CHAPTER TWENTY FIVE

9 4 0
                                    

ONE YEAR LATER

Maaga kong ginising si Jace dahil iba na ang schedule ng pasok nya, hindi na sya kinder so, mas maaga na.

Kabuwanan ko na rin, kaya't hindi na ako masyadong nagkikilos sa bahay. Madalas si Genesis na ang gumagawa rito.

"Break fast ready," Saad nito. Mabilis na tumakbo si Jace papunta sa kusina para kumain.

Dadaanan kasi ni Elsie si Jace at ihahatid na school dahil iisang way lang naman sila. Niready ko na ang bag ng bata, naglagay na rin ako ng baon nya ro'n.

Naglapag si Genesis ng gatas sa salas, para sa akin daw iyon. May toast bread na rin itong kasama.

"Ate, good morning!" Hindi ko namalayan na andito na pala si Elsie, "Kain ka na muna, Elsie." Ani ni Genesis pero tumanggi ito.

"Already done, Kuya."

Pagkatapos ni Jace kumain ay agad niyang kinuha ang bag nya at sinaklay iyon sa balikat nya. "Let's go po, Bye, Mama! bye Papa!"

Kiniss ko muna sya sa pisngi bago ko sila sinamahan sa may pinto. Sakto namang dumating si Kych kasama si Mela.

"Hi Bespren!"

"Hi, Twinny!"

Sila yung makakasama ko ngayon, dahil nga aalis si Genesis. Itong naman si Kych nanganak ng lahat gala pa rin, tamo ngayon di kasama ang anak.

"Asa'n si Ryuuji?" Tanong ko kay Kych, name iyon ng anak nila ni Kurei. Three months old na ito. "Nasa Lola nya, ando'n kasi ang Mother in law ko."

"Kain muna kayo," pag aya sa kanila ni Genesis. "Tapos na, salamat." Saad ni Mela.

Ang aga nakabusangot, kinalbit ko si Kych at tinanong kung anong problema ng kapatid ko. "GMRC sa umaga with Voun, eh, ulaga rin 'yung Voun kaya ayan. GG ang kapatid mo."

GMRC means Gun Machine Ratratatat Combat, uso to sa mga computer shop dati eh.

Pumasok na sa banyo si Genesis para maligo, naiwan kaming tatlo sa salas, dahil nga kabuwanan ko na, nag aayos na kami ng gamit ko at ni Baby.

Baby boy nga pala ito, Marion Gimuel ang magiging name nya. Gwapo ang datingan. Sana hindi maging bad boy paglaki.

Nakaramdam ako ng paghilab ng tyan ko, may kirot akong nararamdaman. Najejebs lang ata ako, akmang tatayo na ako ng may umagos na tubig mula sa akin.

"Te, umihi ka ba?" Takang tanong ni Mela, agad akong umiling at napahawak sa tyan ko.

"Gsga! manganganak na si Mariana!" Sigaw ni Kych, nakita kong nag madaling katukin ni Mela si Genesis sa banyo na naliligo.

Si Kych naman ay abala pag kapa ng bulsa, namilog ang mata ko nang maglabas ito ng baril. "Hoy!" Bulalas ko.

"Ay, mali! yung cellphone ko, nasa'n?" Walang atubiling binato ko si Kych ng unan, ako pa tinanong nya kung nasan ang phone nya.

"I got the car keys, let's go!" Binuhat ako ni Genesis kahit basang basa pa ito. Agad namang kinuha nila Kych ang gamit bago sumunod sa amin.

PAGKARATING namin ng ospital agad akong ipinasok sa ICU, hinayaan nilang isama ko si Genesis sa loob.

Nag hahanda na ang mga nurses ito naman si Genesis hindi mapakali, pabalik balik at parang wala sa ulirat. Nakita ko ang bote ng tubig sa tabi ko at binato iyon sa kanya.

"Para kang nawawala," Iritang saad ko, ayokong magalit dahil baka nakasimangot ang baby ko paglabas.

"I'm nervous," Hinawakan ko ang kamay nito at pilit pinapakalma.

Too Loud to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon