Chapter 28

11 3 0
                                    

tw: Self harm

CHAPTER 28

Mary Shantal Esteban

"Kumusta?" Parang gusto kong magtago bigla nang makita ko si Bea. Ayokong makita niya akong ganito. Sa loob ng ilang taong pagkakaibigan namin, my role is to be there for her, to be her protector and to be strong for her. Hindi ko ipinapakita na mahina ako. Ayokong malungkot siya sa kalagayan ko. I know her. Alam kong iisipin niya nang iisipin kung paano niya ako matutulungan. Marami pa siyang inaasikaso, ayokong dumagdag.

I forced a smile. Ngumiti ako na para bang wala siyang dapat ipag-alala dahil okay lang ako kahit na ang totoo, pinipilit ko na lang ang sarili ko na magpatuloy. "What are you doing here? I thought you're in Seoul?"

"Umuwi ako sandali. Babalik din ako bukas,"

Isang buwan na simula nang nagpa-rehab ako dahil alam kong makakatulong 'to sa akin. Ang tanging sinabihan ko lang ay ang mga kapatid ko at si Gab para hindi nila ako hanapin. Umuwi pa nga sandali si Dale para ihatid ako rito. Sinadya kong konti lang ang makaalam. Ayoko namang kaawaan nila ako dahil hindi naman nakakaawa ang taong gusto lang na maging masaya at maging malaya mula sa masakit na nakaraan.

"Who told you that I'm here?"

"I forced Viviane to tell me," tuluyan nang nagpatakan ang mga luha niya. Ang babaeng ito talaga. Papaiyakin pa rin yata ako. "Nag-aalala ako sa 'yo. Akala ko kung napaano ka na. Hindi ka nagre-reply sa akin."

"Hindi ako gumagamit ng phone." I looked at her habang nakangiti pa rin.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ma-guilty. Sa loob ng pananatili ko rito, napagtanto ko na palagi ko na lang ikinukumpara ang sarili ko sa kaniya. Gusto kong meron ako palagi ng meron siya. Kagaya noong niloko ako ni Primo before, palagi kong sinasabi na mabuti pa si Annavel, kahit hindi niya hiniling ay dumating si Wil. Pati ang pagkakaroon niya ng buong family noon ay kinainggitan ko rin kasi wala akong tatay. Noong hinanap siya ng totoong tatay niya ay hindi ko rin naiwasang mainggit kasi ni anino ng tatay ko ay hindi ko nakita noong nawala si Mama. Tinalikuran man siya ng kinilala niyang pamilya, niyakap at tinanggap naman kaagad siya nila Nicko. Samantalang noong nawala ang nanay ko, sinikap kong magpagkamagulang sa mga kapatid ko kasi wala namang ibang tatanggap sa amin. Kung hindi ko yayakapin ang responsibilidad na iniwan ng mga magulang namin, walang gagabay sa mga kapatid ko. Akala ko sobrang bait ko ng kaibigan sa kaniya pero hindi pala.

"Sorry..."

"You don't have to say sorry for choosing yourself." Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi niya ako naiintindihan. Dapat masaya ako sa meron siya, pero kinainggitan ko 'yon. Hindi ko man sinasadya, kasalanan ko pa rin na mas nangibabaw 'yon kaysa ang maging masaya ako para sa kaniya. "I am so proud of you."

As much as possible, ayokong umiyak. Pero hindi ko mapigilan. Hearing those words never failed to make me cry. Pakiramdam ko, kapag naririnig ko 'yon, nagkakameron ng saysay ang lahat ng mga ginawa at pinagdaanan ko. Mas lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. "I'm sorry, Annavel. I'll try to be a better friend, promise."

"I didn't know that hearing you call me by that name can be comforting." Bahagya siyang natawa habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha niya. "But please be better for yourself, hindi para sa ibang tao. Piliin mo muna ang sarili mo."

Tumango ako at pilit na tumawa para gumaan kahit paano ang atmosphere. "Huwag ka ngang umiyak d'yan. Lalabas naman kaagad ako rito."

"Take your time, Mary basta laban lang. Nandito lang ako palagi."

Tatlong buwan akong nanatili sa loob ng rehab. Tatlong beses pa akong dinalaw ulit ni Bea pagkatapos noong unang dalaw niya. Ang dami niyang dalang balita tungkol sa labas. Kagaya ng pag-alis ni Maven sa Kpop at ang pagsikat ng group ng kapatid ko. Nanganak na rin daw si Ate Mica. Sinabi niya rin sa akin na isang buwan na siyang buntis. I'm so happy for her.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now