Chapter 1

20 4 0
                                    


Starlette Faye's POV.

Having a complete family is enough for me to go on with my life. Even though our life wasn't grand than others, at least I have them, complete and healthy, right?

Noong bata pa lang ako, particularly when I was 15 years old ay palagi ko nang naririnig ang ibang kaklase ko na nagrereklamo dahil hindi buo ang kanilang pamilya. Palagi iyon lalo na kapag malapit nang i-celebrate ang family day sa paaralan namin. They said that growing up with a broken family is not easy, diyan  na raw papasok ang mga pagrerebelde ng mga anak, pagbibisyo, at iba pang mga masasamang gawain na hindi nababantayan dahil nga hindi magkasama sa iisang bubong ang kanilang mga magulang.

Isa ako sa mga kabataan na kontento na sa kung ano man ang meron ngayon, ang tanging pangarap ko lamang ay ang makaahon sa hirap kasama ang aking pamilya. I am a middle child, lima kaming magkakatapatid. Dalawang lalaki at tatlong babae, at sa aming pamilya ay tatlo na lang kaming nakakapag-aral.

We're poor, yes. But we're not that poor as rat, kaya kaming pakainin ng aming mga magulang ng tatlong beses sa isang araw. Though they can't buy the material things that we want, but it's okay. I understand how hard life is.

"Letty, punta ka nga kay aleng Bebang at ihingi mo ng gulay si tatay mo" utos sa akin ni nanay na ngayon ay busy sa paglalaba.

Binitiwan ko ang diyaryo na kanina ko pa tinitingnan. As usual ay mukha ng pinakabatang Sylvester ang pinagmamasdan ko. "Sige ma" sagot ko.

Nagpaalam na akong tutungo na kaya lumabas na ako ng aming munting bahay. I walked confidently under the smiling sun, agad ko namang nakita si aleng Bebang na nakikipag-kuwentuhan sa kapuwa niya mga ale.

Lumapit ako at bahagyang yumuko upang magbigay galang sa matatanda.

"Oh, anong kailangan mo Star?" nakangiting tanong ng ale.

Ngumiti ako pabalik at umayos ng tayo. "Ah, aleng Bebang, puwede raw ho bang makahingi ng kaunting gulay niyo sabi ni nanay?" magalang kong tanong.

Napapalakpak naman siya, "hay naku Star! Syempre naman puwede, hintayin mo ako riyan at kukuha lang ako" nakangiting wika niya.

Tumango ako. Nang umalis si aleng Bebang ay naupo ako sa upuan niya, tutal ay wala pa naman siya eh.

Nginitian ko ang dalawang ale na kausap kanina ni aleng Bebang. Halos araw-araw ay narito 'tong mga 'to, marites is life siguro talaga ang motto nila in life.

Ngumisi ako nang tanungin ako ni aleng Teresa kung may boyfriend na raw ba ako. Napailing ako dahil ang batang Sylvester ang pumasok sa utak ko, naku naman Starlette!

"Eh talaga ba ineng? Sa ganda mong iyan ay kahit manliligaw man lang ba ay wala?" ngingisi-ngising sabat ng isang ale na katabi ni aleng Teresa. Napangiti ako sabay iling.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagtanong sa akin kung may boyfriend na raw ba ako. Well, I know that it's normal in today's generation because at this age, some of my co-teenagers has boyfriends. Pero iba ako, ayaw ko muna sa bagay na 'yan. I believe that being in a relationship is just a distraction.

At mas lalong hindi rin ito ang unang pagkakataon na may nagsabi sa akin na maganda ako. I will not deny the fact that even I am a probinsiya girl, my skin is milky white. Hindi naman kasi ako palalabas ng bahay, at isa pa ay lumalabas lang talaga ako kapag inuutusan o kaya naman ay papuntang school.

I have this almond brown eyes, pointed nose and a pinky soft lips. Maliit lang din ang hugis ng aking ulo kaya marami ang nagsasabing cute raw ako, minsan pa ay napapagkamalan ako may lahi dahil sa pisikal na hitsura ko. Madali ring nag-matured ang aking katawan kaya mukha akong 18 years old kahit pa isang taon pa ang gugugulin para sa legal age ko.

Nagpaalam na ako sa dalawang ale nang ibigay ni aleng Bebang ang sadya ko. Tipid akong nagpasalamat sa kaniya bago tumungo upang umuwi na.

Pagdating ko ng bahay ay saktong naghahanda na sa hapagkainan si ate Lilly, panganay na babae sa aming pamilya. Ngumiti siya sa akin nang makita niya akong papasok sa aming bahay.

"Saan ka galing Letty?" tanong niya ngunit ang kaniyang mga mata ay nasa mga kubyertos pa rin.

Nilapag ko ang dalang mangkok na may lamang gulay na sitaw sa lamesita. "Galing po kila aleng Bebang, inutusan ako ni nanay na ihingi si tatay ng gulay" sagot ko sa kaniya, tumulong na rin ako sa pag-aayos ng lamesa.

"Ah ganoon ba? Oh siya, tawagin mo na sila at kakain na tayo" aniya na agad ko namang sinunod.

Sa hapagkainan ay tahimik lamang kaming kumakain. Ayaw na ayaw kasi ni tatay na maingay ang sino man kapag kumakain kami, gusto niya ay tahimik lamang daw upang pagalang sa mga pagkain sa aming harapan.

Tulingan ang ulam namin ngayong araw. Mukhang sinuwerte sa pagtitinda ang nanay kaya nakabili ng isda. Kay tatay naman ay 'yong gulay na galing kay aling Bebang, bawal kasi si tatay sa malalangsang pagkain dahil sa kaniyang sakit na dala na rin siguro ng katandaan.

Si tatay ay nasa mid-60 na ang edad habang ang inay naman ay nasa mid-50 na. Pareho na silang matanda kung kaya't alam kong hirap na rin sila sa pagtatrabaho para sa amin.

Tumutulong naman sa mga gastusin sina kuya at ate kaya sumasapat naman ang pera namin sa araw-araw. Sa murang edad ay namulat na agad ako sa mga ganitong bagay, bagay na alam kong karamihan sa mga ka-edad ko ay hindi pa maintindihan.

I know that my knowledge about life is a little bit deeper than those teenagers who spend their moneys to the nonsense things. Winawaldas nila ito na parang wala nang bukas, bili doon bili dito. Kahit hindi naman talaga kailangan.

Ni minsan ay hindi ko pinagsisihan na lumaki ako sa hirap. Naranasan ko na ang hindi kumain ng isang araw ng kanin, tanging kamoteng-kahoy lang upang malamanan ang tiyan. Naranasan ko na rin ang huminto ng pag-aaral para matulungan sina inay sa pagtatrabaho para sa gastusin dito sa bahay. Pero totoo ngang may-awa ang Diyos, hindi niya kami pinabayaan sa mga panahong lugmok kami at walang malapitan. At ipinagpapasalamat ko sa kaniya na nakabalik ako sa pag-aaral, isang taon na lang at kolehiyo na ako. Ngunit malabo rin na makapag-kolehiyo ako gayung pahirap ng pahirap ang buhay ngayon, nagmamahal na ang mga bilihin, at alam ko ring hindi na kakayanin nila tatay ang tustusan ang pag-aaral ko kung sakali.

Kaya nag-desisyon ako na luluwas ng Maynila pagkatapos kong grumaduate ng grade 12.


————————
Author's Note:
      ✎. Hi! Thank you for reading mga lalovesss!! Don't forget to VOTE po and leave a comment hehe, lovelots!!




Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now