Chapter Eleven: Why is this happening?

24 1 0
                                    

Chapter 11:

- Why is this happening? -

Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi, pero naisip kong harapin ko nalang ang problema. Dati nga nakaya ko mag-isa, ngayon pa kaya? Sanay na kaya ako sa ganito. Isa pa, kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko nang maipakita ko sa kanila na kahit ganito ako, kaya ko rin yung mga bagay na kaya nila.

Pagpasok sa Skwelahan, pinagtitinginan nila ako na parang nilalayuan, kung sa bagay, bakit pa ako magtataka? Dati lang naman silang ganyan kung makapagdiri sakin.

"Mitch!" Mula sa likod may tumawag sakin, hindi ko sya nilingon patuloy lang yung paglalakad ko tungong classroom. "Hey its me!" Pagharang nya sabay hawak sa braso ko.

Si Miss President, hindi ko alam kung anong papel nya sa buhay ko, akala ko sya yung Perry Gad Mader ko. Bakit hindi nya ako naipagtanggol? Bakit pinabayaan nya lang akong pagtawanan? Isa rin kaya sya sa nag plano nun?

"Bitawan mo ako." Mahinang sabi ko sabay bawi ng braso ko.

"Mitch, May problema ba? May maitutulong ba ako?"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Hayaan nyo na ako." Nilagpasan ko na sya. Ayoko nang magtiwala, pagod na rin akong umiyak sa mga taong hindi karapatdapat iyakan.

"Mag-usap tayo.." Napahinto ako. "Kahit hindi bilang magkaibigan lang .. kundi bilang President ng Skwelahang ito. Hihintayin kita ng 9.30 sa SSG office." Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ano ba kasi yang pag-uusapan na yan?! Bakit ba hindi nalang nila ako pabayaan?!

Naglakad na ako papunta sa classroom namin, lahat parin sila pinagtitinginan ako.

"What the!!"

"Sorry." Paghingi ko sa taong nabangga ko.

"Sorry? Panget ka na nga , bulag ka pa!" Tiningnan ko lang yung lalaki. Sya yung kasamahan ni Tj sa Banda. "Anong tinitingin-tingin mo?! Umalis ka na nga sa harapan ko!!" Tumabi ako habang nakayuko. Sira na talaga yung buhay ko. Pansin kung naglakad naman sya. "Sa susunod, wag kana ulit magpakita sakin dahil mukha mo palang sira na araw ko."

Nakayuko lang ako habang naglalakad na sya papalayo sakin. Wala na bang taong mabait ngayon? Wala na bang taong pwedeng malapitan ngayon? Sana hinayaan nalang ako ni Tj dati na magpakamatay, edi sana hindi ako nagkakaganito ngayon.

"Look who's here!" Hindi palang ako nakakalapit sa klasrum, sinara na agad nila. Napahinto nalang ako mula sa malayo habang nakatingin sa nakasarang klasrum namin.


KUNG KAILANGAN MAGING MATATAG, KAKAYANIN KO!



AT KUNG KAILANGAN MAGING MATAPANG, GAGAWIN KO!



Papunta na sana ako sa garden nang makita ko si Tj na nakaupo sa ilalim ng puno. Kaya nag desisyon nalang akong magpunta sa SSG Office kahit ayoko na sanang magpakita sa kanya. Kumatok ako saka na ako pumasok.

"Mitch yung nangyari sayo……"

"Kung ito lang din yung pag-uusapan natin, uuwi nalang ako." Patayo na ako nang pinigilan nya ako.

"Ano bang nangyayari sayo?" Diretsong tanong nya sakin. Nagsimula na ulit tumulo yung luha ko. Ayoko na sanang umiyak pero…

"Kailan nyo ba ako titigilan?! Kailan ba kayo mapapagod sa pagpapahirap sakin?!" Nagkatitigan lang kaming dalawa habang hinahayaan kong tumulo yung mga  luha ko. Ayoko na maging mahina sa harap nila. Ayokong isipin nila na sobrang hina ko kaya ganun nila kadali apak-apakan yung pagkatao ko.

Bigla syang lumapit at tumayo sa harapan ko.

"Mitch."

"Kailan ba kayo mapapagod? Kasi ako… Sobrang pagod na pagod na ako sa mga pinanggagagawa nyo sakin."

Ugly Turns BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon