Chapter 7

4 1 0
                                    


Starlette Faye's POV.

Halos malula ako sa dami ng tao sa mall na ito. Hindi ko akalaing sa mall ako dadalhin nitong si Sir Knoxx matapos niya akong kaladkarin kanina sa kaniyang opisina. Sa kaniyang sasakyan ay na-clear ko na ang schedule niya ngayong araw, dalawang meeting lang naman iyon sa hindi kalakihang kompanya.

"Try this" napabalik ako sa ulirat nang marinig ang malalim na boses ni Sir Knoxx. Napangaga ako nang ibigay niya sa akin ang isang yellow plain dress, sa tantiya ko ay hanggang tuhod ang haba nito sa akin.

"S-sir?" I nervously said. "Para saan po iyan?" dagdag ko pa.

Ginulo niya ang kaniyang buhok at muling umiwas ng tingin. "Just try this, Bautista. That's an order from your boss" he said with finality.

Wala na akong nagawa nang gamitin na naman niya ang katagang "that's an order from your boss". Ewan ko ba kay Sir Knoxx, palagi niya 'yang sinasambit lalo na kapag alam niyang hindi ko susundin ang pinag-uutos niya.

Dumiretso ako sa fitting room matapos kuhanin ang dress sa kaniyang kamay. Nagmistula itong maliit sa kaniya, para tuloy akong nakababata niyang kapatid kahit naka-heels naman ako.

Sa loob ng fitting room ay tahimik lamang akong nagpalit. Hindi ko alam kung anong trip ngayon ng boss ko at sinama-sama pa ako rito sa mall. Wala ba siyang girlfriend at ako itong pinagdidiskitahan niya? I almost blush with my own thoughts. Naku, Starlette!

Nahihiya akong lumabas ng fitting room matapos kong isuot ang yellow flowy dress. Tama nga ang tantiya ko kanina na hanggang tuhod ko ito. Napatingin ako kay Sir Knoxx na mariing nakatitig sa akin pababa sa aking kasuotan. I saw him hid a smile. Napangiti ako dahil doon.

"Looks good on you" komento niya.

Tiningnan ko ang aking sarili sa katabing salamin. Mas lalong nadepina ang kaputian ko dahil sa color yellow. Yellow is not bad actually, it looks good on me.

Masaya akong umikot ng dalawang beses. Feeling the happiness I feel right now. Napatigil lamang ako nang biglang hapitin ng kung sino ang aking baywang. Nang tingnan ko kung sino ito ay kumabog ng malakas ang aking dibdib, Sir Knoxx is holding my waist right now!

"Stop, you might fall" he said with his baritone voice. Humigpit ang hawak niya sa aking baywang, umiwas ako ng tingin dahil sa kabang nararamdaman. "You look good if you wear dress, Bautista. Hindi iyong mga maiikling damit na sinusuot mo" aniya sa malalim na tagalog.

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay muli akong nahulog sa kaniya. Sir Knoxx speaking tagalog is so damn hot! May iba sa kaniyang tinig na nakakapagpadagdag ng kaguwapuhan niya.

Namula ako dahil sa kaniyang sinabi. "But ate Maggie helped me chose that kind of clothes" I honestly said to him.

"Maggie's not your boss, Bautista. Ako ang dapat mong sundin. From now on, you're not allowed to wear those shorty clothes in my company." Pinal niyang pahayag.

Pinilit kong tumakas sa kaniyang mahigpit na hawak sa akin. Hinayaan niya ako pero pinirmi niya naman ako sa kaniyang harapan, kaunti na lang talaga ay mako-concious na ako rito sa harap ni Sir Knoxx.

"P-pero wala na akong ibang d-damit bukod doon, S-Sir" nahihiyang kong sambit.

I almost jumped when he suddenly held my chin. Hinayaan ko siyang itaas ang aking mukha upang magkapantay ang aming paningin. I can see the calmness in his eyes, "you think I will let you with no choice but that?" nalula ako dahil sa kaniyang tanong kaya hindi na lang ako umimik. "We'll buy clothes for my lovely secretary, of course" he added that made me smile. Parang biglang may nagwala sa tiyan ko dahil sa kaniyang sinabi. The feeling I didn't feel before.

Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now