Tahimik kaming sumakay sa kotse niya.
Inilagay niya sa backseat yung mga pinamili ko.
Hanggang makaupo siya sa driver's seat, hindi pa rin ako nagsasalita.
"Y-yung nangyari kanina, Sir—"
"I'm sorry. I didn't mean to say that..." putol niya. "Ex mo ba 'yon?"
Tumango ako.
Tumingin siya sa unahan, tapos sandaling lumingon sa'kin.
"Dito ka rin pala namimili, Sir?" tanong ko habang kumakain ng burger.
Malapit lang kasi sa amin yung market, at mas mura rin dito.
"Starting now, can you please stop calling me Sir? We're not on campus," sabi niya.
"Mas formal kasi kung Sir," sagot ko pa rin, hindi siya tinitingnan.
"Just call me Kai."
Tumingin siya sa'kin.
Tumango lang ako.
"You're not with anyone else?" tanong niya.
Tuwing napupunta siya, ako lang mag-isa.
Buti na lang hindi niya naabutan si Zie. Baka kung ano pa ang isipin niya. Madaldal pa naman 'yon, lalo na kapag bagong kakilala.
"Umuwi si Zie sa kanila. Sa Cavite para doon mag-Pasko," sagot ko habang inaayos ang pinamili ko sa paper bag.
Nababawasan ang galaw ko dahil tinutulungan niya ako.
Nakakahiya.
Professor ko pa rin siya.
"You'll be celebrating Christmas alone?" tanong niya.
Tumigil siya sa ginagawa niya, naghihintay ng sagot ko.
"Sanay na ako," sagot ko sabay tuloy sa paglalagay ng mga delata sa kusina.
Madalas nagugulat din mga kaibigan ko kapag sinasabi ko 'yon.
Inaaya nila ako sa kanila tuwing Pasko, pero tumatanggi ako.
"Where are your parents?" tanong niya ulit.
Humarap ako sa kanya.
Naghihintay siya ng sagot.
Kailan pa siya naging interesado sa buhay ko?
"May kanya-kanya na silang pamilya. Pero pinapadalhan pa rin nila ako. At least... naaalala pa rin nila ako."
"I'm sorry," sabi niya.
Pagkatapos noon, hindi na siya nagtanong pa.
Naupo na lang siya sa sofa at kumuha ng libro sa table. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa'kin habang nagbabasa.
"Dito ka na magtanghalian. Nagluto ako... kung hindi ka pa aalis," sabi ko.
Hinihintay ko siyang sumagot.
Nakadalawang libro na siya bago niya ibinaba yung hawak niya.
Tumayo siya at lumapit sa'kin.
"I'm actually hungry," sabi niya habang nakangiti.
Umupo siya sa lamesa.
Pinanood ko siya habang tinikman niya yung chicken curry na niluto ko.
"It's good enough," sabi niya, tumatango pa.
"Good enough?" bulong ko sa isip ko.
So... hindi ba siya satisfied?
Kumuha ako ng kutsara at tinikman din yung luto ko.
YOU ARE READING
Professor After Dark
RomanceHyacinth Aramine Villa, a graduating student ready to move on from school life, meets Danel Kai Anderson, a well-known and respected professor. What starts as an unexpected encounter turns into something more, leading to a night that changes everyth...
