Chapter Nine: Makes me Jealous

20 1 0
                                    

Chapter 9:

- Makes me Jealous -

"Pasensya kana Mitine ah, bawal kasi kaming magdala ng mga pet sa skoll e. Wag kang mag-alala, uuwi ako ng maaga." Hinimas-himas ko yung balahibo nya saka ko na sinara yung pinto.

Nagdalawang isip ako kung lalakad naba ako at tuluyang iwan si Mitine sa loob mag-isa o babalik ako at bubuksan ko ang pinto?

Bahala na.

Binuksan ko yung pinto at kinuha sya.

Pagdating ko sa skwelahan, nilagay ko na sa bag si Mitine pero syempre binuksan ko kunti para makapasok ang hangin. At dahil sa bobo ako at hindi nag-iisip na wala masyadong pasok dahil bukas na pala ang program, dumiretso nalang ako sa garden. Nilabas ko sya dahil wala naman kasing ibang taong pumupunta dito bukod samin ni Tj. Pinanuod ko syang naglalaro, sobrang saya ni Mitine na parang ngayon lang nakalabas sa lungga. Tumakbo si Mitine palabas kaya napatayo ako. "Mitine, wag dyan!" tatakbuhin ko na sana sya pero biglang may pumulot sa kanya.

"Sayo ba to?" Tinaas nya pa si Mitine para malaman kung akin nga. Dahan dahan akong napatango.

"Pwes! Patay ka ngayon!" Hinabol ko sya kaya lang nahuli na ako dahil na report nya na ito sa guidance office.

"Bawal ang magdala ng pet sa school, alam mo ba yun Monkias?"

"Upo Ma'am."

"Pero bakit nagdala ka parin? Nilalabag mo ba ang mga rules sa School na to Monkias?"

"Ho? Hi-hindi ho Ma'am, kasi po...."

"Kasi ako talaga ang nagdala ng tuta." Napatingin kaming lahat sa kadadating lang.

"Delos Santos?"

"I know Ma'am, I will accept the punishment."

"Okay, I'll give you another chance regarding of disobeying the rules , pero kung uulitin mo pa ito, wala na akong magagawa. Nagkakaintindihan ba tayo dito?"

"Upo/Yes Ma'am."

"You may go." Lumabas na kami ni Tj, pero hindi sya umiimik.

"Bakit ka nagsinungaling?"

"Dahil kung ikaw yun, bibigyan ka nila ng detention." Nakatingin lang sya sa deretsong daan habang ako iwas-tingin, iwas-tingin sa kanya.

"Detention?"

"Parusa mo sa paglabag ng rules." Napayakap ako kay Mitine. "Mali yang iniisip mo, bibigyan ka lang nila ng trabaho dito sa School." Napangiti ako, akala ko talaga yun yung sasaktan ka, ikukulong o di kaya'y papatayin.

"Pupunta na ako sa Music Room, e ikaw?" Tumingin rin sya sakin sa wakas.

"Ako? Ewan ko, gusto kong tumulong sa paghahanda."

"Punta ka sa SSC Office, sabihin mo sa President na pinapunta kita dun para may katulong sya." Tumingin sya kay Mitine. "Iyang tuta naman--"

"Sya si Mitine." Ngiting pagpapakilala ko.

"Pwede mo syang hayaan dun para makatulong ka." Naglakad na sya palayo. Sumimangot ako, hindi man lang nya binigkas ang pangalan na Mitine.

Naglakad na rin ako papuntang SSC Office, medyo malayo sya pero okay lang, nag eenjoy naman ako habang kinakausap ko si Mitine. Pagrating ko, kumatok ako.

"Yes?" Tanong ni Miss President.

"GoodMorning Miss President."

"Pasok ka." Pumasok narin ako."So, anong kailangan mo?" Umupo kaming dalawa.

Ugly Turns BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon