Chapter 6

5 0 0
                                    


Starlette Faye's POV.

Sa mga nagdaang taon ay nakontento akong hangaan siya sa malayo. Nakontento akong pagmasdan siya sa diyaryo. My younger heart was already contented loving him from afar.

I was 13 years old back then when I first met him. Ang batang puso ko noon ay walang ibang pinangarap kundi ang makita siya sa personal, ang mahawakan, at ang mahalin siya ng malapitan. Ngunit nang mag-dalaga na ako ay nagbago ang pananaw ko tungkol sa paghanga ko sa kaniya. Ayoko na pala siyang makita sa personal, ayoko na siyang mahawakan, at higit sa lahat ay ayoko nang mahalin siya nang malapitan. I understand that our life status were different from each other. Siya ang langit at ako naman ang lupa…… at sabi nga nila ay hindi kailanman puwedeng magsama ang langit at lupa.

Hindi kami puwede……

Nakilala ko siya ng minsang mapadako ako sa mamang nagbebenta ng mga diyaryo. Hindi naman sana ako bibili noon pero naalala kong may project nga pala kami sa isang subject namin na kakailanganin ang diyaryo… kaya napilitan na rin akong bumili.

I was busy cutting the pictures in the newspaper when my eyes flocked into the man standing confidently, beside him was a woman that's clinging on his biceps. Tingin ko ay matanda siya sa akin ng ilang taon —— maybe he's 3 years older than me.

Natigil ako sa paggugupit upang pagmasdan ang guwapo niyang mukha. He's wearing a black polo down shirt paired with a thin-clothed black slacks. Naka-shades din siya kaya hindi kita ang kaniyang mga mata, perpekto ang kaniyang panga at ang hugis ng kaniyang ilong. Sa edad na 16 years old —— base sa nakasulat na impormasyon tungkol sa kaniya ay makisig na ang kaniyang pangangatawan.

Tumigil ako sa pagmamasid sa kaniyang kabuuan. Binalingan ko ang mga nakasulat sa diyaryo na alam kong puro tungkol sa kaniya.

So……

He's a Sylvester? One of the most richest clan in the whole Asia.

Henley Knoxx Sylvester, 16 years old, son of Felipe Sylvester and Leviste Sylvester. The next heiress of the Sylvester Estate Corporation.

Iyon ang headline ng balita. Nasabi rin doon ang dahilan kung bakit siya ang magmamana sa halip na ang nakatatanda niyang kapatid na si Henry Kylexx Sylvester. Hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin kaya binalik ko na lang ang aking mga mata sa perpektong mukha ni Henley Knoxx.

"Bautista" napabalik ako sa ulirat nang marinig ang baritonong boses ni Sir Knoxx.

Yes, he's in front of me right now. Sitting carefree on his swivel chair.

Napatingin ako sa suot niya. He's wearing his usual business attire, suot niya rin ang kaniyang specs na dumagdag sa kaniyang kaguwapuhan.

His jaw moved aggressively. "You're spacing out, I was calling you since earlier" aniya sa matigas na tinig.

Napayuko ako, "I'm sorry Sir, ano po 'yon?" tanong ko sa mababang boses.

"Get me a coffee" he said and dismissed me.

Tumango ako sa kaniya ng isang beses bago lumabas sa kaniyang opisina. I am now his new secretary, mag-da-dalawang linggo na akong nagsisilbi sa kaniya and all I can say is my stay here is not as bad as I think before.

Ibang-iba kasi ang trato niya sa akin, hindi katulad noong mga ikinukwento ni ate Maggie sa akin. Pinigilan niya pa nga akong tanggapin ang alok ni Sir Knoxx eh. She said that she's willing to help me find another job, huwag ko lang daw tanggapin ang posisyong iyon.

I was hesitant back then but I realized that there's nothing wrong in trying so I took the job. Wala naman nang nagawa si ate Maggie nang sabihin ko sa kaniya na kukunin ko ang trabaho. At isa pa ay alam ko sa aking sarili na mahihirapan na akong makakuha ng ganoong posisyon sa ibang kompanya, malaki magpasahod si Sir Knoxx kaya kinuha ko na ang oportunidad.

"Here's your coffee, Sir" bahagya akong yumuko nang ilapag ko ang kaniyang kape sa lamesa. He didn't glanced at me, nakatutok lamang ang kaniyang mga mata sa mga papeles na binabasa.

Sa mga nagdaang araw ay naging maayos ang trato sa akin ni Sir Knoxx. May mga araw na napapagalitan niya ako ngunit naiintindihan ko naman 'yon. I know that it was part of my job.

"Bautista" napalingon akong muli sa kaniya nang mariin niyang bigkasin ang aking apilyedo.

Napahinto pa ako sa pagpihit sa doorknob upang bumaling sa kaniya. "Yes, Sir?" I asked.

He glanced at me once at bahagyang napaawang ang kaniyang bibig saglit. I was wearing my usual secretary attire —— a formal suit. Isang puting polo down shirt partnered with a mini skirt. Naka-heels din ako kaya dumagdag ang aking height kahit pa natural na akong matangkad. Ate Maggie insisted that I should wear even a light make up for formality. She even help me choose those dresses and clothes noong nakuha ko ang paunang sweldo.

"Sir?" I called again.

Napansin kong umiling si Sir Knoxx ng dalawang beses at pumikit ng mariin. His jaw moved as he greeted his teeth. Bumaba ang kaniyang mata sa aking dibdib pababa sa suot kong mini skirt. Nakaramdam ako ng hiya lalo na noong magtamang muli ang aming mga mata at kita ko pa rin ang pagtatangis ng kaniyang bagang.

"Clear my schedule today and……" umiwas siya ng tingin sa akin na tila ba may isa akong nakakahawang sakit.

"At tapos po, Sir?" nahihiyang sagot ko dahil sa naging reaksyon sa akin ng aking boss. Is he going to fire me? But I even didn't do something wrong!

Nakuwento kasi sa akin ni ate Maggie at saka noong baklang kaibigan niya na wala raw nagtatagal na secretary si Sir Knoxx. Kaya nga noong umabot ako rito ng dalawang linggo ay takang-taka sila sa akin. They even notice his treatment towards me. Hindi naman ako naniwala sa kanila dahil bukod sa hindi ko binibigyan ng malisya ang lahat ng ito ay mahal ko rin ang trabaho ko at ayokong mawala ito sa akin.

I looked at Sir Knoxx again, waiting for his reply. I noticed that he's hesitant so I didn't asked again. Baka kasi magalit siyang bigla eh, sabi pa naman ng ibang empleyado ay tinotopak daw siya minsan.

Napaigtad ako sa gulat nang magtama ulit ang aming mga mata. Tumayo siya galing sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair at marahang naglakad palapit sa akin. Nagmistula tuloy akong bata dahil sa tangkad niya. Mas lalong nadepina ngayon ang kakisigan niya kaysa noong unang kita ko sa kaniya sa diyaryo. He walked confidently at my direction wearing his usual serious expression. Mariin siyang nakatitig sa kabuuan ko habang matatalim pa rin ang kaniyang mga mata.

"Clear my schedule today and come with me, Bautista. That's an order" mariing wika niya bago ako hinigit palabas ng kaniyang opisina.

Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now