Chapter 3

18 3 0
                                    


Starlette Faye's POV.

"Congrats, Letty" bati sa akin ni ate Lilly saktong pagbaba ko stage.

Ngayong araw ginanap ang graduation ko. Limang araw na lamang bago ang aking ika-labing walong kaarawan. Ramdam kong ilag pa rin sa akin ang nanay pero laking pasasalamat ko nang sumama pa rin siya sa espesyal na araw na ito para sa akin. Nasabi ko na rin sa mga kapatid ko at kay itay ang planong pagluwas ng Maynila. At katulad nga ng inaasahan ko ay hindi sila pumayag no'ng una, ngunit kalaunan ay natanggap na rin nila.

Si nanay lang naman talaga ang mahirap suyuin eh. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin bumabalik ang dating treatment niya sa akin. I miss my clingy nanay!

"Congratulations, Star!"

"Congrats, Letty!"

"Congratulations, Faye!"

"Congratulations, anak."

Kaliwa't kanan ang bumabati sa akin lalo na noong umuwi na kami. May kaunting salo-salong inihanda ang pamilya ko kaya maraming tao sa bahay, pero karamihan sa mga bisita ko ay ang mga kapitbahay lang naman namin. Suot ko pa ngayon ang toga ko na napapalamutian ng silver medal. Nakasama kasi ako sa with high honors sa buong grade 12 batch this school year, surprise iyon kay nanay at tatay. Pampalubag loob na rin upang huwag na silang magtampo sa naging desisyon ko.

Nalaman ko rin na nakauwi na pala si ate Maggie galing Maynila. Nagtapos din kasi ang nakababatang kapatid niya na si Snow na ka-batch ko rin.

"Congrats, Star. Pumayag na ba sina Tita?" bati ni ate Maggie sa akin, nagpatuloy siya sa pagkuha ng pagkain.

"Salamat ate. Opo, pumayag na sila itay, pero si nanay......" napahinto ako dahil maging ako ay hindi alam ang sasabihin. Hindi pa rin malinaw sa akin kung pumayag na ba ang inay o hindi pa.

Ate Maggie tapped my shoulder, ngumiti ako sa kaniya. "Don't worry, alam kong maiintindihan ka rin nila" aniya na nagpangiti lalo sa akin.

Marahan siyang naglakad pagilid dahil tapos na siyang kumuha ng pagkain. Sumunod naman ako sa kaniya dahil gusto ko rin siyang makausap.

"Ganiyan din sina papa sa akin no'ng una. Nagalit pa nga sila sa akin dahil mas pinili kong magtrabaho kaysa ang magtapos ng kolehiyo, pero kalaunan ay kinausap nila ako at humingi ng tawad" tumingin sa akin si ate Maggie, nakangiti pati ang kaniyang mga mata. "Sabi nila ay nagtampo lang daw sila kasi nag-desisyon daw ako nang hindi man lang kumukunsulta sa kanila" paliwanag niya.

Napayuko ako. Alam kong naging selfish ako sa part na 'yon pero gusto ko lang naman talagang tumulong.

"Sa tingin mo ate ay papayagan ako ni nanay na sumama sa 'yo?" nalulungkot kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ito ng marahan, "maiintindihan ka nila Star. Magtiwala ka lang" saad niya at ngumiti.

Medyo gumaan ang loob ko dahil sa pag-uusap namin ni ate Maggie. Mula pa noon ay komportable na talaga ako sa kaniya, she's a bit older than me. Nasa 23 years old na siya pero baby face pa rin. Morena si ate Maggie, hindi kagaya ko na maputi kahit laking probinsiya. Mataas din ako kaya madalas na napapagkamalang nasa 20 years old above na. Mabilis na nag-mature ang katawan ko dahil na rin siguro sa mga gawain dito sa bahay at sa bukid.

Nagpaalam ako kay ate Maggie upang puntahan sila nanay sa kabilang lamesa. Nakita kong may lumapit naman sa kaniyang sa tingin ko ay kaibigan niya kaya iniwan ko na sila. Pagdating ko sa puwesto nila nanay ay natahimik sila.

"Dalagang dalaga ka na talaga, Letty" nakangising wika ni Tita Annie, kapatid ni mama. "Congrats pala" dagdag niya.

Ngumiti ako kay Tita at nagmano, "Salamat 'ta" sagot ko, hindi pinansin ang una niyang sinabi.

Napatingin ako kay nanay na nakatitig sa akin, nang magtama ang aming mga mata ay umiwas siya ng tingin. "Kumain ka na" aniya.

Pati sina ate Lilly at napatingin kay nanay ng sambitin niya iyon. Sa loob kasi ng ilang araw na hindi ako pinansin ng inay ay ngayon lamang niya ako kinakausap. Napangiti ako dahil alam kong medyo nahimasmasan na siya.

"Tapos na po ako kumain" sagot ko, medyo kinakabahan.

Tumawa ng mahina si Tita Annie na nasa tabi ni nanay. Siya ang bunso sa magkakapatid kaya medyo may pagka-millenial pa ang galawan. Nasa mid-30's pa lang kasi si Tita.

"Saan ka magko-kolehiyo, Letty?" sabat ni Tita. Natahimik naman ako at halos hindi gumalaw sa aking inuupuan, sumulyap ako kay nanay at nakita kong parang wala lang sa kaniya iyon.

Huminga ako ng malalim bago ko binalingan si Tits. "Uh...... h-hindi po kasi ako magko-kolehiyo" medyo nag-aalinlangan kong sagot.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng aking tiyahin kaya napayuko ako. I knew it, are they expecting me to finish college? Sa hirap at estado ng buhay namin ngayon ay hindi ko na iyon pinangarap pa.

"G-ganoon ba? Sayang naman, matalino ka pa pating baya" wika ni tita.

Ngumiti ako sa kaniya bilang pambawi sa kabang nararamdaman. "Mas gusto ko pong tulungan sina mama" sagot ko. Natahimik ang mga nasa lamesa. Maging si tita ay awkward na ngiti lang ang iginawad sa akin.

"Napakabait mong bata" aniya.

"Letty, mag-usap tayo" napatigil ako sa pag-ngiti nang biglang tumayo si nanay sa kaniyang inuupuan. Sa gulat ay napatayo rin ako sabay baling kay ate Lilly na nakangiti ngayon sa akin.

I manage myself before nodding to my mother. "Sige po, nay" I said.

Umalis sa lamesa si nanay kaya napasunod ako sa sobrang kaba. Pumasok siya sa loob ng bahay at umupo sa bamboong sofa na nasa sala. Kakaunti na lang ang bisita ngayon sa bahay, karamihan ay umuwi na at ang iba naman ay nasa labas. Lalo na ang mga lalaki, nag-iinuman.

"Anong pag-uusapan natin n-nay?" nag-aalangan kong tanong kahit alam ko naman kung tungkol saan ang pag-uusapan namin.

Tumango siya at umiwas ng tingin. "Sigurado ka bang sasama ka kay Maggie sa susunod na araw sa pagluwas ng Maynila?" seryosong saad niya.

Napayuko ako at tipid na tumango. "Gusto ko pong tumulong."

Napatingin ako sa aking ina, nakita kong tumango-tango siya. "Kung 'yan ang desisyon mo ay wala na akong magagawa riyan" kumalabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang tuwa. Sa wakas! Pumayag na si nanay!

"N-nay......" tanging lumabas sa bibig ko kasabay ang mahinang paghikbi. Lumapit ako kay nanay at niyakap ito ng mahigpit. "S-salamat po, p-para ito sainyo" wika ko.

Yumakap din pabalik sa akin ang aking ina. Inalo niya ako na mas lalong nagpalakas ng hikbi ko.

"Mag-iingat ka roon, anak" wika niya na tinanguan ko.


————————
Author's Note:
      ✎. Hi! Thank you for reading mga lalovesss!! Don't forget to VOTE po and leave a comment hehe, lovelots!!

Possessed by Desire (Sylvester series #1)Where stories live. Discover now