Chapter 8
PIXEL Pov
I was caught off guard.
I'm stunned.
I'm momentarily freeze.
Dyahe! Joke lang ang lahat ng mga nangyari right?
Medyo matagal na rin akong nakatayo sa lugar kung saan ako iniwan ng mokong na Kiel na yun. Napapansin ko lang ah palagi na lang siyang nagwa-walk out. Ano yun parang babae lang kailangan talaga may palaisipan muna syang sasabihin bago ka iwang mag-isa. ..kairita!
"ms. Venzon, why are you still outside?" narinig kong tanong sakin niligon ko naman iyon at nakita ko si Mrs.Hipolito ang prof namin sa Rizal subject
"po?"wala sa sariling tanong ko pinagtaasan naman nya ako ng kilay
"I was asking you kung anong ginagawa mo dito sa labas, mag-uumpisa na ang klase ko.."sagot niya itinuro niya pa ang pintuan ng classroom. napatingin naman ako doon at narealize kong kaya pala umalis na ang mokong yun dahil naihatid nya na ako sa classroom ko
'paano naman kaya nya nalaman na dito ang room ko...or baka naman coincidence lang..?tss..'
"ms. Venzon are you with me?"tanong ulit niya
Napalingon naman ako sa kanya ng magsalita siya "opo ma'am, I'm still with you pa naman po..hehe pasok na po tayo?"pilit tawang tugon ko atsaka nagpatiuna ng pumasok sa classroom. Sinalubong naman ako ng kakaibang ngiti ni Step na nakaupo sa pinakadulo sandaling tingin lang naman ang iniukol niya at ibinalik na agad sa libro na kunwaring binabasa niya, na sa totoo lang ay ipinangtatakip niya para di siya mahuli ng prof.
Hinanap ko naman sa buong paligid si Hazelle at napansin kong nakangiti rin siya sa akin. Hindi ko na lang pinansin yun at umupo sa tabi niya.
"ano yang ngiting yan?"tanong ko sa kanya habang na kay ms. Hipolito ang tingin
"ngiting nagsasabing ang ganda ganda mo talaga...hihihi"kinikilig pang aniya
"wala akong pera.."
"ah! so pag walang pera gumaganda?"pilosopong tanong niya nilingon ko naman siya at pinanliitan ng mata then kumuha ako ng piso sa coin purse ko
"eto piso..." abot ko sa kanya nagtatakhang kinuha naman niya iyon
"anong gagawin ko dito.."
"bili ka ng kausap mo.."pormal na sabi ko. Nakita ko namang Bumuka ang bibig niya pero isinara niya rin ulit.. sakto namang nagsalita na si Ms. Hipolito sa harap

BINABASA MO ANG
LOVE... at first EPIC kiss???
RomanceOkay lang na nasasakal ka atleast ramdam mong mahal kita, kaysa naman yung pinababayaan kita at inaakala mo lang pala na mahal kita… ----- Juris Garcia At anong akala mo sakin laruan? putik naman!! Pwes!!! hindi ako laruan na pwede mong PAGLARUAN...