Chapter 5

8 1 0
                                    


Starlette Faye's POV.

Nagulat ako dahil sa huling namutawi sa bibig ni ate Maggie.

Sylvester?

Tama ba ang pagkarinig ko o imahinasyon ko lang iyon?

Paanong……

Magsasalita pa sana ako upang usisain si ate Maggie tungkol sa kompanya ng mga Sylvester pero niyaya niya na ako pabalik sa bus. Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kaniya. Pagdating naman sa loob ay hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na magtanong pa dahil sinabi niyang iidlip daw siya. Sinabihan niya rin akong matulog na muna kasi matagal pa raw ang biyahe but I refused. Hindi 'ata ako tatantanan ng mga iniiisip ko ngayon tungkol sa nag-aantay sa aking trabaho sa Maynila.

✎ᝰ. ‧₊˚ ☁️⋅♡𓂃 ࣪ ִֶָ☾。

Sa pangalawang pagkakataon ay nagising akong muli. I didn't even notice that I fell asleep despite the thoughts that's bugging me. I heard ate Maggie answering a phone call kaya bumaling ako sa kaniya.

"It's urgent baks, tulungan mo na ako please?" sabi niya sa kausap.

Natahimik siya ng ilang segundo, marahil ay nagsasalita ang nasa kabilang linya.

"Ano? He's so impossible! Sa pagkakaalala ko ay bago lang 'yang sekretarya niya bago ako umalis at nag-file ng leave" medyo iritang wika ni Maggie sa kausap sa telepono.

Nangunot ang noo ko. So, they're talking about work? I'm wondering who's on the other line. Natahimik muli si ate Maggie, ngayon ay kunot noo niyang pinakikinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. I can even feel her annoyance on someone.

"Wala nang ibang available na position? Baka puwede mong magawan ng paraan?" humina ang boses ni ate Maggie sa huling sinabi.

Kinabahan naman ako. Negative thoughts immediately flooded in me. What if hindi ako matanggap? What if hindi worth it ang pag-ma-Maynila ko? Paano na sina nanay? Ang mga kapatid ko?

I groaned because of that. Napapikit ako ng mariin, pilit isinasantabi ang mga negatibong isipin.

"Thank you! Masipag naman 'to si Star eh…… pero kung wala na talagang available na posisyon maliban sa…… uh" napansin kong napatingin sa puwesto ko si ate Maggie. Mabuti na lang at nakapikit na ako ngayon, kundi ay nalaman niyang nag-i- eavesdrop ako sa kanila ng kausap niya. "…… pagiging secretary ni Sir Knoxx…… baka mapilit ko siyang subukan ang posisyon na 'yan. Isa pa, malaki rin ang sahod ng pagiging sekretarya" mahabang lintaya ni ate Maggie.

Mas lalong dumami ang naging isipin ko matapos marinig ang sinabi ng aking katabi. Secretary? Puwede ba 'yon? Eh hindi nga ako graduate ng kolehiyo eh. Anong alam ko sa pagiging secretary?

"Salamat baks ah? Hindi ko naman papabayaan 'tong si Star kung sakaling matanggap siya" wika ni ate Maggie matapos ang mahabang katahimikan. Natahimik ulit siya ng ilang minuto bago nagpaalam sa kausap.

Naramdaman ko ang marahang paghilig niya sa inuupuan, marahil ay iniisip niya rin ang naghihintay sa amin sa Maynila. Masuwerte ako dahil nandiyan si ate Maggie para umalalay sa akin. She's an angel to me, malaki ang tiwala ko sa kaibigan kaya alam kong hindi niya ako pababayaan.

SA sobrang pag-iisip ay nahila ako ng antok. Nagising na lamang ako dahil sa naririnig na ingay sa paligid. Binalingan ko ang naka-sarang bintana ng bus at nakitang maraming taong naglalakad sa labas, iba't ibang ilaw ang kumikinang sa paligid, at ang matinding traffic na naging dahilan ng pagbagal ng takbo ng sinasakyan naming bus. Napansin kong mahimbing na natutulog pa rin si ate Maggie kaya hinayaan ko na lang siya.

Sa wari ko ay nasa Maynila na kami. Malalim na ang gabi ngunit hindi iyon alintana ng mga taong busy sa kani-kanilang buhay. Ganito ba talaga sa Maynila?

Napukaw lamang ako sa aking mga iniisip nang kalabitin ako ni ate. Ngayon ko lang napansin na gising na pala siya, hinawakan niya ng mariin ang palapulsuhan ko bago ako iginiya pababa ng bus, kinuha namin ang ilang bagahe na dala namin at pagkatapos ay tumawid na kami sa kalsada.

Pansin kong sanay na sanay na si ate Maggie sa lugar na ito. Nakakalula ang taas ng mga gusali at ang iba't ibang ilaw rito. Napakarami rin ng mga taong naglalakad-lakad kahit pa dis-oras na ng gabi. Lumiko kami sa masikip na iskinita ni ate Maggie, sa ikatlong bahay bago ay huminto kami. Naghalungkat siya sa bag at nakita ko ang susi na hawak niya, dahan-dahan niya itong ipinasok sa kandado at pinihit ang serbedora dahilan upang bumukas ang pintuan.

Naunang pumasok si ate Maggie. Pumunta siya sa kabilang gilid at maya-maya lang ay naging maliwanag na ang buong bahay. Hindi kalakihan ang bahay na ito ngunit tama lang sa dalawang tao. May maliit na TV sa harap ng sofa at study table. Kulay dirty white ang dingding ng buong bahay. Nilingon ko ang kaliwang banda at nakita kong pumasok doon si ate Maggie. Paglabas niya ay may dala na siyang tubig kaya natanto kong kusina iyon. Sa kanan naman ay isang pintuan, siguro ay iyon ang kuwarto.

"Magpahinga ka na muna, Star. Bukas maaga tayong pupunta sa kompanya" saad ni ate Maggie. Nilapag ko ang baso sa study table matapos kong ubusin ang laman nitong tubig.

"Saan po ang kuwarto, ate?" tanong ko kahit hula ko naman ay iyong nasa kanan na pintuan iyon.

Napagtanto kong tama ako nang ituro ni ate Maggie sa akin ang pintuan sa kanan. "May double deck diyan, doon ka sa baba matulog at ako naman sa taas" paliwanag niya.

Tipid akong tumango sa kaniya at nagpasalamat. Ngunit bako ako tuluyang pumasok sa loob ng silid ay sumagi sa isip ko ang narinig na pag-uusap sa telepono kanina nina ate Maggie at ng kung sino man kaya minabuti ko nang magtanong.

"Ate Maggie?"

"Ano 'yon, Star?" sagot niya nang hindi tumitingin sa direksiyon ko. Nakaupo siya ngayon sa sofa habang busy sa pagtitipa sa kaniyang cellphone.

Nilakasan ko na lang ang loob ko. "Ano nga po ulit ang pangalan ng kompanyang pinagta-trabahuan mo?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin at bahagyang nangunot ang noo. Marahil ay nawi-weirdohan sa katanungan ko.

"Sylvester Estate Corporation, Star. Bakit?" namamanghang tanong niya sa akin.

Ngumiti ako at umiling. "Wala po. Sino po pala ang boss doon?" dagdag ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Marahan niyang hinaplos ang mahaba kong straight na buhok bago nagsalita.

"Si Sir Henley Knoxx Sylvester, iyong pinakabatang Sylvester" sagot ni ate Maggie na nagpakaba sa akin.

Is this for real?!


————————
Author's Note:
      ✎. Hi! Thank you for reading mga lalovesss!! Don't forget to VOTE po and leave a comment hehe, lovelots!!

Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now