Part 25

6.1K 327 19
                                    


Ebooks and paperbacks are available to order at Whimsical Books Ph.



ISANG umaga ay parang nakakita si Eadon ng aparisyon ng isang anghel habang pinapanood nito si Imogen na kumakain ng hard-boiled egg.

"Why are you doing this?"

Hindi eksaktong mahimigan ni Imogen kung nagtataka o nagugulat ang boses nito. Bakit parang may halong kastigo?

"I want to try."

"But you don't like it."

"Yeah, well..." Nangiwi siyang nag-tinidor ng itlog.

"Babe." Pinigil ni Eadon ang pagsubo niya. "It's okay if you don't like it. Hindi mo kailangang gawin ito."

"B-but—..." Nakasimangot siyang ibinalik ang piraso ng itlog sa kanyang plato.

"Ayaw mong mamatay na hindi nakakain ng ayaw mo?" panghuhuli ni Eadon.

Marahan siyang tumango.

"Imogen, huwag mong pilitin ang sarili mong gawin ang mga bagay na ayaw mo. It's okay not to like certain things. Sino ba'ng tao ang walang ayaw gawin?"

"Funny, because Grandma told me it's okay to—..." Nahiya siyang sabihin ang usapan nila ng kanyang Lola tungkol sa romance. "To be spontaneous."

"Being spontaneous doesn't mean forcing yourself to do something you don't really like doing."

"You're right." She pushed the egg aside, she didn't even want it to touch her other food on the plate, to be honest.

Matamang tumingin si Eadon sa kanya. "Dahil ba ito sa sumpa sa iyo? Natatakot kang hindi na-lift iyon at mamamatay ka on or before your thirtieth birthday?"

"I-i don't know, really. Mula nang malaman ko ang tungkol sa lintek na sumpang iyon, it's like my life has been taken away from my own hands. Parang naghihintay na lang ako ng mangyayari sa akin."

Inabot nito ang kanyang kamay sa mesa, banayad na hinawakan at pinisil iyon.

"Huwag mong hayaang mangyari iyan, you still have a hold of your own life, Imogen. Besides, we already got married to break the curse."

"Hindi pa iyon hundred percent sure, Lola is still looking for other ways."

Natahimik si Eadon, hinarap ang pagkain nang ilang minuto saka nagsalita. "So the death hex is real?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Hindi ka ba talaga naniniwala? Nagpakasal ka't lahat sa akin? I mean, it's not a legal wedding, but still, you did it. You're here now. What the hell, Eadon?"

"To be honest, it was a little too much to take in. Kahit noong in-elaborate sa akin nina Raven at Willow. But, I did it for you, Imogen. It wasn't even that hard to decide."

Nagtaka pa siya? Eadon was summoned by the true love candle, siguro ay hindi na ito nag-isip masyado na pumayag pakasal sa kanya. The candle really did its job.

"Just as long as it benefits you, too, of course."

Tumawa ang lalaki. "Akala mo ba hindi ko gagawin ito kung walang kapalit?"

Nanlaki uli ang mga mata ni Imogen. "But you demanded a deal!"

"Hindi ko naman alam na papayag ka. Ikaw pa ang nag-offer."

"So kahit hindi ako pumayag na may kapalit ay pakakasal ka pa rin sa akin?"
"Oo." Hinalikan nito ang likod ng palad niya. "Ikaw pa, malakas ka sa akin."

To Charm a Playboy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon