Chapter 8

1K 16 7
                                        

Kakapasok ko lang sa CR nang may narinig akong boses mula sa isang cubicle.

"Is there anyone there? Can you pass me a tissue? I forgot mine."

Napatingin ako sa may bag sa gilid at nakita ko yung tissue.

"Ito oh."

"Oh, thank you."

Humarap muna ako sa salamin para maghugas ng kamay at ayusin ang buhok ko. Maya-maya, lumabas na yung babae sa cubicle.

"Thank you so much, Ara."

Napalingon ako. "Nicy?"

Ngumiti siya. "Buti nalang dumating ka. Kanina kasi may pumasok pero hindi ako pinansin."

Break time na namin. May two hours kaming vacant kaya naghahanap kami ng matambayan—sarado kasi ang library.

"Kumain ka na ba?" tanong ko. Baka pwede ko siyang ayain.

"Kakatapos ko lang," sagot niya. "Ihahatid ko pa 'to kay kuya sa taas." Itinaas niya yung lalagyan ng pagkain.

"May kuya ka pala na nag-aaral dito?"

"Hindi siya stud—"

"Ara! Gutom na ko!"

Napalingon kami pareho sa sigaw mula sa labas. Si Sean.

Napatawa si Nicy. "Mukhang may naghihintay na sayo."

"Wala sakin yung kaldero niyo!"

Medyo maingay sa canteen kahit kokonti nalang ang kumakain. Halos puro 4th year ang nandito. Si Sean na ang umorder ng pagkain namin.

"Hey Zaira, can you reduce my workload? Why do I have three tasks while everyone else has two?" biglang sabi ni Lucy habang lumalapit sa table namin.

Mukhang tungkol sa groupings sa Game Dev.

"Sa ating apat, sayo na nga yung pinaka madali, nagrereklamo ka pa?" sagot ni Zaira. "Dukutin ko mata mo dyan eh," banat niya.

Kilala na kasi yung grupo nila—madalas hindi tumutulong, tapos kapag sinita mo, ikaw pa masama. Mahilig pa magpa-victim. 

"Sean, yung satin pala, kamusta?" tanong ko. Siya kasi nagvolunteer gumawa—basic lang daw sa kanya. 

"Patapos na. Check ko mamaya pag-uwi ko. Send ko rin sayo."

Biglang siniko ako ni Crissie. Napatingin ako sa direksyon na tinuturo niya.

Sila Kai, kasama ang ibang prof. Palapit sa pwesto namin. 

"Anong meron kay Sir?" tanong niya.

"Napakaganda talaga ni Ms. Acosta," biglang sabi ni Sean.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Si Jeska naman ay nakataas ang kilay habang nakatingin kay Sean. 

"Oh bakit? Totoo naman ah. Crush ko nga 'yan," dagdag niya.

"What if agawin mo siya kay Sir?" hamon ni Jeska.

"Wala akong laban dyan kay Sir," sagot niya agad.

"Edi agawin mo! Di naman sila—"

"Saka na kapag hindi na ko estudyante. Baka hindi ako makagraduate," biro pa niya.

Hinampas sya ni Jeska habang natatawa. 

Konti nalang ang tao sa canteen. Halos kami nalang ang natira. Yung bakanteng mesa sa tabi namin—doon umupo sila Kai. Kasama si Ms. Acosta

"Vegetarian ka na, Kai ah. Binabawalan ka ba?" rinig kong tanong ng isa sa kanila.

Napansin kong palipat-lipat ang tingin ni Zaira—mula sa'kin at kay Kai

Professor After DarkStories to obsess over. Discover now