Part 8

8.3K 472 58
                                    


NANG pumaikot ang isang kamay ng binata sa kanyang beywang ay noon na nagmulat ng mga mata si Imogen. At buong-puwersa siyang bumunot ng isang buhok mula sa tabi ng tenga ni Eadon.

"Ouch. Fuck!" malakas na angal nito, hawak ang sintido. "What the hell did you do? That hurt!"

"Oh, don't be such a baby." Pinaningkitan niya ito saka niya tinalikuran.

"What just happened, Imogen?" nagtatakang tanong ni Eadon.

"Nagka-amnesia na agad? Hinalikan mo ako," mataray niyang sagot, maingat na inilagay ang hawak na buhok sa isang maliit na tin box.

"Ginayuma mo siguro ako," pamimintang pa ng binata.

"Excuse me! 'Andaming lalaki diyan na pupuwede kong gayumahin, ikaw pa? Uminom ka nga uli ng kape para kabahan ka naman sa mga pinagsasabi mo. And, FYI, pag ginayuma ka gamit ang potion namin, hindi mo malalaman o iisipin iyon."

"It's weird. I've been drawn to you since I got here," seryosong pag-amin nito.

"And?"

Naramdaman niyang humakbang ito palapit sa kanyang likod. "And I think you feel the same way, too."

Hindi pumihit si Imogen, nagkunwari siyang may kinukutingting sa working table niya. Ayaw niyang makita ni Eadon na namumula ang kanyang mukha.

"Don't you ever think this is a part of your curse? You, seeing me again?" aniya.

Mahinang tumawa si Eadon, he sounded delighted. "Then I would say this is the most exciting part of it."

Napakapit siya sa mesa nang maramdaman niya ang pagtama ng mainit na hininga nito sa kanyang batok na nakalantad mula sa naka-clamp niyang buhok. The whole room was like filled with a hot gas, a tiny spark would be setting it to a massive explosion.

"P-puwede ka nang umalis. Tawagan na lang kita pag ready na ang amulet," pilit na pagtataboy ni Imogen sa bisita.

Napakagat-labi siya nang dumapo ang bibig ni Eadon sa kanyang batok.

"And if ever you were right, that this is just a part of the hex, I think I want it to stay, Imogen. I wanna be cursed forever."

Ganito katindi ang pagkulam ni Willow sa lalaking ito?

"Eadon, y-you don't know what you're saying. You're being delirious."

"You mean, charmed?" Sunod itong humalik sa kanyang tenga.

Kaunti na lang talaga... Kaunti na lang at haharapin na niya ang lalaking ito, makikipagyapusan, halikan... at higit pa doon. It was like she was holding on a weak strand of rope, malapit nang mapigtas, bumigay.

"Nakulam ka!" nakuhang sabihin ni Imogen, bahagyang siniko ang binata. "Ano ka ba? Kaya ka nga nandito para maresolba ito, 'di ba?"

"Nagbago na nga ang isip ko."

"Eadon, seriously. You need to go away. I-i don't... this is making me uncomfortable."

Dismayado itong nagbuga ng hangin. "Fine, if you say so."

If there would be one good thing that she could say about this man, iyon ay ang hindi nito kailanman pagpilit sa kanya na maikama siya. Everything that happened between them was consensual, not that it wasn't easy to do. Kahit yata sinong babae ay mahuhumaling sa galing ni Eadon pagdating sa sex.

Muhing-muhi tuloy si Imogen sa naramdamang protesta nang dumistansiya nga sa kanya si Eadon.

"Can I invite you out for lunch?" biglang ungot naman nang nasa pinto na ng workshop.

To Charm a Playboy (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon