CHAPTER EIGHTEEN

11 4 0
                                    

Warning it contains R18🔞

KINABUKASAN

Grabe 'yung pamamaga ng mata ko, pati ulo ko ay masakit. Naglapat ako ice packs sa mata ko para maibsan yung pamamaga.

Bago ko maihatid si Jace sa school ay binaunan ko sya ng egg sandwich, ako na mismo ang gumawa. Madalas kasi biscuits lang tapos nakikisuyo na lang ako kay Ate Carmen sa pang lunch ni Jace.

May baon syang pera, as always. Pero ngayon kahit lunch nya niluto ko na rin. Ayoko namang masanay tong bata sa pera.

Kagabi, pinauwi ko pa rin si Genesis sa kanila. Emergency eh, alangan namang dito pa sya sa bahay?

Malapit na yung birthday ni Jizzel, she invited me at isama ko rin daw si Jace. Naisip ko na sunduin mamaya ang anak ko bago pumunta ng Mall.

Nabaligwas naman ako ng kilos nang magring ang phone ko, it was Tita Kyla.

[Mariana, dadalaw daw muna ang mama sayo. Aalis kasi ako, may istay ako sa cebu ng 2 weeks.] ani ng tita. Since nurse ang tita ko, naassign sya sa cebu as part of team daw ng ospital.

"Okay po, susunduin ko na lang si Lola ngayon." Pagprisinta ko, pumayag naman ang Tita Kyla para raw less hassle sya pabalik ng Lucban dahil sa traffic.

[What time ka pupunta? baka busy ka?]

"Hindi po, mapapalit lang ako tapos punta na po ako r'yan."

I ended the call at nagmadaling naghanap ng susuotin. Mamaya ko na lang aayusin ang guess room, ako naman ang matutulog do'n.

Almost 2 hours ako nag drive at nakarating din ako ng Lucban Quezon. Nakita ko na nakaimpake na si Lola.

"Apo!" Salubong ng Lola, niyakap ko ito.

"Nakaalis na po ba si Tita?"

"Oo, hindi ka nya nahintay." Sagot ni Lola sa akin, kinuha ko ang gamit nito at binitbit iyon papunta sa kotse ko.

Inalalayan pa namin nila Yaya ang Lola, nagpaalam na rin kami sa kanila. Hindi naman na ako pwedeng magtagal dahil maya maya ay uuwi na si Jace.

Napakagat na lamang ako sa labi ko, pauwi talaga traffic. Shuta! I tried to call ate Carmen pero cannot be reach.

Halfday lang kasi si Vince while my son is whole day. 9am to 3pm lang naman. Hanggang 3pm naman si Ate Carmen sa school pero hindi naman sa lahat ng oras kailangan nyang tignan si Jace.

Kahit si Mela ay hindi ko rin matawagan, "Ayos ka lang ba?" napansin siguro ng Lola na naiinis ako. Traffic eh.

"Yes, La." Sagot ko, tinawagan ko na si Jace. [Mama, uwian na po kami.]

"Nasa Quezon pa ako, 'nak. Wait mo 'ko, okay? or pag nakita mo si Tita Carmen mo, sumabay ka na pauwi."

[Okay po, ingat!]

Binaba naman na nito ang tawag, ayokong istorbohin si Gen. Problema namin tong mag ina-ay ako lang pala.

"Ayon na ba si Jace? naexcite ako, Mariana!" Napangiti naman kami ni Lola.

"Opo."

5PM na ng makarating kami ng pasay ni Lola, Dumaan na muna ako sa bahay namin, hindi ko na pati natawagan si Jace.

Pagkarating ko sa bahay, walang Jace. Kinain na ako ng kaba, maaga raw umuwi si Ate Carmen dahil nilagnat si Vince.

Napatakbo ako sa labas at agad na sumakay ng kotse, naging balisa ako at pinaandar ang sasakyan.

Too Loud to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon