabas ko lang kahapon sa ospital.
Hindi ko alam kung anong pinag usapan ng doctor at nila Lola, pero may inabot itong gamot sa akin.
Naisip ko na mag drop out na lang sa Monte Clara at bumalik na rito sa probinsya namin. Walang ibang kasama ang Lola ko kundi sila Yaya Lyna lang. Nag aalala ako.
"La, babalik po ako ng Manila. Babalik din naman po ako." Sinabi nya kasi na mag stay ako kahit one week sa bahay.
"Apo, alam mo namang mag aalala ako. Lumipat ka na lang dito, ipapaayos ko lahat ng papers for transferee."
"Lola, promise babalik din ako. May kukunin at isasama lang ako rito." Naalala ko ang kapatid ng Mommy ko. Tinanong ko iyon kay Lola, matagal nya na pala iyong hinahanap.
"Si Kyla ba? nahanap mo na ba si Tita Kyla mo?" Tumango ako, pinunasan ko ang luha sa mata ng Lola.
"Pag balik ko madami kaming pasalubong sayo," Niyakap ko ito.
Pumayag na ang Lola ko na bumalik ako ng Manila, pinahatid nya ako kay Mang Lando. Hihintayin din ako nito dahil ipapasundo ko si Tita Kyla.
Pag dating ko sa dorm ay sinalubong ako ni Ms. Land lady, kita sa mata nito ang pag aalala. "Mariana, ayos ka lang ba?" Ngumiti ako bago tumango.
"Don't worry po, ayos lang ako." Sagot ko, hinagod nito ang likod ko. Binigay ko ang address ng ospital kay Mang Lando, pati na rin ang fullname ng Tita Kyla.
Sinabi ko na una nyang sunduin ang Tita para magkausap pa sila, tumugon naman si Mang lando kahit na nag aalala rin sya sa akin.
Nagawi ang tingin ko sa dulo ng lobby kung san tumatambay sila Lucas at yung tatlong Alvarez.
I saw him but he didn't hesitate na lingunin ako. He was looking at me with those painful eyes.
Pakiramdam ko tuloy sinisisi nya na ako sa lahat. "Tataas po muna ako."
Pagdating ko sa unit ko ay gano'n pa rin naman ang ayos, kung ano nung umalis ako. I wipe my tears habang iginagala ang paningin sa unit.
"I have a lot of memories here," Bulong ko. Napaupo ako at humagulgol ng iyak.
BINABASA MO ANG
Too Loud to Love You
Teen FictionMariana Cruze is the brave and smart woman, who loves her family. And met Genesis Alvarez, the nonchalant and famous person in their campus. She discover something about Genesis that related to his Father. And she find out her true identity and her...