EPIC 9

33 10 24
                                    

Chapter 9



Pixel PoV


--SPLASSSHHH— 


I SPRANG OUT OF BED SHOCKED.

"PA. WHAT HAVE YOU DONE?" gulat na gulat na tanong ko "you should have wake me properly instead of bathing me in my own bed" pagdadabog ko. Habang Nakatitig sa nakangiti niyang mukha. "I'm so wet.." tingin ko sa damit ko

"kanina ka pa ginigising ng mga kapatid mo.."turo niya pa sa mga ito na nasa likuran niya. nakapuwesto sila sa nahaharangan nilang pintuan ng kwarto ko.

'At talagang dun pa sila pumwesto ha..'


I glared at them."what are you laughing at?" nakapameywang na tanong ko. Paano naman kasi kagat-kagat nila ang kanya-kanyang mga labi at nagpipigil ng tawa. Hindi naman sila sumagot at nag-iiling lang. napabaling naman ako kay papa ng magsalita ito.

"it's been thirty minutes akala namin binabangungot ka na eh!" sabi niya sabay kibit-balikat. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya. Kahit na may edad na ay matikas pa rin ang tindig. Mahahalata rin na palatawa ito dahil sa laugh lines sa gilid ng bibig nito. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang hawak niyang balde na wala ng laman. So iyon ang ebidensiya ko sa ginawa niyang krimen.

"pa—"tawag ko sa kanya. Sabay sabay naman naming nilingon si mama ng patakbo itong pumasok sa kuwarto ko

"anong nagyayari dito?"hinihingal pang tanong niya. para naman akong nabunutan ng tinik. Siguradong mapapagalitan sila papa at mga kakontsaba niya.

"binuhusan nila ako ng isang baldeng tubig..habang natutulog ma.."sumbong ko. Tumango-tango naman siya

Tumingin siya kay papa at nahinto ang atensyon niya sa baldeng hawak nito."pa, ikaw bang may kasalanan nito?"tanong niya rito. Napayuko naman ang huli.

"I thought she was having nightmares...alam mo naman ang mga kabataan ngayon mahilig sa horror.."

"kung ano-anong kalokohan ang tinuturo mo sa mga anak mong lalaki kaya nagagaya sa iyo eh!"pagalit pa ni mama rito

"anak mo rin sila.." nakangiti pang pag-papaalala ni papa kay mama. My mom glared at him and he pouted.

Humalukipkip si mama sa harap ni papa "hindi mo dapat siya binuhusan ng tubig, masama iyon. Dapat hinulog mo na lang siya sa kama.."tatango-tango pang aniya. Napailing naman ako dahil sa narinig. Akala ko pa naman nakahanap na ako ng kakampi sa katauhan ng nanay ko.akala ko lang pala iyon. Marami nga namag namamatay sa maling akala.

'anak ng tupa naman...my family has a weird sense of humor..'


"Hala ka! Sige nagbasa ka dito..at dahil mga pasaway kayong mga lalake kayo ang maglilinis nito. Hala umpisahan niyo na.."utos ni mama sa mga ito. Napansin ko namang dahan-dahang tumatalilis si papa palabas ng kuwarto ko

"kayong mga lalake...talagang mga pasaway kayo. Linisin niyo daw yan sabi ng mama niyo.."pasimpleng gatong ni papa sa sinabi ni mama habang unti-unting lumalabas. Nakita ko namang tiningnan siya ng masama ni mama

"pa.."tawag ni mama sa kanya. May himig pa ng babala sa boses niya

"sabi ko nga pati ako eh!"bumabalik na aniya

Bumaling ako kay mama ng maramdaman kong nilingon niya ako. Agad na napangiwi ako ng makita ang ningning sa mga mata niya.parang may ibang ibig sabihin eh! "may pakakasalan ka na daw?" kinikilig na tanong niya with matching tili pa.nanlaki naman ang mga mata ko at napaurong. Lumapit naman siya sakin.

LOVE... at first EPIC kiss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon