Chapter 11
Pixel PoV
--krizzkk—krizzkk—
From: neighbor
I wish my brain has a map
to tell me where my heart
shoud go!
--you should never have loved me.
Ano naman kayang drama nito? Tsk. Si Hazel naman kasi nakitxt sa phone ko ayan tuloy di na tumigil mag-gm ang isang ito naging txtmate ko pa...tsk.tsk.
hay naku!
Well that's life. May mga trip talaga ang tao na hindi natin alam sakyan.Tulad na lang ngayon natapos ang araw ng hindi ko nakita maski anino ni Kiel. Kung kaninang umaga si Kiel lang ang inaalala ko ngayon pati si Iony dumagdag pa. Totoo nga namang when it rain it pours.
Si Juris naman kung kailan ko kailangan ng kausap dun wala. Di daw ako masasabayan sa pag-uwi dahil may project na gagawin. Di ko naman masabi kay Hazelle ang nangyari samin ni Iony dahil siguradong sasabihin lang nun 'sabi ko na sayo eh..he's inlove you..'..tsk! o kaya naman 'manhid mo kasi bestfriend!'
Edi siya na!. Siya nang expert.
"miss, tititigan mo na lang ba yang bola o may balak kang i-shoot yan sa ring?" narinig kong tanong sakin. Bumalik ako sa realidad at hinanap ang pinangalingan nun.
"sino naman kaya yun?"tanong ko sa sarili ko habang nililibot ang mata sa covered court ng garden park na malapit sa subdivision namin. Napag-isip isip ko na maglagi muna dito habang iniisip ko pa ang dapat kong gawin sa mga nangyayari. Sa paghahanap napansin ko na medyo padilim na ilang oras na kaya akong nakatayo dito at lutang. Lumubog na pala ang araw ng hindi ko man lang namamalayan.
"ako bakit may angal ka?" narinig ko ulit na nagsalita. Napabaling ako sa gilid ko at nakita ko naman siya. Nakaupo siya sa bleachers at sobrang angas ng dating. He's sitting like a prince, nakade-kwatro pa habang ang kamay niya ay nakatukod sa likod para sumuporta sa bigat niya. Nakatingala siya ng kaunti at ang kalahati ng mukha ay natatakpan ng panyo na kulay black.
' yabang naman neto..'
I frowned and raised my eyebrows.
'akala mo kung sinong gwapo...'
Then hinipan niya ang panyo na nakatabing sa mukha niya. Nahulog iyon sa kanyang hita at nasilayan ko ang buong pagmumukha niya halos manlaki ang mata ko ng makita iyon.
' shit! Gwapo..'
Then he smirk.
Totoo nga namang when it rain it pours. Bakit ba ng daming mga Adonis na nagkalat sa mundo. Umuulan ng mga gwapo. Lahat yata ng mga anghel eh nagbabaan sa lupa.
"tatayo ka na lang ba talaga diyan sa gitna ng court?"tanong niya atsaka tumayo at inilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon. "I've been staring at you for thirty minutes at ni isang shoot ay wala kang ginawa sadyang nakatayo ka lang talaga diyan habang tinititigan ang bola...kinausap ka naman ba?"tanong ulit niya. hindi naman siya nakakuha ng sagot mula sakin dahil titig na titig lang ako sa kanya, pumalatak naman siya pagkalaan. "baka naman gusto mo kong kausapin?"
BINABASA MO ANG
LOVE... at first EPIC kiss???
RomansaOkay lang na nasasakal ka atleast ramdam mong mahal kita, kaysa naman yung pinababayaan kita at inaakala mo lang pala na mahal kita… ----- Juris Garcia At anong akala mo sakin laruan? putik naman!! Pwes!!! hindi ako laruan na pwede mong PAGLARUAN...