Araw ng sabado kaya wala na akong masyadong ginagawa, day off ko tuwing weekends. Nasa condo unit ako ngayon, madalas nandito ako lalo na pag ginagabi na ako sa trabaho.
Maglilinis muna ako bago pumunta ng Lucban para bisitahin ang puntod ng Mommy Krish ko. Death anniversary nya ngayon.
Nag message na si Tita sa akin kanina, well, sabi ko mauna na sila.
After ko maglinis ay naligo na ako at nag bihis. Naka faded jeans ako and white t-shirt na may turtle drawing bandang kaliwang dibdib ko.
Bumaba agad ako ng parking area at sumukay sa kotse ko, dumaan ako sa isang flower shop at bumili ng flowers for my Mom.
Nag drive agad ako papuntang Lucban, nasa pasay kasi ang condo at work ko kaya ilang oras pa ang byahe ko.
inaabot ako ng 2hrs and 54 minutes mula Pasay City hanggang Lucban Quezon. Pinakamabilis ata ay almost 2hrs.
Pagkarating ko sa sementeryo ay ubos na ang kandila na tinirik nila Lola, may iniwan silang pagkain dito. Naupo ako at inilagay ang dala dala ko sa tabi ng Mommy.
"Hi, Mom. I missed you, sana hindi ka nagtampo kung di ako nakadalaw last year." Nagilid ang luha ko, nagkaro'n lang ng emergency that time kaya hindi ako nanadalaw.
"Isa beses lang naman ako pumalya," Hindi ko na napigilan, my tears rolled down to my cheeks.
"Miss ko na rin si Papa Greg, though may Daddy na ako. Iniisip ko kung pinagtanggol nya manlang ba ako sa Alvarez noon." Napabuntong hininga ako tsaka tumingala.
Uulan, madilim ang kalangitan. "Mom, uuwi na ako. Babalik ako sa saturday tapos maghapon ako rito. Promise." Tumayo ako at pinagpagan ang sarili.
Kinuha ko ang gamit ko at bumalik sa aking kotse. Nagmaneho ako papunta naman sa bahay which is kila Lola.
Dadaan muna ako ro'n bago bumalik ng Pasay, may kaunting salo salo kami. Request na rin ng Lola.
Pagkarating ko sa bahay ay tumambad sa akin ang di pamilyar na kotse, napakunot ako ng noo habang tinitignan ito.
May bisita ang lola?
Agad akong pumasok sa loob ng bahay, nadatnan ako si Lola na nakaupo na may kausap. Sakto naman na lumabas ang Tita Kyla galing sa kusina.
"Mariana, andito ka na pala." Ani ni Tita sa akin, nagawi ang tingin ko sa kausap ng Lola. It was Papa Greg with his son.
Genesis.
"Apo, nakadalaw ka na ba sa Mommy mo?" Lumapit ako sa Lola at nag mano and I slowly nodded.
Lalapit na sana si Papa Greg nang may malakas na sigaw mula sa labas ng bahay namin.
"MAAAARI!" si Kych 'yon panigurado.
Nakangiti itong bumungad sa pinto at dali dali akong niyakap, "Bespren, namiss kita!"
Kumawala ito sa pagkakayakap sa akin at nag mano kay Lola. "Naku, Kych, maingay ka pa rin." Saad ng Lola.
Bahagya akong natawa, wala namang bago kasi maingay pa rin ang bespren ko.
"Kumain na kayo, Mariana." Pag aya ni Tita, hinila ko si Kych papuntang kusina at iniwan sila Lola sa sala.
"Kych, palagi ka talagang nasa tamang timming." Bulong ko rito.
BINABASA MO ANG
Too Loud to Love You
Teen FictionMariana Cruze is the brave and smart woman, who loves her family. And met Genesis Alvarez, the nonchalant and famous person in their campus. She discover something about Genesis that related to his Father. And she find out her true identity and her...