Pixel Pov
"Bhest! Na-uuhaw ako!!"nagpapaawang ngawa ng katabi ko, na apparently bestfriend ko. Ano pa nga bang ginagawa ng isang mabait na kaibigan para sa kaibigan nya?
"Di uminom ka..."walang pakialam na sabi ko
"Bhest naman.."nagpout pa ang bruha at hinila ang laylayan ng damit ko. Nilingon ko ang kamay niya na humahaltak sa damit ko at tiningnan siya ng masama
"The last time I checked bestfriend mo ako at hindi P.A. May paa ka, may kamay, ka kumuha ka. May mata ka, may bibig ka, maghanap ka..."sabi ko then I rolled my eyes
"Bhest naman! awat muna sa kasungitan pwede nasa simbahan ka pa naman... "
"So what?"tanong ko habang nakatuon ang pansin sa harapan
"Hay! hindi ko alam kung manhid ka ba o sadyang tanga ka lang talaga..." pahayag niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay
"Ay hindi pala! binabawi ko na yung first statement ko, wag mo masyadong damdamin baka ipasalvage mo na ako niyan?"patanong na aniya inirapan ko naman siya atsaka ibinalik ang pansin sa harapan
"What I'm trying to say is dapat magpaka anghel ka ngayon, di ba nagbabawas ka nga ng kasalanan..." dagdag pa niya. Ganun pa man di ko na siya nilingon pa at hinayaan ko na lang na nagmomonolouge mag-isa wala rin namang kwenta ang mga sinasabi nya "Alam mo dapat nilagay din sa ten commandments yang katarayan eh noh!! Para mabawasbawasan..."
"Tss.." tumayo ako dahil di ko na makayanan pa ang kadramahan nya at dali daling tinalikuran siya
"Ui! san ka pupunta.."pahabol na tanong niya
"Sa tingin mo saan?"balik tanong ko sa kanya
"Aba kaya nga kita tinanong para sagutin mo ako di para tanungin mo rin ako..."pamimilosopo naman niya
"Tss.."
"Ui! sama ako.."sabi niya sabay haltak sa laylayan ng damit ko. Tiningnan ko iyon ng masama atsaka tinapik palayo.
"Wag na bawal may kasamang demonyo ang mga anghel di ba?"
"Huh?"naguguluhang tanong niya
"Alam mo hindi ko alam kung manhid ka lang ba o tanga ka lang talaga?"pang-gagaya ko sa kanya
"Huh?"
"Sus! magpapaka-anghel ako para ikuha ng inumin ang demonyitang kasama ko. Oh! ayan pwede na specific pa yan? O siya pwede na akong umalis madame?"
"Ahahaha !dapat sinabi mo kaagad thank you bestfriend, I love you..."
"Hate you too..."sabi ko at naglakad na papalayo sa kanya at sa sobrang ingay nyang bibig dapat ginawa ring mortal na kasalanan ang pagiging madaldal eh! Para mabawasan..tsk
Ako pa tuloy ang naghanap ng maiinom nya.
Bakit ba ang tamad nya?
Kainis!!!
I should be the one sitting there and she should be the one looking here. Pero syempre construction pa lang ng sentence should na, so isa lang ang ibig sabihin nun it's the other way around.
Narating ko ang gilid ng chapel ng may sama ng loob. Malamang pag ininom niya yun sasakit ang tiyan niya syempre may sama ng loob na kasama yun as in di bukal sa loob ko. Grabe naman kasi maka-utos kailangan nangongonsensiya muna? tsk.
Dahan dahan akong naglalakad sa may gilid ng chapel at palinga-linga sa paghahanap ng makukuhanan or mabibilhan ng drinks ng may na pansin akong lalaki sa di kalayuan na nakatingin sa direksyon ko..
BINABASA MO ANG
LOVE... at first EPIC kiss???
RomanceOkay lang na nasasakal ka atleast ramdam mong mahal kita, kaysa naman yung pinababayaan kita at inaakala mo lang pala na mahal kita… ----- Juris Garcia At anong akala mo sakin laruan? putik naman!! Pwes!!! hindi ako laruan na pwede mong PAGLARUAN...