Chapter 3

1.2K 19 2
                                        

"Magkwento ka na, dali!" bungad agad ni Zie pagka-upo ko sa mesa. Aga-aga, chika agad ang gusto niyang almusal.

Buti na lang walang klase ngayon. Medyo masama rin pakiramdam ko dahil nabasa ako kahapon.

"Next time, magdala ka na ng payong. Masakit ba ulo mo? Bibilhan kita ng gamot," sabi niya.

Sumasakit na nga ang ulo ko, kaya tumango na lang ako.

May payong naman ako... pero lagi ko 'tong nakakalimutan. At hindi rin kasya sa bag ko. Ayoko ring mabasa yung payong ko.

Mabasa na ako... 'wag lang ang payong ko.

"Mamaya ka na magkwento pagbalik ko," sabi niya bago umalis.

Kumain na lang ako ng tinapay.

Buti na lang hindi ako nahihilo. Minsan kasi, kapag masama pakiramdam ko, nahihilo talaga ako.

Napahawak ako sa ulo ko at nagulo ko pa ang buhok ko dahil sa sakit nito. Idagdag pa yung pagpayag ko na magpahatid kay Sir kagabi.

Sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko na siya papansinin. Kung sakali man, tungkol na lang sa subject niya.

"Paano nga ba niya nalaman yung address ko?" bulong ko sa sarili.

Pinilit kong alalahanin kung may nasabi ba ako sa kanya nung una kaming nagkita... pero wala akong matandaan.

"Oh, bumili na rin ako ng palaman," sabi ni Zie.

Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya.

"Bukas pala, hindi ako dito matutulog. Pinapasama ako ni Mama, wala kasing kasama. Okay lang ba sa'yo?"

"Okay lang. Pakamusta mo na lang ako kay Tita," sagot ko.

"Okay... magkwento ka na," sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Hindi ko siya boyfriend."

"Manliligaw?"

"Hindi rin."

"Kaibigan?"

Hindi ko rin siya masabing kaibigan... kasi hindi naman kami gano'n ka-close—kahit sa school. Nag-uusap lang kami kapag tungkol sa subject niya o sa thesis namin.

"Hindi rin," sabi ko sabay inom ng tubig.

"Eh ano mo siya? Sumasama ka sa hindi mo kilala ha, Aramine?" gulat na tanong ni Zie.

Napabigla ako. Dalawang taon siyang mas matanda sa'kin, pero kung makipag-usap, parang magkaedad lang kami. Tinuturing ko na rin siyang kapatid—dahil wala naman akong ganon.

"P-professor ko siya," sagot ko.

"Professor? Tapos hinatid ka? Ano 'yon? May gusto ba siya sa'yo—" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko.

"Hindi ko alam... pero kasi... kilala ko na siya bago pa siya maging professor," pag-amin ko.

"Edi kaibigan mo nga," sagot niya.

"Ah basta... magkakilala lang kami. Yun lang 'yon," pagtatapos ko sa usapan.

Tama naman—magkakilala lang kami. Pero hindi ko pa rin masabi na kaibigan ko siya.

"Baka naman ma-issue kayo niyan. May paghatid-hatid pa. Alam mo naman bawal makipag-relasyon ang teacher sa estudyante," paalala ni Zie.

"Anong relasyon? Ang bilis ng imagination mo ah. Hindi mangyayari 'yon," sagot ko.

Alam ko namang bawal.

Professor After DarkStories to obsess over. Discover now