EPIC 15

24 4 1
                                    

Chapter 15


PIXEL PoV


"you've got to be kidding me?"malakas na sigaw ni Hazelle habang mariin na nakahawak sa magkabilang balikat ko

"what so wrong with you? Stop that!"pagsasaway ko sa kanya but instead of leaving me alone she just rolled her eyes and smirk at me "what?"inosenteng tanong ko atsaka hinawi siya sa harap ko at nagpatuloy sa paglalakad

"I should be the one asking you that..."paghabol niya sakin sabay hila sa laylayan ng damit ko

"will you stop tugging my clothes, balak mo ba akong hubaran?"naiiritang tanong ko sa kanya. Napangiwi naman siya atsaka binigyan ako ng nandidiring tingin

"like duh? Why would I even do that? Mas gugustuhin ko pang hubaran si Step kaysa sayo..."pagdedeklara niya then she gave Step a lingering seductive look with matching kindat pa. Agad namang pinamulahan ng mukha ang huli.

"yuck! You're so gross Hazelle! wag ako maghanap ka na lang iba please...eewww!!!"nahihintatakutan at nadidiring saad ni Step habang pumipilantik ang kamay sa ere

"thinking about it, maghahanap na lang ako ng iba na mas karapat dapat na masayaran ng aking mapang-akit na kamay. That would suit me better..."mayabang na anas ni Hazelle while smiling crazily at Step. Step just raised his brow and face me. Ibinaling ko naman sa iba ang paningin ko.

"so, case closed na?"pagbabago niya sa takbo ng usapan. Ramdam ko sa gilid ng mata ko na ako ang kinakausap niya. Lumipat pa siya sa gilid ko at walang pakundangang pinaalis si hazelle sa tabi ko

"ang alin? Yung paglalandi sayo ni Hazelle? Sa tingin ko marami pa kayong kakainin na bigas..."walang interes na sagot ko habang sa dinaraanan lang ang tingin

"anong kakainin ko?"narinig ko namang tanong ni Hazelle

"manahimik na nga kayo, ang weird ng mga lumalabas sa bibig nyo eh!"narinig kong saway ni Bea na umabrisete sa kaliwang kamay ko

"wow lang ah!pa demure pa more Bea girl..."pang-iinis sa kanya ni Step

"bata pa ako noh may gatas pa ako sa labi..."pahayag naman niya sabay punas sa gilid ng labi niya na animo may gatas talaga

"gatas sa labi? Pero kung makapag-crush wagas!!"untag naman ni Hazelle

"crush lang naman iyon, nothing more nothing less. It's not like I'm going to marry them..."pag-eenglish pa ni Bea

"wow lang ah! Nahiya naman ako sayo hindi man lang HIM ang ginamit THEM pa..."si Step

"eh sa madami akong crush eh!hihihi..."pagre-reason out pa niya.

Pare-parehas naman kaming napatigil sa paglalakad ng biglang humarang si Hazelle sa harap. Iniiwas ko naman ang tingin ko ng mariin niya akong pakatitigan.

"teka-teka! parang may mali dito, bakit sa atin na natutok ang usapan? Someone else should be explaining here, right? Right PIXEL?"talagang may emphasis na sabi ni Hazelle at sapilitan pang ibinaling ang mukha ko paharap sa kanya. Ipiniling ko naman iyon

"huh? Wala akong kinalaman dyan ah! Nanahimik ako dito noh!"painosenteng sagot ko

"yun na nga yun eh nanahimik ka, kaya kailangan ka naming pakantahin, right guys?" panghihikayat niya pa sa dalawa. Binalingan ko naman sila at tingnan ng masama ngunit sa gulat ko nginitian lang nila ako at tumango bilang pag-sangayon

"cge kanta lang naman pala ang hanap mo, ano bang klase ng kanta ang gusto mo?"sarkastikong sabi ko

"Pix wag kang magtanga-tangahan di bagay sayo..."marahas na komento ni Hazelle pinagtaasan ko naman siya ng kilay

LOVE... at first EPIC kiss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon