Chapter 10

4 2 0
                                    


Starlette Faye's POV.

Nagdadalawang-isip kong inabot ang menu kay Sir Knoxx. Kanina niya pa kasi ako pinipilit na mag-order ng kahit ano kahit pa sinabi kong hindi naman ako gutom.

"So, how's my son Faye?" pambabasag ni Mrs. Leviste sa katahimikan sa mesa.

Inangat ko ang aking ulo upang magpantay ang aming paningin. "Uh…… he… he's fine po" tanging naisagot ko sa sobrang kaba. Bahagya ko pang nakurot ang aking sarili dahil sa kawalang kuwenta ng naging sagot ko sa Ginang.

Sir Knoxx's older brother smirked at my response.

"Really Starl——"

"It's Faye po" pagpuputol ko sa sasabihin ng kaniyang kapatid.

Hindi kasi ako komportable na tawaging Starlette, eh. Feeling ko kasi ay ang haba at nakakahiya iyon para sa kanila kaya mas pinili kong gamitin na lang ang second name ko para maikli lang.

Sir Henrey let out a soft chuckle. "Whoa, okay then" aniya. "So, matagal na ba kayo nitong kapatid ko?" dagdag niya na nagpainit sa dalawang pisngi ko.

Mukhang hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko ang bagong trabaho na pinasok ko ngayon, ah. It felt surreal.

Nag-da-dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba si Sir Henrey o hindi. Hindi ko naman kasi alam talaga ang isasagot! Anong sasabihin ko? Na ngayon lang kami naging mag-shota ng kapatid niya? Naku Starlette! Ano ba 'tong pinasok mo.

"That's not important, kuya" wika ni Sir Knoxx na nagpatigil sa akin sa pag-iisip.

Bahagya akong ginapangan ng kaba nang biglang lumapit sa akin si Sir Knoxx. Magkalapit ang mga upuan namin pero pinipilit niya pa ring ilapit ang katawan niya sa akin! Nakakahiya sa kaniyang pamilya!

"You're spacing out again, Bautista. Galingan mo naman um-acting" he said. Nagsitaasan ang balahibo ko sa batok nang tumama ang kaniyang malamig na hininga rito, tahimik tuloy akong napa-ungol ng wala sa oras!

Sir Knoxx smirked at my reaction. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa aking hita. Pinagsiklop niya ito at dinala sa ibabaw ng mesa. Nakita ko pa kung paanong sinundan ng tingin ni Mrs. Leviste ang aming kamay na magkasiklop ngayon. Sir Knoxx gently rubbed my hand using his naked thumb that brought me electricity. Nilingon ko ang kaniyang ama upang tingnan sana ang reaksiyon nito ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang magtama ang aming mga mata.

Don Felipe Sylvester is staring hard at me. Para bang ini-eksamin niya ang buong pagkatao ko kaya bahagya akong nakaramdam ng panliliit. Kung hindi lang talaga pinisil ni Sir Knoxx ang aking kamay ay baka nag-space out na naman ako, mahilig pa naman akong mag-overthink sa mga bagay-bagay.

Natahimik lamang ang lamesa nang magsimula nang i-serve ng mga waiter ang aming pagkain. The foods looks so delicious with its own design. Ang kokonti lang nito pero nagsusumigaw ng kamahalan ang bawat presyo ng pagkain sa aming harapan.

Alam ko 'yan dahil mahilig akong manood ng mga romance sa television at magbasa ng mga nobela.

"When is the wedding?" ani ng matandang Sylvester.

I was shocked by the sudden question. Anong wedding?! Kasal? Kasal agad?!

Ngayon ay hindi ko na maitago ang aking kaba. Nagsisimula na namang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Napa-praning na ako kaka-isip sa maaaring kahihinatnan nitong kalokohan na 'to!

Tumingin ako kay Sir Knoxx upang humingi ng tulong. Obvious naman na ako ang tinatanong ng matandang Sylvester dahil sa akin siya nakatitig! Anong sasabihin gayung wala naman ito sa plano?!

"Don't pressure them, Honey. Give them time" ani ng babaeng Sylvester.

Laking pasasalamat ko na lang nang mapabaling dito ang atensiyon ng asawa. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na muli itong nagtanong at tumitig sa akin. Feeling ko ay ito ang magiging sanhi ng kamatayan ko, eh! Makakapag-resign 'ata ako nito ng wala sa oras.

"But Henley, son. Dapat ay pinag-uusapan niyo nang dalawa iyan. We're getting older, son. Gusto na namin ng apo" maya-maya'y wika ni Mrs. Sylvester.

I glance at her and I was shocked when our eyes met in an instance. Para bang sa akin lamang siya nakatingin mula pa kanina nang sambitin niya iyon. Nahugot ko ang aking paghinga nang maglaban ang aming mga mata, gustuhin ko mang umiwas ng tingin ngunit hindi ko magawa. Para kasing isang kabastusan kung gagawin ko iyon, mamaya niyan ay mapasama pa si Sir Knoxx dahil sa pagiging bastos ko.

Baka dumagdag pa ito sa kanina pang mabigat na atmosphere. Mula kasi kanina ay pansin kong hindi man lang sinulyapan ng kaniyang ama si Sir Knoxx, hindi man lang sila nag-uusap hindi tulad ni Sir Henrey na maya-maya'y kinakausap ng ama. Pansin ko rin ang tensiyon sa paligid, kahit hindi man nila sabihin ay alam kong hindi magkasundo ang mag-ama.

"Uhh……" tanging lumabas sa bibig ko. Ginapangan muli ako ng kaba nang maging ang ama ni Sir Knoxx ay nakatitig na sa akin, para bang nag-aantay ng magiging sagot ko.

Eh malay ko ba naman kasi na ganito pala ang pag-uusapan! Ang alam ko lang kanina ay kuya niya ang ka-meeting ni Sir, tapos hanggang sa naging fake girlfriend bigla ako ni Sir Knoxx. Umabot sa usapang kasal tapos ngayon ay sa apo na?! What the heck? Ganito ba ka-atat ang pamilyang ito?

Siguro kung ako pa rin iyong batang ako ay masisiyahan pa ako sa nangyayari. But I wasn't! Matagal ko nang binaon sa limot ang mga pangarap ng batang Starlette noon, kasama na roon ang nararamdaman ko sa pinakabatang Sylvester na boss ko na ngayon.

Malaking sampal sa aking buong pagkatao ang nangyayari ngayon. Para bang inginudngod sa akin ng mundo na magkaibang-magkaiba kami ng lalaking pinapangarap ko. Na langit siya at lupa ako. Kung noon ay okay lang sa akin ang isiping iyon; ngayon ay hindi na. Sobrang sakit ng katotohanan na kailanman ay hindi kami puwede…… hindi kami magiging puwede.

"I'm sorry po, but we haven't talk about that yet" diretsong wika ko habang nakatingin pa rin sa mga mata ng ina ni Sir Knoxx. "Hindi pa po kami nagpa-planong magpakasal at lalo na po ang bumuo ng pamilya."

I heard her gasped. Bahagya akong nakonsensiya sa pagiging straightforward ko pero iyon ang sa tingin ko'y tamang gawin. Hindi puwedeng dagdagan pa ng isang kasinungalinan ang isang kasinungalingan. At least I'm pretty rest assured na hindi sila aasa kung sakali.

Ewan ko rin ba rito kay Sir Knoxx, wala man lang sinasabing kahit ano. Hindi ba siya kinakabahan na baka mahalata ng pamilya niyang hindi kami totoong mag-girlfriend at boyfriend? Baka mamaya niyan ay biglang lumayas ang mga ito sa harap namin tapos siyempre susunod siya para magpaliwanag sa kaniyang pamilya tapos ang ending ay ako ang maiiwan dito! No way! Wala akong pambayad sa dami ng inorder nilang pagkain!

Nabalik ako sa realidad nang mahinang tumawa ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Sir Henrey. "You're too cute, Faye. Calm down" he said with a smirk plastered on his handsome face.

Namula ako ng kaunti. "S-sorry……" tanging nasabi ko.

Nagulat ako nang marahas na tumayo si Sir Knoxx sa kaniyang upuan. Napatayo rin tuloy ako ng wala sa sarili dahil sa gulat ko sa naging aksiyon niya! He swiftly held my waist tighter, marking his territory. Nakita ko ang bahagyang pang-aasar sa mata ng kaniyang kapatid na si Sir Henrey habang nakatitig ito sa kamay ni Sir Knoxx na nasa aking baywang.

"We gotta go now. Thanks for the dinner" he said with formality. His family bid their good bye to us but his father didn't even move to acknowledge us. Hindi man lang siya tumingin sa amin nang magpaalam kami.

"Paalam po, maraming salamat sa dinner and thank you too for treating me nice. It's nice to meet you all" balewalang paalam ko sa kanila.

Nakita ko pang tumaas ang kilang ng maatandang Ginang dahil sa aking sinabi habang ang kaniyang asawa naman ay tila walang pakialam. Si Sir Henrey naman ay nanatiling nakangisi habang nakatingin sa amin. Yumuko ako ng kaunti upang ipahatid ang pagpapaalam namin sa kanila.

Noong nasa labas na kami ay saka ko hinarap si Sir Knoxx. Magsisimula na sana akong magtanong at pagalitan siya nang mapansin ko ang pagod at sakit sa kaniyang mga mata.

I was halted when he suddenly pulled me to his hard chest for a tight hug. Matagal niya akong niyakap na ikinatuod ko sa sobrang gulat.

"Thanks for doing that for me" he whispered huskily.

Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now