Chapter One: Life is Solitude

39 3 0
                                    

Chapter 1:

 
  -Life is solitude-



Ako si Mitch Monkias, kilala kahit saan man magpunta. Hindi dahil sa maganda o talentadong babae kundi kilala bilang isang napakapanget at pinandidiriang babae.

Sino ba kasi ang hindi mandidiri sakin? E bukod sa rami ng tigyawat ko sa mukha, e ang kapal-kapal pa ng buhok kong kulot na parang sasabog na sa rami ng kuto.

PANGET NA, MADUMI PA. Yan yung tingin nilang lahat sakin. Tama naman talaga sila na panget ako pero kahit kailan hindi ako naging madumi.

Lumaki akong walang Pamilya kaya hindi ako umaasang may magtatanggol pa sakin. Sanggol palang daw ako itinapon na ako ng mga magulang ko. Ang malas diba? Kung nagtataka kayo kung paano ako nabuhay, hindi ko rin alam. Basta ang natatandaan ko lang napakaliit ko pa nun na pakalatkalat lang sa kalye.

Hindi ko alam kung anong taon at kung ilang taon ako nung may nagmalasakit na nagbigay sakin ng munting tirahan. Maliit lang siya may kwarto, may sala, may kusina at may banyo. Kaya lang diko alam kung sino at kung bakit niya ako tinutulungan.


Araw-araw pagkabukas ko ng reprigeretor ko may nadagdagan uling pagkain. Hindi ko alam kung maniniwala ba akong may majek ang bahay nato o di kaya may Sekrit Perry Gad mader ako, ang kaso hindi naman ata yun totoo. Pero kung sino man yung taong tumutulong sa akin malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Lumalabas din ako ng bahay at nagbabakasakaling makahanap ng trabaho pero wala pang tumatanggap sakin kasi panget daw ako. Bakit ganun? Porket panget walang karapatang magtrabaho? Sinubukan ko ding magbenta na kung ano pero wala naman ni isa ang bumili. Sobrang hirap palang mag-isa lalo na kung hindi ka maganda. T.T




Isang araw may kumatok sa pintuan ko, pagbukas ko kinuha ako ng isang lalaking napakatangkad at pinasakay nya ako sa sasakyan nya. Tinitigan ko lang sya nun, ewan ko kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng takot nung kasama ko sya. Mabilis lang ang naging byahe namin, pumasok kami sa isang napakalaking eskwelahan as in sobrang laki nya.. Nakaupo lang ako nun habang pinagmasdan ang buong paligid at minsan napapasulyap ako sa lalaking kasa-kasama kong hindi ko kilala.



Natapos ang araw na yun, paghatid nya sakin sa bahay sinabi nya sakin na dun na daw ako mag-aaral. Umalis agad sya nang tinanong ko kung anong pangalan nya. Sinubukan ko syang habulin pero napakalayo nya na. Sumunod na araw hinanap ko sya pero hindi ko na ulit nakita ang taong yun.

Marami akong gustong itanong sa kanya, 

Marami akong gustong malaman tungkol sa kanya,

Kung bakit nya ako tinutulungan..

Kung alam nya ba kung saan ang Pamilya ko..

Kung sino ba sila..

Kung sino ba sya sa buhay ko 

At ...

Kung sino ba talaga ako?

Ugly Turns BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon