Chapter 9

1 1 0
                                    


Starlette Faye's POV.

"Are you okay, Bautista? You look pale" komento ni Sir Knoxx na mas lalong nagpakaba sa akin.

What the freaking heck! Ba't ba ang daming napapansin nitong boss ko na 'to?

I smiled shyly at him. "Nilalamig lang po ako, Sir" I honestly said.

Totoo namang malamig talaga rito sa fancy restaurant na pinasukan namin. At isa pa ay hindi ako na-inform na sa mamahaling restaurant pala ang meeting nila ng kuya niya. Pero sabagay, ano pa bang aasahan ko? They're rich so it's normal to them.

Siguro ay mag-tu-tubig na lang ako mamaya. Baka kasi kahit tubig ay may bayad dito, eh! Naku, paniguradong pang-isang buwang suweldo ko na ang presyo ng mga pagkain dito.

Mas lalo tuloy akong kinabahan at nanliit. Mas lalo ko lamang napagtanto ngayon na tunay na napakalayo nga ng agwat ng pamumuhay namin ni Sir Knoxx. He belongs to those people na dapat ay sinasamba habang ako ay nabibilang naman sa mga taong nagsisilbi sa kanila.

Life is really cruel to me, huh.

"Bakit kasi ganiyan ang suot mo?" may inis sa kaniyang boses nang sambitin niya iyon.

Damn! Iyan na naman ang matigas na pag-ta-tagalog niyang nakakapanindig balahibo.

"Hindi na po kasi ako nag-abalang magbihis since ayokong may pinaghihintay, lalo pa't boss ko kayo" wika ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"What if you catch a cold because of your revealing clothes?" he said with his baritone voice. Napatingin tuloy ako sa kaniya.

Sir Knoxx clenched his jaw, bahagyang sumilip tuloy ang mga ugat niya sa kaniyang mukha dahil sa kaniyang pagalit na pagtiim bagang.

Napailing ako. "This isn't revealing, Sir" pagtatanggol ko sa aking sarili.

Formal suit naman talaga ang suot ko ngayon. I am wearing a flowy blue sleeveless dress na pinaresan ko ng color blue ko rin na heels. At isa pa ay siya mismo ang pumili ng dress na ito.

Bahagya kong naramdaman ang pag-init ng aking magkabilang pisngi. "Sleeveless po ito, S-sir… h-hindi revealing" nahihiya kong dagdag.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Sa halip ay cool niyang hinubad ang kaniyang long sleeve kaya naiwan sa loob nito ang suot niyang white polo shirt. Nagulat na lamang ako nang marahan niyang ipinatong sa aking hubad na balikat ang kaniyang suit kaya bahagya kong naramdaman ang init mula roon.

His manly scent immediately attacked my nose. Agad kong naamoy sa kaniyang damit ang panlalaking amoy na marahil ay natural na sa kaniya.

"S-sir, baka ho kayo naman 'yong l-lamigin" nag-aalala kong wika sa kaniya.

Maliit siyang napangiti sa naging reaksiyon ko bago ginulo ng bahagya ang aking buhok kaya natulala ako. Bakit pakiramdam ko ay sobra siyang gumwapo sa paningin ko ngayon? I mean, he's already handsome even before but this thing is different! It felt like I was looking at the most handsome man in the world.

"Don't worry, your health is what I care for Bautista" he said softly.

Kumabog ng malakas ang aking dibdib. Tila nagwala ang mga paro-paro sa aking tiyan at bahagya akong nakaramdam ng panghihina sa aking katawan. What are you doing to me, Sir Knoxx?

Hinapit niya ang aking baywang na naging dahilan ng pagtalon ko sa gulat. Nahugot ko ang aking hininga sa takot na baka marinig niya ang malakas na pintig ng aking puso. I'm afraid that he would know what I feel to him.

Huli ko nang namalayan na nasa harap na pala kami ng kaniyang……

P-pamilya?!

What the heck?!

Bakit kompleto sila rito? Anong nangyayari?

Naguguluhan kong nilingon si Sir Knoxx. Mas lalo akong kinabahan sa mga isiping pumasok ngayon lang sa aking isipin. Tangina! Hindi ito ang inaasahan ko. Ang buong akala ko ay tanging ang kaniyang kuya lamang ang naririto at makakasama namin.

Pero ano ito?!

"Good evening, mom and dad. Kuya" bati ni Sir Knoxx sa kaniyang pamilya na nagpabalik sa akin sa katinuan.

I feel him squeeze my waist softly. Para bang sinasabi niyang sumabay ako sa anomang trip niya sa buhay.

I glanced at the people in front of us. They all scream elegance and power. Lalo na iyong matandang Ginang na wari ko'y si Mrs. Sylvester ito.

Am I really seeing them right now? In front of me?

Parang dati lang ang sa diyaryo ko lamang sila pinagmamasdan. Pero ngayon ay halos hindi ako makapaniwala na harap-harapan nang nangyayari ang pinapangarap ng batang ako noon.

Akala ko noon ay magiging masaya ako kapag napalapit ako sa matagal ko nang gustong lalaki…… sa matagal ko nang pinapangarap. Akala ko noon ay magiging kontento ako.

Pero hindi ko akalain na ang dapat ay masayang pakiramdam ay mapapalitan pala ng lungkot at pagkamuhi —— lungkot dahil tila sinampal ako ng katotohanan na hindi ako katulad nila…… na ang layo ko sa kanila. Tila ipinamukha nito sa akin na kailanman  ay hinding-hindi ko sila kayang pantayan.

Pagkamuhi dahil sa naging buhay na nakasanayan ko. I am just a poor woman who's working as his secretary for her family sake. Isa lamang akong hamak na sekretarya niya habang siya ay tila isang Diyos na dapat pagsilbihan.

Oh ano, Starlette? Iyan ba ang pinapangarap mo noong makamtan? Maabot? Mahawakan? Isang Diyos na sinasamba ng karamihan? Iyan ba Starlette, ha?

Halos maiyak ako dahil sa mga naisip. Now I understand how cruel the life is, napaka-unfair ng mundo para gumawa ng salitang mayaman at mahirap na magbubuklod sa mga tao. But maybe…… world isn't unfair, people are.

"Evening, anak. How are you?" mahinhing wika ng Mrs. Leviste Sylvester. Yumakap siya sa anak at bahagyang hinalikan ang pisngi nito.

Nag-aalinlangang nilapitan ni Sir Knoxx ang ina. Halos manlumo ako nang bitiwan niya ang aking baywang ngunit agad ko ring sinaway ang aking sarili.

Sunod niyang nilapitan ay ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Sir Henrey. Katulad niya ay matipuno at kagalang-galang din ito tingnan. But Sir Henrey's feature is obviously matured than Sir Knoxx, especially the physical physique.

Mas nakuha ni Sir Henrey ang katapangan ng mukha ng kanilang ama samantalang ang pagiging seryoso nito ay nakuha naman ni Sir Knoxx. Pero malambot ang ekspresyon ni Sir Henrey na siguro ay nakuha niya sa kanilang ina kaya mas nagmukha itong approachable kaysa sa aking boss.

"Dad……" napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ang baritonong boses ni Sir Knoxx. Tinitigan ko siya ng mariin lalo na noong napansin ko ang pagkatuod niya sa harap ng ama, kapuwa sila nakatitig lamang sa mata ng isa't isa.

Nang lumipas ang ilang segundo na ganoon pa rin ang ayos ni Sir Knoxx ay bahagya na akong nag-alala. Marahan ko siyang nilapitan at pinisil ang kaniyang matigas na braso. Mukhang effective naman dahil tila bumalik siya sa kaniyang ulirat at tumango na lamang sa ama bago ipinahinga ang kaniyang matigas na braso sa aking baywang.

Ngumiti ako ng pilit sa kanilang lahat. "Magandang gabi po sainyong lahat. I am Starlette Faye Bautista po, his sec——"

"She's my girlfriend" pagpuputol ni Sir Knoxx sa aking pagpapakilala.

Natuod ako sa aking kinatatayuan at agad na nag-alab ang aking pisngi. Anong…… nababaliw na ba 'tong boss ko na 'to?!

Lilingon na sana ako sa kaniya upang mag-protesta nang bahagya niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin dahilan upang tumama ang tungki ng kaniyang ilong sa aking pisngi. Ang kinalabasan tuloy noon ay para niya akong hinalikan sa pisngi ko, mas lalo lamang akong nahiya sa harap ng kaniyang pamilya.

"Just go with the flow, Bautista. Act as my girlfriend tonight and that's an order from your boss" he said that made me shivered.

Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now