Print and digital editions are available to purchase at Whimsical Books Ph. Tatapusin ko rin po ang story dito sa Wattpad, slow update lang. Thanks for your support. ~ ML
WALANG makitang liwanag si Imogen, naliligaw siya sa kung saan. Hindi niya alam kung maglalakad siya at susubukang makaalis sa lugar na kinaroroonan niya, but how? She couldn't see a thing. She was aware she wasn't going blind, she was just seeing darkness blacker than shadows.
Blacker than shadows? No, no... Dahil may nakikita siyang mas maitim pa sa mga anino. Palapit nang palapit sa kanya ang anino at hindi siya makagalaw sa kinatatayuan.
Pinilit niyang gumalaw, humakbang, ngunit nagmistulang bato ang kanyang katawan. Mabigat, matigas. Ibinuka niya ang bibig, at nagpilit sumigaw.
"Imogen!"
May naramdaman siyang mga kamay na nakahawak sa kanya, they were warm, comforting. And that voice...
"Babe, wake up."
Sunod niyang naramdaman ang mga palad na iyon sa kanyang mga pisngi.
"You're dreaming. Don't be scared now, I'm here."
Nagmulat ng mga mata si Imogen at ang mukha ni Eadon ang nabungaran niya.
"Eadon?" paos ang boses na usal niya.
"I heard you screaming so I rushed here."
"Oh, my God." Iniyakap niya ang mga kamay sa batok nito. "I thought—..." Napahikbi siya. "I thought it was real. M-may... may kumukuha sa akin."
"You're safe, I'm not gonna let anything happen to you. I promise."
Nang humaplos sa kanyang likod ang kamay ng lalaki ay noon siya nag-angat ng mukha mula sa dibdib nito. Nagpunas siya ng mga basang mata. She just realized, kagaya ni Willow, hindi siya iyakin talaga. She had learned to be stoic and tough through the years.
Tipid na ngumiti si Eadon. "'You know it's okay to cry in front of me."
Sinimangutan niya ito. "I won't."
She sniffled and looked away. Pinainom naman siya ni Eadon ng tubig galing sa basong nakapatong sa night stand.
"Thank you sa pagpunta dito, I'm sorry kung nabulabog ka," nahihiyang sabi niya nang ibalik niya rito ang baso.
"Hey, no worries. How often do you have night terror like this?"
"Pangalawa lang ito, mula nang malaman ko ang buwisit na sumpang iyon. I think it's my inner fear manifesting itself in a dream. I-i don't... I don't wanna die soon, Eadon." Hindi niya naitago ang takot sa kanyang boses.
"You're not gonna die, I promise. I won't let you, Imogen."
Namasa uli ang mga mata ni Imogen, this time, dahil iyon sa sincerity at assurance ng mga sinabi sa kanya ni Eadon.
"Ask your Grandma if there's something else that I need to do. I'll do anything, everything. I'll do it all for you."
Muli niya itong niyakap. "J-just... just be here, I guess."
"I will always be here for you."
"Thank you, Eadon." Hinalikan niya ito sa pisngi.
"I can sleep here in your room, keep you company." Itinuro nito ang Cleopatra chair. "Puwede akong matulog diyan."
"I won't let you sleep in that."
"Ayaw mo namang may katabi sa pagtulog."
"O-okay, you can sleep here. It's a California King bed, it's big enough for both of us."
BINABASA MO ANG
To Charm a Playboy (COMPLETE)
RomanceA girl who was cursed to die on her 30th birthday. Her only salvation is to marry her one true love. Plot twist: Paano kung ang lalaking iyon ay ang ex niyang kinabubuwisitan pa rin niya?