Chapter 29

13 3 0
                                    

tw: self harm

CHAPTER 29

"Okay lang ako." Pilit pa akong ngumiti para maniwala sa akin si Joshua pero nanatili pa rin siyang nakatinggin lang sa akin na para bang alam niyang nagsisinungaling ako at kailangan kong sabihin ang totoo sa kaniya. Inirapan ko tuloy siya. "I said I'm fine."

"At totoo ang unicorn," inirapan niya rin ako. Napakunoot ang noo ko sa sinabi niya? Anong kinalaman ng unicorn sa hindi ko pagsasabi ng nararamdaman ko? "Sige na, Mary. Sabihin mo na sa akin. Anong nangyayari sa 'yo? Kitang-kita naman na nagsisinungaling ka sa akin. Sa akin pa talaga?"

"I'll tell you kapag meron but I told you, I'm good. Hindi lang ako sanay makakita ng dugo kaya nahimatay ako." Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko lang talaga sinasabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon ko.

Baka mag-alala pa siya sa akin kapag sinabi kong naiisipan kong saktan ang sarili ko kapag nakakakita ako ng dugo at matitilos na bagay. Iyon ang dahilan kaya nagpa-rehab ako noong nakaraan. Sabi ni Doc Mateo ay makakatulong iyon sa akin and sa totoo lang, tama siya. Malaki nga ang naitulong sa akin ng pagtigil ko sa loob ng facility na iyon. Sa loob, hindi nila ako hinuhusgahan and I feel validated. Kaya nga kahit papaano ay nami-miss ko ang mga tao roon. Sila ang tumulong sa akin at malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

Ayokong sabihin sa mga kaibigan ko ang dahilan ng ilang buwang pagkawala ko. Ayokong sabihin sa kanila na humingi na ako ng tulong sa iba kasi busy silang lahat. Walang magbabantay sa akin sa bahay at ayoko silang abalahin. May kaniya-kaniya na naman kaming buhay. May asawa na si Kuya Jackson at Bea, busy naman ang mga kapatid ko sa ibang bansa. Si Joshua ay may trabaho rin. Hindi titigil ang mundo nila para sa akin. Ayoko rin naman na mangyari 'yon kaya sarili ko na lang ang inaasahan ko.

"I know, may hindi ka sinasabi sa akin and I will not force you kung ayaw mo talaga. Pero sigurado ka bang okay ka lang dito na mag-isa?" Malawak ulit akong ngumiti bago tumango. Effective naman kasi iniwan na rin niya ako pagkalipas ng isang oras.

Ayoko mang abalahin si Gab ay tinawagan ko pa rin siya pagkaalis ni Joshua. Sa lahat ng kaibigan ko ay sa kaniya lang talaga ako super open about sa kalagayan ko ngayon. Siguro ay dahil siya rin ang nag-recommend sa akin noon kay Doc Mateo. Nagpatulong lang ako sa kaniya na itinago ang mga bagay na magpapa-trigger sa akin na saktan ang sarili ko. Hindi ko maasahan ang sarili ko na gawin 'yon dahil sarili ko na mismo ang kalaban ko ngayon.

"Don't hesitate to call me, Mary." Yumakap sa akin si Gab bago siya umalis. Naging okay naman ako noong mga sumunod na araw. Compared sa dati na palagi na lang nakakulong sa kwarto, sinubukan ko na ulit mag-exercise kahit sa bahay lang. Ginagawa ko na ulit ang mga dati kong ginagawa rito sa Pilipinas katulad ng paglilinis ng bahay at paglalaba. Hindi naman ako palaging malungkot. I still feel happiness. Not until sumapit ang 29th birthday ko.

"29 years old na ako." Naalala ko na naman ang mga kasabayan ko na may mga pamilya na. May mga trabaho tapos ako, nasa bahay lang. Mahina. Nandito na naman ang pakiramdam na wala akong halaga at sinayang ko lang ang buhay ko sa isang bagay na hindi ko ginusto. 'Yung pakiramdam na napag-iwanan at hindi alam kung paano makakahabol. Para akong naliligaw na bata at walang eksaktong patutunguhan.

"Pwede bang pumunta ako sa tree house?" Tanong ko kay Bea habang kausap ko siya sa video call. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Buntis siya kaya ayoko rin na magba-byahe pa siya para puntahan ako lalo pa maselan ang pagbubuntis niya.

"Okay lang. Pumunta ka roon anytime. May duplicate ng susi si Kuya Jackson, sasabihin kong ibigay sa 'yo." Ilang buwan ko na ring tinatakasan si Kuya. Kumusta na kaya sila ni Ate Mica? "Bakit gusto mong pumunta sa tree house? Na-miss mo bang manood ng sunset?"

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now