Kabanata 24

49 1 23
                                    

Kabanata 24

"Ipagluluto na lang kita. Syempre bonus 'to. Dapat may extra fee." Inismiran ko si Maddox.

Bumalik nga kami ng mansyon lulan ng kanyang sasakyan. He let Raegan supervise the operation plantation.

Ngayon nga ay kinalkal ko ang mga pinamalengke ni Manang Luz.

"Madalas nang sumasakit ang balakang ko," reklamo ni Manang Luz na paika-ika na naman habang iniinda ang balakang.

As she gets older, it's understandable. Kaya pakiramdam ko ako ang gagawa ng mga gawaing bahay dahil iisa lang naman ditong kasambahay si Manang. Even Maddox is very rich, he maintained only one househelper. Wala rin siyang security. Isn't it he's too complacent?

Abogado siya at sobrang yaman pa pero wala man lang siyang miski isang security guard man lang? Hindi maiaalis na delikado ang buhay kung nasa law field ka. May mga makakalaban ka na hindi maiiwasang gumawa ng masama. Lalo na at magaling siya sa larangang iyon.

Safe nga naman siya rito sa lugar namin. People here knew him. But you can never really tell.

"Pacheck-up ka na po kaya Manang Luz? Sasamahan po kita. Parang madalas na ang pananakit ng balakang mo..." I said.

She waved her hand again for a protest.

"Ipapahinga ko muna. Matanda na at dumadaan talaga ang ganito," she smiled. "Kaya mo bang gumawa dito sa kusina?"

I eyed Maddox who's standing across me in between was the kitchen counter. Nakikitingin din siya sa ginagawa kong pag-aalis ng mga gulay mula sa brown paper bag.

"I know how to cook as well. I'll help," nakangiting boluntaryo ni Maddox.

"O siya, sige! Hahayaan ko na muna kayo para matutunan ni'yo rin ang isa't isa kung totohanang magsama na kayo." Paalam ni Manang Luz na paika-ika pa rin.

I don't know if it's an act or I should be worried for her. Sometimes, she's very energetic. There are times, she's sick. Kaya dapat magpa-check up din.

"Oh, marunong ka naman pala. Magluto ka rin minsan para naman makapagpahinga si Manang..."

Abala na ako sa paghahanda ng mga sangkap. Sinigang na baboy lang ang specialty ko. Pero sanay din naman ako sa ibang putahe dahil mag-isa na rin ako noon sa ibang bansa at kailangang matutunan ang ganito.

My eyes then flew at Maddox. Nakatingin pala siya sa akin at sa ginagawa ko. There's amusement plastered on his face.

"Baka naman hindi ka masarap magluto kaya hindi mo ginagawa? Sige, ako na lang muna." I said sarcastically.

Hindi mabura sa mukha niya ang pagkatuwa sa kung ano. I really wanted to believe he's crazy. Kanina lang umuusok ang ulo niya, ah!

His hair was a bit dump earlier, ngayon ay tuyo na. He looked so fresh in his white simple shirt and black broad shorts. Ngayon ko lang yata siya nakitang ganito kasimple. Nonetheless, he's too much of a view.

"Even if I want you to watch me, we have to cook." Ngisi niya sa akin at lumapit sa gilid ko.

I scowled at him. "Maraming agahan dito kanina, ah. Nasaan na ang mga niluto ni Manang?"

"She said she gave it to stray kids earlier. Akala niya hindi na tayo babalik at sa hapon na."

I nodded.

"Magpapahanda si Sir Raegan ng tanghalian mamaya. Doon na lang siguro tayo para tipid."

Maddox brows furrowed. "What did you call him?"

"Sir Raegan." Pag-uulit ko.

Lalong nangunot ang noo niya. "Why should we cut our budget here? Hindi pa naman ako naghihirap, Nikita."

Mine Forever (Haciendero Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon