Chapter Six: Life continue

20 0 0
                                    

Chapter 6:

 
  -Life continue whatever happens-


"Wag kanang matakot, andito na ako."




Nakatitig lang ako sa kanya at sya rin sakin.














KRINGGGGG!




Pagtunog ng bell, hinila na ako ni... Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan nya. Tahimik lang kami habang pababa na pero hawak hawak nya parin yung kamay ko. Pagkalabas namin nakita kong nagkakagulo parin yung mga estudyante sa paghahanap sakin. Nasa likuran ako ng lalaking may hawak sa kamay ko habang hila nya ako. Ewan ko kung saan nya ako dadalhin basta gusto ko ng bawiin yung kamay ko at bumalik nalang sa roptap para magtago pero napakahigpit niyang humawak, kaya yumuko nalang ako.

Bawat nadadaanan namin tumatahimik, kitang kita sa gilid ng mga mata ko na nagulat silang hawak hawak ako ng lalaking ito. May iba pang mga estudyante na may hawak na pamalo kaya mas lalo akong natakot.

"Nagtatago parin yun! Sige wag kayong titigil pag hindi nyo siya naha--" Bigla syang natahimik. Alam kong nagtataka sila kung bakit kasama ko ang lalaking ito.

"Why he is with that girl?"

"Ano nanaman kayang binabalak ng panget na yan kay Trevor?!" Trevor pala, ang pangalan ng lalaking may hawak ngayon sakin.

"What the heck is he doing?"

"Ginayuma siguro nya si Trevor!"

"What is happening with Trevor?"

"No! This can't be! Trevor was supposed to be mine! Not with that ugly Monster!" Ang mga boses na yan, alam kong kay Mhica yan.

Habang palayo na kami ng palayo sa kinatatayuan nila Mhica, bigla akong nabunggo sa likod ni Trevor sa bigla nyang paghinto kaya napasilip din ako kung anong dahilan sa paghinto nya.

"Trevor! Wag kang magpapaniwala kung ano mang kasinungalingan ang pinagsasasabi ng babaing yan! Mapapahamak ka lang kaya hayaan mong kami na ang bahala dyan!"

Natakot ako sa sinabi nung lalaking may hawak ng pamalo. Paano nalang kung papayag ang lalaking ito? Sinubukan kong bawiin yung kamay ko na hindi nahahalata ng ibang estudyante pero mas humigpit lalo yung pagkakahawak nya sa kamay ko at para bang itinago nya ako sa likod nya.




"Sa susunod na haharang ka sa dinadaanan ko, siguraduhin mong maganda ang sasabihin mo."

Seryosong-seryoso yung boses nya kaya nabigla ang lahat sa mga binitawang nyang salita. Hindi ko lubos akalain na nagawa niya akong ipagtanggol sa harap ng lalaking nasa harapan namin. Nag patuloy na sya sa paglalakad at ganun din ako habang nakasunod lang dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko at yung lalaki naman na humarang kanina, tumabi na sya at parang hindi makapaniwala na ipinagtanggol ako ng sinasabi nilang Trevor.

Ilang hakbang lang, hinarap uli niya ang lahat.

"Nga pala. Bago kayo mangbintang, patunayan nyo munang isa itong totoong mangkukulam." Pagkatapos nyang sabihin yun, nagtuloy-tuloy na yung lakad namin.



Sa mga oras nato ...







Naramdaman ko ang tunay na pag-asa.



Ugly Turns BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon