CHAPTER TWENTY THREE

7 4 0
                                    





AGAD KAMING UMALIS at nagpunta sa Quezon, sinabihan na ni Genesis sila Papa Greg sa nangyari. Nanatili lang akong nakatingin sa labas habang binabaybay ang daan papuntang Lucban.




Naramdaman ko ang kamay ni Genesis, hinawakan nito ang kamay ko habang nag mamaneho. Nasa back seat naman si Jace nakaupo rin, malungkot ang tingin sa amin.




Nang makarating kami sa bahay, tumakbo na ako papasok sa loob at sinalubong ni Tita kyla, niyakap nya ako ng mahigpit. Kumawala ro'n ang ingay naming dalawa dahil sa pag iyak.



"Ang Mama ko..." Mahinang usal ni Tita kyla, naupo kaming dalawa malapit sa kaba0ng ng Lola. Yakap yakap nya ang litrato nito habang umiiyak.



Nanatili akong nakayuko at umiiyak, niyakap ko ulit ang Tita ko. Sobrang sakit lang, si Lola na yung nandyan sa'kin noong panahong wala na si Mommy. Yung sumuporta sa lahat ng ginagawa ko.



Palaging may salubong na mabangong tinola at yakap galing sa kanya. Mamimiss ko iyon.



"Lola..." Usal ko.



"Mama..." Umiiyak na lumapit sa akin si Jace, niyakap nya ako. Siguro alam na ni Lola na meron na akong Jace na mag mamahal pa sakin ng sobra.



Yakap yakap ko lang si Jace habang umiiyak, parang ayos lang sa kanya na mabasa ng luha ang damit nya. Hinahagod nya ang likod ko at pinapatahan ako.



Maya-maya pa ay dumating na sila Papa Greg kasama sila Tita Eileen at Elsie. Umiiyak na lumapit si Papa kay Lola. Nagawi ang tingin nito sa amin.



"Kuya, wala na si Mama..." Umiiyak na sabi ni Tita, niyakap sya ni Papa Greg, kahit ako ay niyakap nya.



"Papa Greg..." Mahinang usal ko.



"Shhh...tahan na, she's with Kish." Ani ni Papa Greg.


Lumapit din si Tita Eileen sa amin, ramdam ko ang paghaplos nya sa likod namin ni Tita Kyla.


"Magpakatatag kayo," ani nito.



Nanatili akong nakaupo at nakatingin sa kawalan, katabi ko si Jace na nakayakap pa rin sa akin. Sumasakit na ang ulo ko, dinala ko si Jace sa kusina dahil tanghali na.




Nakapagluto na sila Yaya, tahimik sila pero kita ko ang na galing din ang mga ito sa mag iyak. Kunuhaan ko ng pagkain si Jace at pinaupo.



"Ako na, Mariana. Magpahinga ka na muna," Ani ni Genesis. Natigilan lamang ako at napasandal sa upuan.



Pinapanood ko silang dalawa ni Jace, sinita ko si Genesis dahil sunod sunod ang pagsubo ng pagkain kay Jace.



"Sorry, napressure ako."



Tumayo ako at tumaas ng kwarto ko, dito kami mag istay nila Jace, may dala na rin naman kami ng gamit. Nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko, hindi ko na naman napigilang hindi umiyak.




Nakita ko ang litrato naming tatlo nila Lola at Mommy, niyakap ko iyon at humagulgol ulit ng pag iyak. Nasa sahig ako at nakaupo.



"Lola...dapat hinintay mo muna ako..."



"Mommy naman, pati ikaw...kinuha mo si Lola sa'kin."



Nararamdaman ko ang pag dilim ng paningin ko, pinasawalang bahala ko lang ito at ptuloy pa rin sa pag iyak. Unti unting bumibigat ang katawan ko, wala na akong marinig na ingay mula sa paligid ko.



Too Loud to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon