EPIC 14

14 2 1
                                    

Chapter 14


PIXEL PoV


"so Friends...."paglalahad ko ng kamay kay Iony. Nakatayo ako ngayon sa harap niya at parang tanga na nakalahad ang kamay habang tinititigan niya lang iyon.

Tulad ng plano niya pinaiyak niya ako ng bongga. Namamaga ang mga mata ko at namumula. It's so disgusting. Dumikit rin ang amoy ng sibuyas sa buhok ko at nangamoy sibuyas ang pabango ko. Pero sa lahat ng nangyari at naranasan ko, wala iyon kumpara sa sakit na dinulot ko sa kanya.

In an awkward atmosphere, sabay naming kinain ang pinaghirapan namin. Parang mental at emotional torture ang nangyari. All those times I've been thinking kung ano kaya ang iniisip niya. Hindi man lang siya nagsasalita at patuloy lang sa pagkain. After what I felt like forever, natapos din.

Although sinabi niya na pinaparusahan niya ako, hindi niya pa rin ako pinabayaan at talagang pinagamit pa niya ang banyo niya para makaligo ako at pinahiram niya pa ako ng damit niya para may maisuot ako temporarily.

Natigil ang paglalakbay ng diwa ko ng magtaas siya ng tingin sakin at pagtaasan ako ng kilay "friends?"tanong niya. Tumango naman ako bilang tugon. Pero nagulat ako sa iniasta niya. Sunod sunod na iling ang natanggap ko mula sa kanya. "pixel naman minahal na kita at mahal pa rin kita tapos gusto mo, kaibiganin pa kita? Di ba ang unfair naman nun para sakin?..."

"so, ano tayo? enemies?"naguguluhang tanong ko habang binababa ang kamay ko na nangawit na ng husto

"were not friends but were not enemies in short I'm someone you used to know. Kaya nga EXBOYFRIEND di ba? It means that I've been part of your past but will never be part of your future..."pagpapaliwanag niya.

"parang ang sagwa namang pakinggan.."pagrereklamo ko. Parang ang bitter naman ng dating ng sinabi niya. Sabagay may karapatan naman talaga siyang alisin ako sa buhay niya.

"masagwa man pakinggan pero yun ang katotohanan.."

"oh I get it, you don't want to be be friends with me because you want to forget about me?ang tanga ko talaga..."napakamot sa ulong komento ko

"no pixz I will never forget about you. Yung sinasabi nilang forget na yan actually di naman yun totoo unless nagka-alzheimers ka o amnesia siguradong makakalimot ka. When you've got a broken heart ang kailangan mo lang gawin ay mabuo ulit ang sarili mo at mahanap yung taong kokompleto ulit sayo. Yun nga lang madaling sabihin pero mahirap gawin. Time heals anyway..."pagkibit balikat niya

Bumuntong hininga ako. Iba rin talaga ang takbo ng utak ng isang tao.

"so, tuloy na talaga ang alis mo?"

Tumalikod siya sakin at pinagmasdan ang papalubog na araw. Kitang kita iyon mula sa kinatatayuan namin sa harap ng gate nila "yup! at walang makakapigil sakin..."tugon niya. Tumingin siya sakin atsaka ngumiti "pipigilan mo ba ako?"

Tipid na ngiti ang isinagot ko sa tanong na binitawan niya. Bumuntong hininga naman siya atsaka ipinaskil ulit sa labi niya ang ngiti "sabi ko nga walang makakapigil sakin kahit ma-isipan mo man na pigilan ako. Well just promised me one thing..."

"ano yun?"curious na tanong ko. Hinarap naman niya ako at tiningnan ng diretso sa mata

"that when we meet again in the near future—"

"at parehas tayong wala pang asawa, magiging tayo ulit dahil para talaga tayo sa isat-isa?Is that what you're trying to say?"

Tiningnan niya ako ng masama. Naitikom ko naman ang bibig ko at sinenyasan siyang ipagpatuloy ang sinasabi niya "di pa ako tapos magsalita nag-aasume ka na. Don't assume unless otherwise stated..."panenermon niya

LOVE... at first EPIC kiss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon