Chapter 5
PIXEL PoV
“aba, aba! Ang ganda yata ng ngiti natin ngayon..”bungad ni Bea, one of my lovely friends. Lalo namang lumapad ang pagkakangiti ko
“na miss kita..”sabi ko atsaka yumakap ng pagkahigpit higpit sa kanya “ang tagal mong nawala ah!”
“busy eh! Na miss din kita Friend..hihihi”
“oy! Anong meron dyan bakit di kami kasali…”nilingon naman namin si Step ang baklang friend ko.. “Sali kami dyan, hoy Hazelle bilisan mo …GROUPHUG!” malakas na sabi niya. at nagkatawanan naman kami
“GROUP HUG..”sabay sabay na sambit namin
“haha. Bitaw na mga kaibigan para tayong mga tanga..”nakangiting saway ko sa kanila
“oh! nakangiti ang ms. suplada natin ngayon..friends anong nagyari sa kanya tinuloy nyo na ba ang pagpapakulam dito?”turo sakin ni Step
“anong kulam?”nakataas ang kilay na tanong ko habang nakangiti
“hala! Nagayuma to noh! Nakangiti pa rin..”banat ulit ni step
“tsk. As if tatalab sa kanya ang gayuma, Bakla..”natatawang komento ni Bea
“oy. Oy! Malay mo naman di ba..”
“guys! Guys! In love lang yan..”sabat naman ni Hazelle
“WHAAAATTT?” OA na tanong ng dalawa
“hoy! di ba pedeng maganda lang ang gising ko..LOVE? wala yata sa vocabulary ng utak ko yan..bata pa ako noh may gatas pa ako sa labi!”
“WEHHH???” sabay sabay na react ng tatlo
“che! May feeling kasi akong may magandang mangayayari ngayon…feeling ko lang naman…wag OA..”
“hala! Friend Baka ikakasal ka na?”walang prenong pahayag ni Bea
“BASTOS! KASAL AGAD..”sigaw ko
“ayy! Galit galit ang aga-aga nasa harap ng simbahan tayo..”angal ni Step
“tara na Guys.. it’s a wonderful morning..”pag-aaya ni Hazelle samin di naman nakalagpas sa paningin ko ang kakaibang ngiti na iniwan nya sakin bago nagpatiunang maglalakad
“problema nun?” tanong ko sa sarili ko bago sumunod sa kanila

BINABASA MO ANG
LOVE... at first EPIC kiss???
RomanceOkay lang na nasasakal ka atleast ramdam mong mahal kita, kaysa naman yung pinababayaan kita at inaakala mo lang pala na mahal kita… ----- Juris Garcia At anong akala mo sakin laruan? putik naman!! Pwes!!! hindi ako laruan na pwede mong PAGLARUAN...