Prologue

45 8 3
                                    


Libre ang mangarap kaya kung mangangarap ka ay mangarap ka na ng mataas.

Isa ang kataga na 'yan sa palagi kong naririnig mula kay nanay, palagi niya akong pinaaalalahanan na kung mangangarap lang din naman daw ako ay mangarap na 'ko ng mataas. Dahil libre lang naman daw ang mangarap kaya bakit pa kailangang tipidin, hindi ba?

Para sa isang dalagang katulad ko, a 17-year-old simple girl who grew up with no other than a complete family, ay hindi na naging mahirap sa akin ang sauluhin ang katagang 'yan. I dream big because I know it's free.

I am always dreaming of being rich, yung tipong sa isang araw ay tatlong beses kayong makakakain ng pamilya mo kahit iyong hindi masarap na pagkain… kahit ano, basta laman tiyan ay okay na.

But there's this dream that I knew I never ever have. I stared at the newspaper in front of me, giggling a bit because of the handsome boy printed on the cover page of the diyaryo.

"Ate Bet, puwedeng akin na po ito?" nagpa-cute pa ako sa ale upang payagan ako na hingin ang lumang diyaryo na hindi naman niya ginagamit.

Tumawa ng mahina si ate Bet —— isang close friend ko rito sa palengke. Magkatabi kasi ang tindahan na nirentahan namin kaya hindi na nakapagtataka na close kaming dalawa.

"O' siya, sa 'yo na yan Star. Tutal itatapon ko naman na 'yan eh" wika ng ale. Napangiti ako sabay kuha sa diyaryong nakapatong sa kaniyang mga panindang gulay.

I cutely giggled while staring at him, naku! Napaka-guwapo niya talaga!

"Naku Star, huwag ka nang mangarap diyan ng gising. Magbenta ka na" saway sa akin ni ate Lilly, sumama kasi ako sa kaniya isang araw sa pagtitinda sa palengke. Hindi maayos ang pakiramdam ng nanay kaya kami muna ni ate ang nagbantay sa munti naming tindahan.

Napaismid ako, napaka-kj talaga ni ate kahit kailan. Akala mo naman ay hindi dumaan sa ganitong edad eh, hmp!

Tumawa si ate Lilly nang mapansin ang naging reaksiyon ko. "Hay naku Star, bata ka pa talaga. Napakayaman niyang mga Sylvester kaya huwag ka nang mangarap" she said with no humor.

I glanced at her and leered. "Wala akong pake ate, sabi ni nanay ay libre lang naman daw mangarap eh. Kaya sinulit-sulit ko na!" bumungisngis ako habang nakikipagtitigan pa rin sa litrato ng pinakabatang Sylvester.

Napailing na lang si ate Lilly sa akin. Wala pa namang bumibili kaya inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa ng nakapaloob sa diyaryong ito. Kita ko ang seryosong titig ng batang Sylvester, ibang-iba ang ekspresiyon niya sa kaniyang pamilya na puro nakangiti. Lalo na ang babaeng Sylvester na mukhang anghel ang mukha, wari ko ay noong bata pa ito ay hindi ito hinayaang makapaglaro man lamang sa labas sa ilalim ng sikat ng araw. Napansin ko rin ang dalawang lalaking Sylvester na kapwa nakangiti ng tipid sa litrato, seryoso ang tingin nila sa camera pero bakas ang tuwa roon, hindi tulad ng batang Sylvester na parang palaging galit sa mundo.

Sylvester is one of the most richest clan not only here in the Philippines but to the whole Asia. Their business were always booming, para bang malabong malugi sila. Isa ang Sylvester sa nagmamay-ari ng pinakamaling mall dito sa Pilipinas, isa rin ang kanilang kompanya sa pinaka-maipluwensiyang kompanya sa loob at labas ng bansa.

At hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa dinami-rami ba naman ng tao sa mundo ay sa isang prinsipe pa ako humanga. Prinsipe dahil alam ko sa aking sarili na malabo ko siyang mahawakan, mahagkan, at lalong-lalo na ang maabot.

He's the son of the great Don Felipe Sylvester and Doña Leviste Sylvester. Ang kanilang pamilya ay nagsusumigaw palagi ng karangyaan, tila isa silang Diyos na sinasamba palagi ng karamihan. And I think, I'm one of those people who's praising them.

A 17-year-old girl who's living her simple life in the province. Isang babae na nangangarap na baka isang araw ay makaahon siya at ang kaniyang pamilya sa kahirapan. And yet, here is Knoxx Sylvester, a 20-year-old business tycoon at his age. A prince charming I knew I could never had, isang prinsipe na alam kong maraming mga babae ang naghahangad na mapansin at mapasakanila.


————————
Author's Note:
      ✎. Hi! Thank you for reading mga lalovesss!! Don't forget to VOTE po and leave a comment hehe, lovelots!!

Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now