SI Raven ang unang kinastigo ni Imogen. Kundi lang parang pagod ang pakiramdam niya ngayon ay dadayuhin niya ito sa mansion ng kanilang Lola kung saan ito nakatira.
"Wait, what?" naguguluhang sabi ng kapatid.
"My God, Rave, ayoko nang ulitin ang mga sinabi ko. Basta umamin ka na lang kung ikaw ang gumawa," nahahapong sabi ni Imogen na hawak-hawak ang noo. Sa kanilang tatlong babaeng magkakapatid, si Raven ang pilya. Hindi malayong may ginawa itong kalokohan.
"Hindi 'no! I don't make potions, alam mo iyan. Ni hindi ko nga ma-perfect ang amoy ng poultice ko."
"You didn't send bad luck to Eadon?"
"No! Why would I do that? I liked him, remember? Alam mo ba'ng chef na siya? Parang two years ago, napanood ko interview niya sa isang sikat na international food vlogger. He looked really good."
Hindi inintindi ni Imogen ang huling pinagsasabi ni Raven. "You didn't charm him to return to me?"
Humagikgik ito. "Bumalik ba siya talaga? Oh-em-geeeh!"
"Raven!"
"Hindi nga." Humagikgik uli ito. "Kung bumalik, huwag mo na pakawalan. Nag-iisang lalaki iyon na nakapagtiyaga sa 'yo, ano? Ewan ko bakit kayo naghiwalay e mukhang okay naman siya. He was funny pa nga."
"I just hope you are telling the truth. Kundi ay gagayumahin ko lahat ng tambay at jejemon diyan para manligaw sa 'yo."
"Ate!" tili ni Raven. "Kaloka ka. Hindi nga ako ang maysala. Ask Willow. Siya itong palaging nagtatanong kay Lola tungkol sa black magic."
Hindi na siya nagpaalam. Agad niyang tinawagan si Willow. Hindi ito available kaya nag-iwan na lamang siya ng voicemail. Dumiretso siya sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Humihingal siyang idinikit ang baso sa kanyang noo.
Paakyat na si Imogen sa kanyang kuwarto nang tumawag si Willow. Agad niya itong kinastigo.
"Oh, so it worked," balewalang sabi lang nito.
Natigil siya sa gitna ng mahabang hagdanan. "You mean, it was you?" nanlalaki ang mga matang tanon niya.
Narinig niya itong parang ngumunguya. Kumakain na naman siguro ng Boy Bawang. "The hex, yeah."
"Willow! What the fuck?"
"Pero iyong pinabalik siya sa 'yo, hindi ako iyon. Bakit ko gagawin iyon, e ayaw mo na nga sa kanya."
"You put a hex on him? How?"
"I got his shirt from your closet, I took a piece out of it, tapos nilagay ko sa loob ng doll with some graveyard dirt then tinusok ko ng tatlong tinik from blood red roses. Tapos inurasyunan ko sa kabilugan ng buwan. Ten years of bad luck lang naman, hindi forever."
"Kinulam mo siya? Like, for real? Lagot ka kay Lola! Alam mong pinagbabawal niya ang ganyan."
"Sabi niya hindi gagana ang black magic pag tayo ang gagawa dahil supposedly ay good witches tayo, remember? So, I didn't know na gumana pala iyong kulam ko. Try-try lang iyon, eh.
"Try-try lang?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Imoge. "At sa lahat naman ng taong bibigyan mo ng kamalasan, iyong ex ko pa?"
"Oh, wow, you feel sorry for him? That moronic fuck boy?"
Hindi kagaya ni Raven, Willow didn't warm up to Eadon. Inis ito dito.
"It's not that— Will, nasunugan siya ng restaurant, nawalan ng trabaho ang mga empleyado niya. Nakasagasa siya ng tao. Hindi na tama at makatarungan iyon!"
BINABASA MO ANG
To Charm a Playboy (COMPLETE)
RomanceA girl who was cursed to die on her 30th birthday. Her only salvation is to marry her one true love. Plot twist: Paano kung ang lalaking iyon ay ang ex niyang kinabubuwisitan pa rin niya?