Chapter Seven: Childhood 1

15 0 0
                                    


Chapter 7:

-The Flashback Childhood 1-

Naglalakad ako sa park habang may suot na maskara nang makita ko ang anim na batang tila may binubugbog na isang kapwa bata rin namin.

"Hoy! Tigilan nyo nga yan!" Pinagtutulak-tulakan ko isa-isa yung mga salbaheng batang nangbugbog sakanya para tumigil. Pumagitna ako sa pagitan ng isang bata at sa anim na bata.

"Bakit sino kaba para utusan kami? ha, Batang maskara!"

"Kung ayaw mong masaktan umalis ka dyan!" Sinubukan akong tabigin nung isa pero hindi ako nagpadala.

"Hoy batang noodles na nakamaskara! gusto mo rin bugbugin ka namin?!" Sabi nung baboy na mukhang unggoy.

"Sige! Subukan mo lang kaming saktan, isusumbong ko kayo sa papa kong pulis! At pagnangyari yun, babarilin ka nya at mawawala na lahat ng tabang nasa tyan mo!" Mukhang natakot sila sa pagbabanta ko kaya bigla nalang tuloy akong tinulak ng isa na kanina'y kausap ko, kaya natumba ako sa tabi ng batang binugbog nila.

"Magsama kayo! Isang lampang nerd at isang noodles na nakamaskara!" Pagkatapos nagsipagtakbuhan na silang lahat.

Hinarap ko yung batang kanina'y sinasabi nilang lampang nerd, pinupunasan nya yung tumalsik nyang salamin kanina. Nung sinuot nya na napatingin sya sakin kaya nginitian ko sya.

"Bakit hindi ka lumaban sa kanila?" Tanong ko.

"Sabi sakin ni Nanay Cecelle, masama ang makipag-away."

"Kahit ikaw na yung nasasaktan?"

"Kahit lumaban ako, hindi ko parin sila kaya."

"Alam mo, hindi naman masama ang lumaban e, lalo na kung sarili mo yung pinagtatanggol mo." Tumawa sya, tawang nang-iinis kaya tiningnan ko sya ng masama. "Anong nakakatawa?!"

"E kasi.. Hahahaha.. para kang si Nanay ko kung maka payo. Hahahaha." Napasimangot ako, kinokompara nya kasi ako sa Nanay nya. Tumigil din sya sa pagtawa at tumingin sakin. "Ilan taon kana?" Napaisip ako sa tanong nya. Ilang taon na nga ba ako?

"Ikaw ilan taon ka ba?" Binalik ko sa kanya yung tanong nya.

"Ako? Kaka-seven ko palang kahapon." Tumayo ako at pinatayo ko din sya, kaya parang nagtataka sya kung bakit pinatayo ko sya.

"Mas matangkad ka sakin ng konti kaya six pa ako." Ngumiti ako sa kanya. Umupo ulit ako sa damo at sumabay din sya.

"Bakit sa tangkad mo binabase ang edad mo? Hindi ba sinabi sayo ng magulang mo kung ilang taon ka na? Hindi nyo ba sini-celebrate ang birthday mo?"

"Anong celebret? Wala akong birthdee."

"Celebrate yung maraming handaan. Impossibleng wala kang birthday, lahat ng tao sa mundo may birthday."

"Importante ba yun?"

"Oo, kasi yan yung araw na ipinanganak ka dito sa mundo." Nalungkot ako sa sinabi nya. "Wag ka na malungkot, basta six ka na at bukas seven ka na." Ngumiti sya sakin.

"Pwede ba yun? Bakit ikaw nagdedesisyon?"

"Kasi kaibigan na kita." Pareho kaming nakangiti nun.

"Kaibigan na tayo?"

"Oo At dahil magkaibigan na tayo, ipakita mo sakin ang mukha mo."

"Ayoko." Pailing-iling ako habang hinawakan ko ang maskara ko.

"Bakit ayaw mo? Saan ba yung mga kalaro mo?"

"Wala akong kalaro wala din akong kaibigan."

"E bakit ka nakasuot nyan?"

"Kasi.. pagnakikita ako ng mga tao, natatakot sila, inaapi nila ako. Kaya nagtatago ako sa ilalim ng maskarang ito."

"Bakit naman sila natatakot? Mabait ka naman ah."

"Kasi napaka panget ko daw."

"Hindi naman e, tanggalin mo na, ako lang naman andito e."

"Ayoko, baka mawalan ako ng kaibigan."

"Hindi yun, Promise!" Nag sign sya at parang nagpanata sa harap ko. "Hindi ako matatakot at hindi kita ipagtatabuyan palayo." Nakangiti sya sakin. Dahan-dahan kong tinganggal yung maskara ko at nung makita nya ako, napatulala sya at bigla nalng tumawa ng malakas.

"Sabi sayo e." Susuotin ko na sana uli yung maskara nang pinigilan nya ako.

"Wag mo na ibalik." Natatawa parin sya.

"Para ano, pagtawanan mo? Hindi ka nalang dapat nag pramis." Maiyak-iyak na sabi ko.

"Hindi mo naman kasi ako naiintindihan e, hindi lang talaga ako makapaniwalang naniniwala kang panget ka." Patawa-tawa nyang sabi.

"Mali ka. Totoo naman kasi, halos lahat iisa lang yung sinasabi nila sakin."

"Maniwala ka sakin, hindi ka talaga panget.." Bigla syang sumeryoso. "Ang totoo nyan, sobrang ganda mo nga e."











Maganda. .....










AKO?













Tiningnan ko lang sya at hinintay na tumawa na naman sya at sasabihing Joke lang yung sinabi nya. Pero ngumiti sya sakin.

"Hindi kasi nila nakikita yung tunay mong ganda dahil mas una nilang napapansin iyang noodles mong buhok." Natawa ako sa sinabi nya.

Tumingin sya sa direksyon kung saan akoy nakatalikod, napatingin rin ako.

"Hinahanap na ako ni Nanay." Tumayo na sya at tumayo na rin ako. "Akin na kamay mo bilis!" Binigay ko naman yung kamay ko kahit hindi ko alam kung anong gagawin nya, may kinuha sya sa bulsa nya at nung ilabas nya isinuot nya ito sa hintuturo ko. "Hindi pa sya kasya, pero sigurado pag malaki kana kakasya rin yan." Tiningnan ko yung bagay na isinuot nya sakin.

"Ano to?"

"Singsing yan, sana ingatan mo yan ha? Importante kasi sakin yan e."

"E bakit binigay mo sakin?"

"Kasi, sabi ng lola ko ibigay ko daw ang singsing na yan sa babaing gusto kong makasama habambuhay, At ikaw yung babaing gusto kong makasama habambuhay." Napatingin ako sa kanya.

"Ang tagal pa nun, at hindi naman siguro ako yung babaing tinutukoy mo. Sobrang bata pa natin at pwede pang magbago ang isip mo." Tinangka kong hubarin yung singsing para isuli sa kanya pero pinigilan nya yung kamay ko.

"Okay lang, ganun talaga pag maaga mong nakita yung taong para sayo." Ngumiti sya sakin at kinindatan saka tumakbo palayo. Tiningnan ko syang papalayo pero bigla syang bumalik sa kinatatayuan ko.

Isa lang yung iniisip ko, hahalikan nya kaya ako? o yayakapin?


"Akin na ito ah!" Nabalik ako sa katinuan nang pinulot nya iyong maskara ko kaya mabilis ko syang napigilan.

"Hindi pwede!"

"Hindi mo na to kailangan." Hinawakan nya yung kamay ko. "Wala kang dapat ikatakot dahil andito na ako." Ngumiti sya saka tumakbo. "Paalam batang noodles, bukas sabay nating ipagdiwang ang birthday mo ha?" Nag ba-bye sya sakin na nakatalikod na tumatakbo kaya nag ba-bye na rin ako kahit hindi nya ako nakikita.

Mula sa malayo tinatanaw ko pa rin sya. Umuwi na sila kasama yung Nanay nya habang hawak hawak sya sa kamay ng Nanay nya. Nung mawala na sila sa paningin ko bumalik yung tingin ko sa singsing na binigay nya. Sobrang ganda, hugis puso yung gitna na napapalibutan ng cystal. Napakaganda!

Ugly Turns BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon