Kabanata 6

62 2 7
                                    

Kabanata 6

"Ano, Niki, kailan ka nga uuwi? Ilang alumni homecoming na ba ang tinanggihan mo?"

I watched my dear friend — Kisses, on my screen. She was in her room lying flatly on her bed.

I removed my sleeping mask on. Matutulog na sana ako pero heto siya at ginagambala ako. She always finds time to call me. Magkabaligtad ang oras namin kaya iyon talaga ang oras na alam niyang pwede ako. Heto nga at kinukulit na naman ako.

"Lagi mong pinipilit. Hindi naman ako diyan nagtapos."

"You really are a heartbreaker! Kahit hindi ka nakapagtapos sa ADMU, naka-isang taon ka rin naman doon. That means you're still an alumna."

"Maybe next year."

She pursed her lips again. Like the usual, she's disappointed.

"Baka naman maging sa kasal ko hindi ka pumunta! Isusumpa na talaga kita na sana makahanap ka ng katapat!"

"Tss... If you didn't make a love potion for Lexus, he'd never fall for you, Kristina." Pang-aasar ko.

"Love potion, your ass! Sadyang natural na maganda lang ako kaya nagkagusto siya sa akin!"

I hissed at her and rolled my eyes. "Iyan lang ba ang sadya mo kaya ka tumawag?"

I started to put some night cream while she watched me and talk.

"Hmp! Napaka-harsh. Syempre namimiss na kita! And I have chismis again..." She said in her spicy tone.

I rolled my eyes again like the usual. Kailan ba makakamove on ang kaibigan ko?

"Atty. Maddox Consunji is coming to town!" She sang. "He will attend the homecoming again. Ang consistent niya, ha! Mahiya ka naman! Kaunting effort naman sana ang manahin mo sa kanya. Compare to you, he's also staying in abroad but he finds time to come home, Nikita."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Everytime his name and title rolled from Kisses' tongue, I would froze on my spot.

Atty. Ridge Maddox Consunji.

A degree holder of Bachelor of Arts in Legal Management, pursued Law and graduated in Ateneo School of Law with a latin.

Summa Cum Laude.

Bar Exam — Topnotcher.

Ganoon na siya kataas. I remember those old days when I always doubt their group. Lahat sila naging abogado maliban nga lang kay Kisses na hindi na tumuloy. She shifted her course to BS Accountancy because like what she always said, wala naman na raw ako.

If I have known, ayaw lang talaga nitong mag-abogada. Parehong napilitan lang dahil sa mga magulang namin.

Even Kisses is my longtime best friend, I still don't have the courage to tell what is my current life here in Canada. Kung magtatanong ito ay iniiba ko ang usapan. Ang alam lamang ni Kisses ay hindi na rin ako tumuloy sa pag-aabogada. I reasoned out that I want to pursue what I want. Akala niya naka-graduate ako.

Unfortunately, I didn't make it. The sole reason we migrated was my mother. She's critical and she suffered from her illness. She needed a strict medication and we needed a large amount of money. Ang mga ari-arian namin sa Pilipinas ay napilitang ibenta ni Daddy. We were bankrupt.

I didn't tell her about it. Ang alam lamang ni Kisses ay kailangan ni Mommy na magpagamot sa ibang bansa.

Even our old house in province was sold. Kung uuwi ng Pilipinas ay iyon ang aatupagin ko dahil iyon talaga ang mahalaga kayna Mommy. I heard from a source that the owner is planning to sell it. To relive my childhood memories there, I will buy it. Nandoon din ang mga alalalang masasaya na gusto kong balikan. At iyon din ang naging pakiusap sa akin ni Mommy bago niya kami iwan.

Mine Forever (Haciendero Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon