Chapter Twelve: Childhood part II

12 1 0
                                    

Chapter 12:

- The flashback Childhood 2-

Bumalik ako kinaumagahan dahil sabi ni Lampang nerd ngayon na daw ang kaarawan ko at sabay naming ipagdidiwang yun. Eksayted na eksayted na akong makita syang muli habang hawak hawak ko yung singsing na binigay nya sakin.

"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday, happy birthday, happy birthday Noodles!"

Napatingin ako sa likod. Nakita ko syang nakangiti habang may hawak na cake at sa gitna nito may kandilang 7.

Umupo sya sa harapan ko. "Ngayon ang ika-04 na araw ng February at ngayon din ang ika 6 mong taon dito sa mundo kaya naman make a wish."

"Ha?"

"Mag wish ka. Sabihin mo lahat ng gusto mong matupad sa buhay mo."

"Kahit ilan?"

"Oo. Kahit gaano pa yan karami. Pero kailangan pumikit ka."

Pumikit na ako. "Sana, makita ko na yung Pamilya ko. Sana makilala ko na sila. Sana wala ng matakot sa hitsura ko. Sana wala ng mang-aapi sakin at Sana hindi kami magkakahiwalay ni Lampang nerd." Pagdilat ng mga mata ko, nawala si Lampang nerd sa harapan ko pero andun lang yung cake na dala nya.

"Lampang nerd! Asan kana?" Akala ko nung una nagtatago lang sya. "Lampang nerd! Akala ko ba sabay nating ipagdidiwang yung birthday ko! Asan kana?!" Hinanap ko sya kahit saan hanggang sa nakita ko syang nakikipaglaro sa ibang bata dito sa Park.

Sobrang saya nya. Nakalimutan nya agad ako. Bakit nya ba ako dinalhan ng cake? pasalamat sa pagtulong sa kanya?

Bumalik ako sa lugar kung saan ko iniwan yung cake. Nakasindi parin yung kandila at hindi ko pa hinihipan.

Nagsimula ng tumulo yung luha ko. "Ganyan ba yung kaibigan, nang-iiwan? Ayoko na sayo Lampang nerd! Pareho ka lang pala sa iba! Sinasabi mong magkaibigan na tayo kahit labag pala sa kalooban mo! Kung hindi ka masaya kasama ako! Hindi din ako masaya kasama ka! Ayoko na sayo!!" Nilagay ko na yung singsing sa cake. "Sinungaling kaaaaa!"

Tumakbo na ako palayo at kailanman hindi na bumalik sa park na iyon. Naiinis ako sa kanya. Dapat sinabi nya nalang na ayaw nya sakin, hindi yung naglilihim sya.

Lumipas ang mga araw. Nagbakasakali akong bumalik sa park at bigyan sya ng pagkakataong makapagpaliwanag pero nabigo ako ng paulit-ulit dahil hindi ko na ulit sya nakita.

Gusto ko syang patawarin kahit ganun yung nangyari. Sya kasi yung kauna-unahang taong nagbigay ng importansya sa buhay ko dito sa mundo.

Lampang nerd… Asan kana ba?  Namimiss na kita. :,(

Ugly Turns BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon