Chapter Ten: Is this for real?

14 0 0
                                    

Chapter 10:

-Is this for real?-

Pag gising ko kinaumagahan, hindi ako kumilos para sa skoll. Nakakatamad kasi ang araw nato kasi ngayon yung Program nina Tj. Pupunta ba talaga ako o hindi?

Binuksan ko yung tv.

"Welcome to the Ugly turns Beauty Contest! Kung pangarap mo ang gumanda, this  is for you!" Para sakin? "YES! YOU!" Napaatras ako, naririnig nya ako? "You are free to join our contest and win the prizes to be like Princess!" Napanga-nga ako sa napanood ko. Ibig sabihin pwedeng matupad ang pangarap ko na gumanda? "This day was your last chance, so what are you waiting for? Register now!" Wala namang masama kung ita-try ko to diba? Baka ito lang yung paraan para magbago lahat ng pananaw ko sa buhay.


"Sana manalo ako, sana manalo ako." Hinalikan ko pa yung sobre bago ko ito inihulog sa hulugan.

****

"Hey Ugly! who brought you here?!" Pagtataray ng isang kapwa estudyante ko nang makita ako sa loob ng Gymnasium.

"Baka mamaya mahawaan kaming lahat dito sa kamalasan mo!" Sabat ng isa pa.

"Out or I'll be the one to get out of you here?!"Bakit ba kasi ang tagal magsimula nang lubayan na ako ng mga ito.

Hinawakan na nila ako para palabasin kaya sinubukan kung makawala sa mga hawak nila.

"Ano ba, tigilan nyo na nga ako!"

"Shut your mouth! You are not belong at this event anymore!" Hinawakan ako ng dalawang babae sa magkabilang braso at ang isa naman tumutulak sa likod ko. Naku! Pag ako hindi nakapanood siguradong magtatampo si Tj nito. Perry Gad Mader? Kailangan ko tulong mo! Tulongan mo naman ako!!!!

"Hey!" Napahinto sila sa paghila at pagtulak sakin nang may narinig kaming boses mula sa likod kaya pareho kaming napatingin sa likod. "What are you girls doing?" Si Miss President, sya yung Perry Gad Mader ko?

"Ha--eh, na..nothing Prescilla. We just have fun. Right Monster?" Pagsisinungaling nila.

"Sige Prescilla." Pamamaalam nila. Nakahinga din ako ng maluwag nang umalis sila.

"You okay?" Napatingin ako sa kanya.

"Salamat Miss President." Nakakahiyang pagpapasalamat ko.

"I told you not to call me President, lahat dito Prescilla ang tawag sakin. Kaya dapat masanay kana rin." Napakamot ako sa ulo. "So, halika na?"

"Saan?"

"Sa upuan, nang makapanood ka ng maayos."

"Dito nalang ako."

"C'mon! Sumama ka na sakin, as long as you're with me, no one will dare to hurt you." Napanga-nga ako sa sinabi nya. Pero kahit wala akong maintindihan umiling nalang ako.

"Komportable na ako dito."

"Sure ka?" Napatango ako.

"Okay. Pero kung napapagod ka ng tumayo dito, andun lang ako. Ipaghahanda kita ng upuan. Sge." Lumayo na sya. Napakabait talaga ni Miss President.



Nagsimula ng magsalita ang EMCEE, kaya natahimik na ang lahat. Nasa pinakalikuran lang ako kahit nakatayo tutal nakikita ko naman ng maayos at nag-eenjoy ng sobra. May Sayaw, May Kanta, Drama, Sayaw ulit, kanta. Paulit-ulit lang yung nagaganap pero atleast napakaganda, napapalakpak ako lagi.

"And the Most awaited performance!!" Biglang naghiyawan ang mga estudyante. Bakit kaya? Anong meron? Hindi naman ganyan ka ingay kanina ah? "Please Welcome... The Heart Beater!!" Mas lalong uminga. Kaya naman pala, kasi sila Tj na.

Ugly Turns BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon