Maaga akong gumising para magluto ng breakfast, hindi naman pwedeng maghihintay na lang ako na abutan ng pagkain ni Genesis.
Nagprito ako ng eggs, tocino and hotdogs. Nagluto rin ako fried rice, sayang naman 'yung kanin na natira kagabi.
Pagkatapos ko magluto ay saktong gising na si Lola, "Good morning, Lola!" bati ko at inlalayan syang maupo.
"Good morning, gising na rin si Jace," ani ni Lola at nginuso ang bata na kalalabas lang ng kwarto. Nagkukusot pa ng mata.
"Morning, Mama!" Nilapitan ko agad ito at niyaya sa banyo, hilamusan ko muna ang bata bago kumain.
Nagready na rin ako ng gatas ni Lola at Jace. Nakareceive ako ng text galing kay Tita Kyla, susunduin nya na raw si Lola ngayon.
Nabanggit ko na rin naman iyon kay Lola, may pasalubong daw ang Tita sa amin ni Jace.
Pagkatapos namin kumain ay ako na rin ang nagligpit, hindi ko pa pala natanong kay Jace kung anong ginawa nila sa mga Alvarez kahapon. Nawili ang bata kaya't 7pm na sila nakauwi kagabi.
Hindi rin naman sa akin nabanggit ni Genesis. Binuksan ko ang pinto ng marinig ko ang katok mula ro'n.
"Tita!" May dala dala itong sari saring paper bags, tinulungan ko naman si tita at pinatuloy sa loob.
"Ma, namiss kita!" Yakap na sambit nito kay Lola, nagawi naman ang tingin nya kay Jace na nakaupo at pilit na tinitignan ang mga dala ko.
"Ah, si Jace po pala." pakilala ko sa bata, niyakap nya rin si Jace at inabot ang malaking paper bag sa bata.
Taka akong tinignan ang laman no'n, may malaking laruan, may iba pang paper bags para sa bata, mga damit at sapatos kahit pagkain. Halos na ispoil na ang bata sa dami.
"Tita, masyado namang madami," sita kong sabi. Napangiti ang Tita ko at hinaplos ang likod ko.
"Aw, meron naman ako para sa'yo," inabot nya rin ang dalawang paper bags, hindi naman ako nagseselos, eh. Halos noon din ganito ako sa kanya.
May dress and jewelries akong nakita, ang aga ng pabirthday nya ah. "Thank you, Tita." Saad ko.
Niyaya ko si Tita Kyla na kumain pero tapos na raw sya, pinaayos nya na lang yung damit ni Lola dahil naghihintay daw sa ibaba yung fiance nya.
Hinatid namin ni Jace sila Tita sa parking lot, nakasandal naman si Fiance ng Tita ko sa kotse nya. Sinundot ko ang tagiliran ng Tita, bago ang kotse e.
"Grabe, naka honda civic," panunuya ko, pinitik naman ni tita ang kamay ko.
"Heh! sige na, aalis na kami." Niyakap ko ulit si Lola at Tita, gano'n din naman si Jace.
"Ingat po!" Kumakaway na sabi ni Jace, hinintay na muna namin na makaalis sila bago kami bumalik ni Jace sa unit.
Pagbalik namin ay pinaliguan ko na si Jace at binihisan, may pasok naman kasi ang habibi ko. Pinaghintay ko lang sya ng ilang minuto dahil naligo rin ako, may trabaho pa ako.
"Mama, si Tita Elsie raw po ang susundo sa akin." Napatigil ako sa pagsusuklay sa sinabi nito, nilingon ko ito na kunot ang noo.
"Eh, bakit daw?" Nawiwili na sila sa anak ko.
"Maglalaro raw po kami, tapos kakain ulit ng cake," sagot nito.
"Okay, wag pasaway, ah?" Bilin ko, kinuha ko na ang bag nya tsaka lumabas ng unit.
BINABASA MO ANG
Too Loud to Love You
Teen FictionMariana Cruze is the brave and smart woman, who loves her family. And met Genesis Alvarez, the nonchalant and famous person in their campus. She discover something about Genesis that related to his Father. And she find out her true identity and her...