Simula

199 3 6
                                    

Simula

"Tang ina, Maddox! Virgin ka pa rin?!"

"So what? I'm reserved."

"Asshole! Napakapihikan. Taas ng standards mo kaya 'yan ang napapala mo!"

"I'm too precious to even let someone hold my body."

I hissed and rolled my eyes as I threw the chips I was about to chew.

Maddox Consunji and his nasty group of friends again...

Hindi ba sila nasusuka o nandidiri man lang na puro babae at ang mga makamundong bagay ang lagi nilang pinag-uusapan tuwing breaktime?

Laging sa cafeteria sila kung saan nandoon din ako. I feel like they shadowed me with just a year being enrolled here. Lahat tuloy ng ginagawa nila saulado ko na. Kung saan sila pupunta, kung sino ang bagong girlfriend ng isa o kung sinong ex-girlfriend ng isa. The reasons of breakups and everything about their lives. Nakakasawa!

Kalabisan pa ngang kaklase ko sila. Hindi ko alam kung siniseryoso nila ang mga aralin. Maliban na lang talaga kay Maddox Consunji na parang namali ng landas sa tinahak na grupo.

Maddox Consunji is literally a spitting proof of what a brain looks like. Sagad na matalino at ... at gwapo raw.

Well, yes. Of course! He is. Sa sobrang gwapo niya ay hindi ko siya type. Sagad na matalino at sagad pang gwapo! Iyon nga lang medyo mayabang at mapang-asar. Tatahitahimik pero mapang-asar din pala!

Taking up a degree in Legal Management, they seemed to be more occupied on things that doesn't involve the studies. Kung mag-aabogado sila niyan after nito sana man lang maka-graduate sila! Ang hirap hirap na nga ng first year dahil kailangan mabilisan mong maintindihan ang mga itinuturo. Tapos sila parang petiks lang?!

Hay! This is not the life I want. Kung hindi lang sana ako pinipressure ni Daddy na mag-abogasya ay hindi na talaga ako tutuloy.

Wala sana ako ngayon dito sa siyudad at masaya sana sa buhay ko noon sa probinsya.

"Niki, palitan nga tayo ng pwesto," bulong sa akin ng matalik kong kaibigan na si Kisses.

Sininop nito ang mga gamit at tumayo upang lumapit sa pwesto ko kahit hindi pa ako pumapayag.

We were seated in a four-seated table inside the cafeteria. Nakatalikod ako sa pwesto ng grupo nina Maddox kaya malaya akong umismid at umirap dahil sa mga walang kwenta nilang usapan. Ang pwesto ni Kisses ang nakaharap sa kanila.

Kinuha ni Kisses ang mga gamit ko kahit hindi pa ako nakakatayo at ito mismo ang naglipat sa kabila.

"Bakit ba?" Takang tanong ko.

Nakangisi si Kisses at inginuso iyong crush niyang junior na nasa kaparehang program namin.

"Lexus?"

She nodded in giddiness.

I rolled my eyes at her. Isa pa naman 'to!

Umupo ako sa inalisang pwesto ni Kisses at napapangiwing inismiran ang kaibigang nanghahaba ang leeg kakatanaw sa sinta niya!

I hissed again. Mabuti pa siya at nakakuha ng oras para magpantasya kahit ang hirap ng ObliCon na inaaral namin ngayon! Luckily, I don't have time crushing on someone here! Kahit ang daming gwapo rito sa Ateneo!

My father pressured me too much that I can't provide even a crush!

Tuluyan akong umupo sa pwesto ni Kisses at inismiran ang grupo nina Maddox na nagkakatuwaan sa kung ano. Huli na nang mabawi ko ang pag-ismid dahil nahuli iyon ni...Maddox nang mapatingin siya!

Mine Forever (Haciendero Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon