Chapter 4

7 1 0
                                    


Starlette Faye's POV.

Alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na gising na ang diwa ko. Pinayuhan kasi ako ni ate Maggie na gumising ng maaga dahil maaga rin daw kaming aalis ng probinsiya.

April 20 na ngayon. Ibig sabihin ay nasa tamang edad na ako, ngayon din ang alis namin patungong Maynila. Laking pasasalamat ko at nagkaayos na kami ng inay, ayos na rin ang naging desisyon ko sa aking ama at mga kapatid. I know that they understand my decision, mahirap man tanggapin pero pinilit nila akong unawain.

"Sure ka bang wala ka nang naiwan pa, Letty?" tanong sa akin ni ate Lilly habang tinutulungan akong mag-impake. Sabi sa akin ni ate Maggie ay hindi na raw ako mahihirapan sa paghahanap ng matitirahan doon kasi puwede raw munang akong mag-stay sa kaniya. Ita-try niya rin daw na ipasok ako kung saan siya nagta-trabaho nang sa gayun ay mabantayan niya ako kahit papaano.

"Naku Letty ah, mag-iingat ka doon. Iba ang Maynila rito sa probinsiya" paalala sa akin ng inay. Napangiti ako at tumango.

"Kaya ko naman po ang sarili ko, nay. Mag-iingat po ako roon at isa pa ay kasama ko naman si ate Maggie" sagot ko kay nanay.

Pumasok sa loob ng kuwarto si kuya—— ang panganay kong kapatid. "Bawal ka pa mag-boyprend, Letty. Masyado ka pang bata para sa bagay na iyan" pangangaral niya.

Napangisi ako sa nakatatandang kapatid. "Oo naman kuya. Mag-bo-boyfriend lang ako kung ang batang Sylvester na ang mag-alok" tumawa ako sa sariling biro. Napa-iling na lang sila ate sa kalokohan ko.

"Tumawag ka lang kung may kailangan ka, 'nak" sabat ni tatay.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Opo naman 'tay, palagi po akong tatawag" naluluhang saad ko sa ama.

Niyakap ko rin si nanay at kuya bago binalingan ang nakatatandang kapatid na babae. Marahan niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at iginiya na ako palabas ng bahay. Alas-sinko raw kasi kami lalarga para maaga rin kaming makarating sa Maynila.

Bitbit ang isang malaki-laking duffle bag ay lumabas na ako ng bahay. Medyo mabigat ang loob kong binuksan ang aming pintuan pagkatapos kong magpaalam kila nanay. Si ate Lilly na ang nagpresinta na sasama sa akin sa terminal, doon na raw ako hihintayin ni ate Maggie.

✎ᝰ. ‧₊˚ ☁️⋅♡𓂃 ࣪ ִֶָ☾。

Sa terminal ay tahimik lamang ako na nagmasid. Masyado 'ata akong napaaga kasi pagdating namin dito ay wala pa sina ate Maggie. Tiningnan ko ang ibinigay na cellphone sa akin ni nanay noong kaarawan ko, sabi sa oras ay alas-kuwatro y media pa lang naman kaya niyaya ako ni ate na kumain muna sa malapit na karinderya. Libre niya raw kaya hindi na ako tumanggi.

"May trabaho ka raw bang mapapasukan pagdating mo ng Maynila?" tanong ni ate Lilly habang humihigop ng mainit na sabaw galing sa lugaw.

I slowly swallowed the food that I'm chewing before answering my sister's question. "Pipilitin daw ni ate Maggie na makapasok ako sa kompanyang pinagta-trabahuan niya" sagot ko sa kapatid.

Bahagya siyang natigilan dahil sa naging sagot ko. "Kompanya ang pinagta-trabahuan ni Maggie?" gulantang niyang tanong na tila ba'y ngayon lamang niya nalaman ang bagay na iyon.

I nodded repeatedly, "oo 'te. Bakit?" nagtataka kong tanong.

She quickly shook her head. "Wala, nagulat lang ako" sagot niya bago tumayo. Napansin kong ubos na pala niya ang kaniyang pagkain kaya dali-dali ko ring hinigop ang sabaw ng aking lugaw. Pagkatapos ay tumayo na rin ako at niyaya na si ate na bumalik sa terminal.

Pagdating doon ay agad kong namataan si ate Maggie na kasama si aling Bebang. Kumaway siya sa amin ng ate ko kaya dumiretso na kami sa kanila.

Hindi naman nagtagal ay umandar na ang bus na sinasakyan namin. Hindi ko nga akalain na matutuloy pa kami dahil sa dami ng ibinilin ni ate kanina, kung hindi lang siya inawat ni aling Bebang ay malamang sa malamang ay naiwan na kami nitong bus.

Sinabi sa akin ni ate Maggie na malayo-layo rin daw ang biyahe papuntang Maynila. Siguro ay gabi na kami makakarating doon kaya minabuti ko na munang matulog habang nasa biyahe.

✎ᝰ. ‧₊˚ ☁️⋅♡𓂃 ࣪ ִֶָ☾。

Nagising ako dahil sa marahang tapik sa aking braso. Nahihirapan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kalmadong mukha ni ate Maggie.

"Sorry dahil ginising pa kita, pero kumain muna tayo, Star" aniya sa maliit na boses.

Nagpalinga-linga naman ako at tumingin sa labas. Nakita kong nasa isang terminal ulit kami, may mga karinderya at maraming bus na nakahinto.

"Nasaan na tayo, ate?" tanong ko kay ate Maggie na may hinahalungkat sa bus.

"Malayo pa tayo, Star. Tumigil lang ang bus para sa mga pasaherong kailangang kumain at umihi" paliwanag niya na naintindihan ko naman.

Tumango ako at sumunod na sa kaniya palabas. Hindi ko naman kasi maitatanggi na nakakagutom talaga ang biyahe kahit pa kumain naman kami ni ate Lilly kanina bago umalis.

Nakahanap ng bakanteng lamesa si atw Maggie kaya doon na kami puwesto. Isang  mangkok lang na soup ang binili ko samatalang isang cup noodles na beef naman kay ate Maggie at coke.

"Malaking kompanya ba ate Maggie ang pinagta-trabahuan mo?" tanong ko nang maalala ang naging reaksiyon kanina ni ate Lilly.

Tumango si ate Maggie ngunit hindi siya nakatingin sa akin. "Bakit, Star?" aniya.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain. "Baka po kasi hindi ako makapasok, grade 12 lang po ang tinapos ko" nag-aalalang sagot ko kay ate Maggie.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nakita kong naubos na niya ang isang cup ng noodles kaya ang coke na lang ang binalingan niya ng atensiyon. "Hindi 'yan. Ako nga eh, grade 12 lang din ang tinapos pero nakapasok pa rin ako roon" wika niya sa kalmadong tono.

Napahinga ako ng malalim, "paano ka po ba nakapasok doon?" I curiously asked.

"Tinulungan ako ng kaibigan kong beke, Star" she said.

I nodded twice, convinced of what she said.

"Trust me, Star. Maipapasok kita sa kompanya ng mga Sylvester."


————————
Author's Note:
      ✎. Hi! Thank you for reading mga lalovesss!! Don't forget to VOTE po and leave a comment hehe, lovelots!!

Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now