CHAPTER TWENTY TWO

6 4 0
                                    


KINABUKASAN hindi na ako nakapasok sa trabaho, hinatid ko na si Jace sa school bago bumalik ng unit ni Genesis.

Kaya pala hindi sya sumasagot sa tawag ko kanina at pagkatok sa unit nya dahil nilalagnat sya. Lakas nya makapag slita kagbi tapos ngayon, may sakit sya.

Puro kayabangan kasi, kesyo nakavitamins daw. Local ata vitamins nya, eh.

Pinagluto ko sya ng lugaw, bumili na rin ako ng gamot. Tinawagan ko rin si Elsie kanina dahil nagpanic na naman ako. Naabutan ko syang nakahandusay sa sala nya at inaapoy ng lagnat.

"Ate, ambango ng niluluto mo." Ani ni Elsie habang inaamoy ang niluluto kong tinola. Pangtanghalian namin.

"Naubos ba ni Genesis yung lugaw?" Tanong ko rito, nakangiti namang tumango si Elsie.

"Buti naman, kumain ka na rito. Luto naman na tong tinola." Saad ko, nagmadali syang kumuha ng plato tsaka nagsandok ng kanin.

Kumuha ako bimpo at maliit na planggana, naglagay ako ng warm water do'n. Pupunasan ko lang muna si Genesis.

Dinala ko iyon sa kwarto nya, nadatnan ko itong nakasandal sa head board ng kama nya, "Hi, masakit pa rin ba ang ulo mo?" Tanong ko rito.

He nodded, inilapag ko ang dala ko sa desk na nasa tabi nya, kumuha ako ng salonpas. Ilalagay ko iyon mamaya sa noo nya pati sa likod.

Kinuha ko ang bimpo at piniga iyon, pinunasan ko ang mukha nya pati leeg. Ramdam ko ang init ng katawan nya sa bawat pag punas ko rito.

Pinagpalit ko ito ng bagong damit, nilagay ko rin ang salonpas sa likod nya.

"Pahinga ka na, mamaya kakain ka ulit." Bilin ko rito, tumango ito tsaka dahan dahang nahiga.

Nilabas ko ang dala ko kanina at iniwan si Genesis sa kwarto nya. Pagkalabas ko ay naghuhugas na ng pinggan si Elsie.

"Ate, kumain ka na rin po."

"Sige, masarap ba yung niluto ko?" Tanong ko, agad naman syang tumango.

Anlaki laki nya na talaga.

Kumain na rin naman ako, pagkatapos ay naupo kami ni Elsie sa salas. Nanonood ito sa TV. Saktong nagawi ang tingin ko sa ilalim nito. May photo album.

Kinuha ko iyon at naupo sa tabi ni Elsie. Binuklat ko iyon, sa first page may picture ng Raincoat at payong. Naalala ko na iyon ang rain coat na pinahiram ni Genesis. Couple pala iyon ng payong!

"Binigay iyan sa kanya ni Daddy, ten lang sya, pero masyadong malaki sa kanya 'yung rain coat kaya payong lang ang dala nya." Ani ni Elsie, ibig sabihin mahalaga sa kanya iyon dahil galing kay Papa Greg.

Nasa akin pa rin naman iyon, nakatago.

In the next page, nagulat ako ng makita ang mukha ko ro'n na nagtutupi ng rain coat. May note sa likod ng picture.

"This girl will pay me." Pagbasa ko ro'n, seryoso talaga sya sa 2k na halaga no'n. Bahagya akong natawa.

Next picture, was me also. Yung sa Ice cream shop. That time madami syang fan girls tapos nagtripan ko sila.

"Nag date kayo, ate?" Tanong ni Elsie na may kislap sa kanyang mga mata.

"Nilibre nya lang ako nito," sagot ko. May atraso sya sakin eh. Pabuhat ba naman sa akin yung mga books.

Madami pa akong nakitang pictures ko na stolen and some pictures ng gamit. And yung last sa Arcade. Nakita ko kung pano napatakip ng bibig si Elsie ng makita ang last post namin do'n

Too Loud to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon