Kabanata 11

57 2 8
                                    

Kabanata 11

I suggested this whole set up. Kaya hanggang nandito ako ay paninindigan ko na. Kung magkagusto muli siya sa akin at makuha ko ang loob niya ay mas madali iyon para makumbinsi siya.

Iginala ko ang mga mata sa kabuuan ng kanyang bahay na may katamtamang espasyo para sa isang tao. Halos makakapal na libro ang nasa sulok ng office desk niya. Those are books of Law.

Looking back, where will I ever be if I continued my studies? Katulad kaya niya akong nasa ganitong sitwasyon din?

I imagined him there on his chair. Studying and working while sipping on his coffee. Suplado at seryoso.

I snorted. I've decided to clean his little mess. Hindi ko nilapitan ang kanyang office desk at baka may importanteng gamit doon na magalaw ko. Bad shot na naman siya sa akin kung magkaganon!

"I have never seen myself doing this for you, Consunji!" Bulong bulong ko habang nagwawalis ng kanyang kahoy na sahig.

Dumiretso ako sa malinis niyang kusina matapos maglinis sa salas. I didn't have the time to ask him if he has his assistant here. Sa sobrang busy niya sa plantasyon at sa propesyon dapat lang na may katuwang siya. He's after all a human. Napapagod din. That's why he needed me if he didn't hire any househelp.

I rummaged on his cupboard and fridge. May mga stocks naman siyang pagkain doon. Hindi ganoon karami dahil siguro hindi naman talaga siya madalas dito. Sabi nga ni Kisses ay sa ibang bansa rin ito naglalagi.

Oh! When is the homecoming? Pagkatapos ba n'on, he will fly back?

Papaano ang pakay ko? I don't have the time to go wherever he go. May sarili rin akong buhay at trabaho. If that time comes, should I surrender?

That's why I should be a good girl. Para mas mapadali at mapabilis ang lahat.

I heaved a sigh. Kinalma ang sarili sa posibilad at naisipan na lang na ipaghanda ito ng pagkain.

After our banters, we've came up to this. Me, serving him for the time being!

How fortunate is the brute!

Ang swerte naman niya at may pribilehiyo siyang pagsilbihan ng crush niya!

I even cooked sinigang for him. Nakakahiya sa sarili ko! Sorry, Nikita. I would redeemed you when these are all over.

Nagpaalam siya kanina na aalis muli at pupunta sa plantasyon. I let him since I also want to cook and eat.

Nakarinig ako ng mumunting tawanan sa labas ng kanyang pinto pagkaraan ng isang oras.

I guess, he's here already.

Hinanda ko na ang mesa para makakain na rin siya. Hindi ko pa namalayan na gutom na rin pala ako kung hindi pa nalanghap ang sariling niluluto kanina.

I went through the door and opened it. I saw him in front of the door. His back was facing me. May kaharap siyang babae na may dalang basket ng kung anong bunga ng pananim.

He glanced at me and then back to the woman. Hindi ko matanggal ang tingin sa babae.

She looked pretty and petite in her white dress. Maiksi at maalon ang itim na buhok. No trace of any make up on. Katamtaman ang kulay.

"Hi, good morning!" I greeted them politely.

"Hi..." Atubiling bati ng babae na agad sinipat ng tingin ang kabuuan ko.

Ngumiti ito at nagtakang tiningnan si Maddox.

Maddox looked at me while I looked at him with my smile on. His brow shot up.

Mine Forever (Haciendero Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon