Chapter 7

1.1K 20 4
                                        

Lumiko kami sa rotonda para maghanap ng makakainan.Sarado na yung ibang fast food, kaya napunta kami sa isang local eatery.Pangalawang beses ko na rito. Yung una, kasama ko si Zie.

Siya na ang umorder ng pagkain namin. Tahimik kaming naghintay sa mesa habang inaantay na ihatid yung order. Masarap talaga yung pagkain dito. At 24 hours pa silang bukas.

Bigla niya akong inabutan ng hoodie. Napatingin ako sa kanya. Siguro napansin niyang nilalamig ako.

May konting ambon pa sa labas, at parang napapadalas na ang ulan ngayong taon. 

Lagi na rin umuulan kapag magkasama kami. 

"Thank you," mahina kong sabi.

"Ikaw pala 'yan, iha. Buti bumalik ka ulit dito."

Si Lola Tasya ang naghatid ng tray sa mesa namin, puno ng bagong lutong pagkain. Ang lakas pa rin niya kumilos—hindi mo aakalain na senior na siya.

Siya rin ang may-ari ng karinderyang ito.

"Masarap po kasi ang mga luto niyo, Lola. Talagang babalik-balikan," sagot ko. 

"Naku, nambola ka pa. Teka, ikukuha ko kayo ng mainit na sabaw." Ngumiti ako habang pinapanood siyang lumayo.

"Masarap talaga pagkain nila dito. Lutong-bahay," sabi ko kay Kai. "What about you?" tanong ko.

"Marunong ka bang magluto?"

Napansin ko kasi—madalas puro fast food ang kinakain niya.

"Sometimes. Only on weekends," sagot niya.

Tumango ako. Siguro busy siya. I mean... ganon naman talaga kapag busy ka sa pagtuturo. Laging may ginagawa.

Pero kahit busy siya... nakakahanap pa rin siya ng oras...para sunduin ako.

"Oh, ito na yung sabaw niyo. Masarap 'yan, bagong luto."

Ibinaba ni Lola Tasya ang mangkok sa harap namin.

"Boyfriend mo ba 'yan?" dagdag pa niya, sabay turo kay Kai. "Naku iho, ang swerte mo rito. Masarap 'yan magluto."

Muntik na akong masamid. Napatingin ako kay Kai.

Tahimik lang siyang nakikinig... may ngiti pa sa labi.

"Natikman ko na po, Lola," sagot niya. "Masarap nga po."

Nakatingin siya sa'kin habang sinasabi 'yon. Agad akong umiwas ng tingin.

Tumila na yung ambon nang umalis kami.

"Salamat sa dinner," nakangiti kong sabi. "Bawi ako next time. Ipagluluto kita—anong gusto mo?"

"You."

Napatingin ako sa kanya.

"Your favorite food," mabilis niyang dagdag.

"Chicken curry?" sabay naming sabi. Napangiti kami pareho.

"Saan ka pala umuuwi?" tanong ko. "Sa parents mo?"

"I don't live with my parents." sagot nya.

Ngayon ko lang siya natanong ng ganon. Ewan ko, nahihiya kasi ako magtanong tungkol sa personal niyang buhay.

"You can visit sometime," dagdag niya.

"Ha?" Napatingin ako sa kanya.

Sabay kaming napahinto. Nasa labas na pala kami.

"You can visit... and that's where you can cook for me," dagdag niya.

Hindi ko napigilang mapangiti. Niyayaya niya ako, sa condo niya.

"Wag ka mag-alala, may kasama ako ro'n," sabi niya sabay tawa, halatang naaaliw sa reaksyon ko.

Hindi ko alam kung mas lalo akong na-relax, o mas lalo akong kinabahan.

Professor After DarkStories to obsess over. Discover now