Chapter Eight: My Fantasy

18 0 0
                                    

Chapter 8:

-My Fantasy-

Pagpasok ko sa paaralan, lahat sila sobrang busy para sa darating na program. Kung alam ko lang na walang masyadong klasi, e sana hindi nalang ako pumasok.

Papunta na ako sa garden nang harangin ako ni Mhica kasama yung ka grupo nya.

"Someone told me, that you're with Trevor last Saturday, are you two dating?!" Napa HA lang ako sa tanong nya, e Inglis kasi.

"Nag date ba daw kayo ni Trevor nung sabado!! Bobo!" Sabi nung isa. E sorry naman ha, magaling kasi ako sa Inglis.

Umiling ako sa tanong nila. nag kros arm si Mhica, "Then Good." Biglang bumulong yung katabi nya kay Mhica pagkatapos tiningnan nya ako ulo hanggang paa at bumalik uli sa mukha ko. "Yeah, you're right! That would be Impossible kung papatulan ni Trevor ang isang tulad nya. Let's go. I hate wasting my time with that ugly." Tinarayan pa nila ako bago nila ako nilagpasan. "Aray! Wag mo nga akong banggain, nakakadiri ka!" Nag patuloy na sila sa paglalakad.

BALIW! Sya kaya tong bumangga sakin.

Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad. Napaisip ako sa sinabi nila, "Imposibleng patulan ni Trevor ang isang tulad nya."

Bakit ba kasi umaasa ako masyado? Mabait lang naman sya sakin e, dapat di ko yun binibigyan ng dahilan.

Hay!


Ano kayang ginagawa ni Tj ngayon? Iniisip nya din kaya ako? Sumandal ako sa puno.

"Ang lalim ng iniisip mo ha?" Napalingon ako sa left sayd, walang tao. Tumingin din ako sa rayt nakita ko si Tj na nakasandal na, habang nakapikit. "Ang sarap dito ah." Sumandal ulit ako.

"Wala kayong praktis?" Tanong ko na hindi man lang sya tinitingnan.

"Katatapos lang, buti nga binigyan kami ng breaktime, e kayo wala kayong pasok?"

"Besi ang lahat, kaya hindi pumasok si Sir." Natahimik kami saglit nun, saka nagsalita ulit ako.

"Tj, kung hindi ba ako pupunta, magagalit ka ba sakin?" Hinintay ko yung sagot nya ng ilang minuto pero hindi nya ako sinagot. Kaya nagsalita ulit ako. "Baka kasi pag pupunta ako, masira lang dahil andun ako. Ano sa tingin mo?" Napatingin ako sa kanya, kaya naman pala hindi sumasagot kasi natutulog.

Napangiti ako habang tinititigan sya.

Hindi ko akalaing magkakaroon pa ako ng kaibigang katulad ni Tj.

Napaka gwapo na, mabait pa.

Nakatitig lang ako sa mukha nya, kahit saang parte ng mukha nya, perpek na perpek talaga.

Napaka swerte ng babaing magugustuhan mo. Bukod sa gwapo mo na, sobrang bait mo pa. Napatingin ako sa lips nya, Aba! aba! pulang-pula ah! Kung ikaw lang din yung hahalik sakin, bakit dimo na gawin ngayon? Hihihi. Napatawa ako ng palihim. Lumapit ako sa kanya tapos inamoy ko yung dibdib nya, hmmm.. Ang bango-bango. Hanggang sa nadikit ang ilong ko sa baba ng lips nya. Ano ba yan, sobrang eksayted mo naman Tj, ikaw ha.. Napangiti nanaman ako. Nilaktawan ko yung nag-aapoy nyang lips sa sobrang eksayted na halikan ako. Inamoy ko yung buhok nya, Ano kayang syampo gamit nya?  Ang bango kasi.

Nag flashback sakin yung Perrytels Kolektyon ko, (Gaganda yung mga panget pag nahalikan ng prinsipe) May posibilidad rin kayang gaganda ako pag hinalikan ko si Tj? Napatingin ako sa lips nya. Hindi! Hindi! Umiwas ako. Ano ba tung iniisip ko?

Pero...

Wala naman sigurong masama diba?



Pumikit ako at unti-onting lumapit sa kanya....


Ugly Turns BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon